CHAPTER 2

52 3 0
                                    

#FriendswithBenefitsConfession

"Kyle?"

"Yes?"

"Hmmm. It's already late. Can I go home already? Surely, my mom and dad and also my brother will be worried na. So? •••••••"

Hindi niya ako pinatapos, tumayo siya at nagpaalam sa akin na aakyat lang at may kailangan daw siyang ibigay sa akin. Ano kaya yun?

Nagulat ako ng bumaba siya na may dalang teddy bear at inabot sa akin.

"Here! I will give this to you as a remembrance that this day is my favorite and most unforgettable day." sabi niya. Ngiting-ngiti.

"Thank you Kyle." nagpasalamat ako at saka inabot yung teddy bear. Ang cute nito kasing cute niya! Charot! Haha.

"Let's go Yhera. It's dark outside. I must drive you home. It is not safe if you'll go home alone." sabi niya. Kaunti na lang talaga maiinlove na ako dito eh.

Tumango na lang ako at agad kami pumunta sa garahe nila. Dun niya pinark sasakyan niya. Alangan naman sa kalye di'ba!

Pagkarating na pagkarating namin ay agad na pinagbuksan niya ako ng pintuan at inalalayan pumasok. Gentledog! Goodboy! Magkakacrush na yata ako sa kanya.

Inistart niya na yung engine at pinaandar na agad ang sasakyan. Sinabi ko sa kanya ang address namin at agad kaming nakarating. Ang galing lang alam na alam niya ang pasikot-sikot. Kainlab.

"Thank you for the ride. Let's go inside. Let's have dinner. I know that your hungry too." Hindi siya sumagot pero agad siyang bumaba at laking gulat ko ng pagbuksan niya ulit ako ng pinto at ayun nga lumabas na ako.

"I don't want to. I'll just eat dinner later at our house." Okay! Sabi niya eh hindi ko naman 'to mapipilit kahit na anong gawin ko.

"Okay. Thank you for the friendly date, Kyle." Sabi ko sabay hug sa kanya.

"What? Friendly date?"

"Isn't it a friendly date Kyle?" Napakunot ang noo ko. Friendly date lang naman yun di'ba? Kakakilala pa lang kaya namin.

"Oh yeah. It's only a friendly date. You're right." sabi niya. Hinatid ko siya dun sa may sasakyan niya. Sa tapat lang naman ng bahay namin kaya hindi na yun delikado kahit gabi.

"Kyle, just text me if you arrive home safe okay?" sabi ko. Sandali paano niya ako matetext kung wala pa naman niya akong number?

"Okay. I'll text you later when I arrive home safe. Thank you too." sabi niya. Bakit kaya siya nagtthank you? Tsaka hindi niya ba kukunin number ko? May number niya ba ako? Wala naman siguro noh? Matanong ko nga.

"Do you have my number?"

"Yeah. I have you're number already. I have it last year." Huh? Anong meron na siya nun last year pa eh wala pa naman ako nabibigyan ng number ko?

"Okay. Goodbye. Ingat." sabi ko na lang. Pero nakakapagtaka lang talaga kung paano niya nalaman yung number ko.

Pinauna na niya ako pumasok sa bahay bago daw siya aalis. Gusto niya lang daw makasiguro na safe ako. How gentleman is he. Kakainlab talaga pero ayaw ko mainlove kasi hindi pa ako ready masaktan.

Pagkapasok na pagkapasok ko nakita ko sila mommy, daddy at kuya sa sala na parang naghihintay sa akin. Hala! Lagot! Nakalimutan kong magpaalam. Patay ako nito!

Lumingon si Kuya. Narinig niya yata ang pagbukas ko ng pinto.

"Mom, dad. Si Yhem oh." sabi niya. Hindi yata niya namalayan ang oras o mabait lang talaga siya ngayon at ayaw niyang magalit.

"Oh? Anong nangyari sayo at ginabi ka na anak? Akala namim napahamak ka na. Tatawag na sana kami ng pulis para ipahanap ka." sabi ni daddy. Ang protective talaga masyado.

"Bakit hindi ka nagtext o tumawag man lang para magpaalam na gagabihin ka? Pinakaba mo kaming lahat." sabi ni mommy. Ang babait talaga nila. Kaya love na love ko sila eh.

"Ah eh. Need lang po talaga namin malate ng uwi kasi po may pinagawa sila ma'am at sir sa amin na group project. Tsaka po nakalimutan ko po kayong itext kasi nalowbat po yung phone ko."  pagsisinungaling ko. Umubra yata. Hindi na nila ako kinulit at saka tinawag ni Kuya si Blossom at Autumn sa taas para kumain.

Pagkatapos namin mag-usap nila mommy, daddy at kuya ay pumunta muna ako sa kwarto. Kailangan ko munang magrefreshen up para mabango at hindi ako malagkit.

Pagkatapos ay pumunta na ako sa mesa at nagstart na kaming kumain. Grabe! Ang takaw ko talaga pero kahon t na matakaw ako hindi ako tumataba.

Pagkatapos namin kumain ay agad na akong pumunta sa kwarto at saka nagdecide na matulog. Kaso nagring yung phone ko may tumatawag yata eh.

Agad kong kinuha yung phone ko pero hindi ko sinagot unknown number kasi eh. Tinext ko na lang muna kung sino 'to. At agad na nagreply. Si Kyle pala.

Tumawag ulit at sinagot ko na.

"Hello?"

"Hi! I am safe. Don't worry. I call to inform you that I'm safe." sabi niya. Baliw lang pwede namang itext dba?!

"You can just text me." sabi ko.

"I just want to hear your voice for that I can sleep well." sabi niya. Baliw lang talaga.

"Okay. Goognight Kyle. Thank you again.  I hope there'll be next time again." sabi ko.

"There'll be next time, Yhera. Just wait. Okay? Goodnight too Yhera. Sweet dreams. Thank you too. And you may now end the call." sabi niya at agad ko naman pinatay ang tawag. Medyo nakukulitan na ako sa lalaking yun. Naku!

Nagvibrate yung phone ko. Nagtext pa talaga. Baliw lang talaga eh noh!

Nakalagay sa text. "Keep safe always. Dont harm yourself. Wait for me, I'll court you." sabi niya. Anong court court? May nalalaman pang ganun. Baliw lang talaga.

Syempre nagtext rin ako at saka nagdasal at natulog na.





---------------------------

A/N: Ito ang kinalabasan ng pagiging close ni Yhera at Kyle. Magkakatuluyan kaya sila o may mangyayaring hindi niya inaasahang sisira sa pagiging close nila?

Sana nagustuhan niyo. Labyu and thank you for reading this guys... 💋💋💋lovelots

Friends with BenefitsWhere stories live. Discover now