Chapter - Ten Positive Feelings

30 1 0
                                    


"Ito na ba ito? Sana totoo na ito" "Kung siya na ba ang para saakin" "Ayoko na kasing maulit ang mga pinagdaanan ko dati" Sabi niya sa kanyang sarili.

Muling nagliwanag ang dati niyang madilim na pusot damdamin. Di niya inakala na dadating si Nikko para sagipin ang naghihingalo niyang puso.

     Habang ka chat ni Celine itong si Nikko. Biglang nagmessage itong Bff ni Celine na si Dianne.

"Gabi na bakit gising ka pa?" "Ah wala lang hindi kase ako makatulog" "Hmp... Siguro may ka chat ka no?" Biglang nagulat si Celine sa reply ng Bff niyang si Dianne. "Anu ka ba Dianne ! Wala akong ka chat ok !" "Weh... alam ko naman na may ka chat ka pero hindi ka naman nagsasabi saakin" "Hay naku Bff ngayon ka pa maglilihim saakin eh bukong buko na kita eh sa tagal na nating mag kaibigan hindi pa kita makikilala ng totoo" "Oo na Bff meron nga akong ka chat" "Hay naku sinabi ko na nga eh sinu ba siya?" "Basta ang alam ko pag nakakausap ko siya alam kong napapasaya niya ako sa twing nalulungkot ako hindi ko ba alam kung bakit pinagtatagpo kami ng tadhana pero ang alam ko masaya ako na nakilala ko siya sa buhay ko Bff" "Teka sino nga ba siya Bff?" "Makikilala mo din siya friend balang araw saka ko na ikukwento sayo dahil napakahabang istorya eh" "Oh sya matulog kana" "Good night Bff Dianne" "Oh sige na nyt na din Bff log out na ako bye"

Kinabukasan maagang gumising itong si Celine para pumasok sa trabaho abalang abala siya dahil malapit na naman mag summer kaya dagsa na naman ang mga turista na pumupunta dito sa Pinas at marami narin nag papa book sa Flower Vines Codotel. Kahit abala hindi parin niya nakakalimutan ang magpasalamat sa diyos sa kabila ng tinatamasa niya ngayon. Masaya siya kasi ang lalaking pinapangarap niya lang noon ay mukhang magkakatotoo na.

Sa muling pagkakataon muli na namang magpagtatagpuin ang mga landas nila ni Nikko.

"Mis ito po ba yung Flower Vines Condotel?" Pagtatanong ni nikko sa babae na nagtatrabaho dun. "Oo ito yun bakit?"
Kase dito nagpabook yung Tita ko galing sa States" "Ano pong name niya?" "Si Melanie Medina" "Ah oo nga puntahan mo nalang siya sa 18th floor nasa room 308 sya" "Sige Salamat"

Sa di inaasahan sa elevator pa sila magkikita itong si Nikko at itong si Celine.
Pababa na ng elevator itong si Celine ng pagbukas ng pinto ng elevator agad na nakita ni Celine na papunta ito sa elevator itong si Nikko. Agad na nagulat itong si Celine sa muli nilang pagkikita nitong si Nikko. Sa sobrang pagkagulat ay hindi na ako napatin kay Nikko. "Celine ikaw ba yan !?" "Hindi kita nakilala ah ang ganda mo kase ngayon eh" "Ah eh nagulat ako sayo !" "Ano palang ginagawa mo dito?" Pagtatanong ni Celine kay Nikko. "Ah Kakauwi lang ng Tita Melanie ko may nakapagsabi saakin na dito daw siya naka check in ikaw anong ginagawa mo dito?"

Habang naguusap sila biglang binati si Celine ng empleyado niyang si Claudette. "Magandang hapon po Manager !"

"Ah Manager ka pala dito hindi mo man lang sinasabi?"

Kailan Ko Ba Mahahanap Si SoulMate ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon