CHAPTER 7

25 1 0
                                    

#FriendswithBenefitsWrongMove

Umaga na naman. As usual ginawa ko na naman ang mga usual things and pumasok na ako sa school.

Papunta sa school. May narinig akong tumawag sa pangalan ko kaya napahinto at lumingon sa part na narinig ko ang pagtawag at may nakita akong babaeng maganda like me.

Lumapit siya sa akin.

"Hello." Sabi niya. Ang bait naman nito.

"Hi." Sagot ko na lang sa kanya.

"What can I do for you, miss?" Sabi ko na lang nung parang nakatitig lang siya sa akin.

"Kaya pala baliw na baliw sayo si Kyle." Sabi niya. Napakunot ang noo ko at napansin niya yun.

"Nevermind what I said. Let's go, baka malate pa tayo." Sabi niya. "And by the way, my name is Kassandra Lopez, Kaz. Pagpapatuloy niya at tumingin ako sa relos ko at tama siya baka malate na kami kaya naglakad na kami together.



Habang naglalakad kami, ang dami niyang kinukwento. Buhay niya, ex friends niya, ex crush niya kuno, ex fling niya raw pati at syempre hindi mawawala ang mga taong pinaasa siya sa wala. Grabe lang! Sa ganda niyang yan at bait may tao pa ring umaayaw sa kanya.

Kaya ayun nagdecide ako magkwento kaso late na. Nasa tapat na kami ng school at napag-alaman na hindi kami classmates.

"Sige mamaya ulit Kaz ahhh. Ako naman magkukwento sayo." Sabi ko. Syempre ang daya ko naman kung hindi ako magkukwento diba? Nagtanong din ako ng free time niya at same kami ng oras. So sinabi ko sa cafeteria na lang kami magkita.

Nagwave kami ng kamay to each other as sign of goodbye. Naglakad na kami palayo sa isa't isa. At hindi ko napansin na nasa tapat na pala ako ng classroom ko kaya pumasok na ako.



As usual naman. Ano namang ginagawa sa classroom syempre nagkaklase.

LECTURE dito..

Lecture doon..

LECTURE doon..

Lecture dito..

At walang katapusan LECTURE..

Nagring na yung bell for our breaktime kaya agad agad akong lumabas at pumunta na sa cafeteria at nakita ko na si Kaz. Nagwave siya ng kamay sa akin at pumunta na ako dun.

Kwentuhan here, kwentuhan there, kwentuhan everywhere. Hindi ko napansin na ang dami ko na palang nakukwento sa kanya. Halos lahat na nga yata tungkol sa buhay ko nakwento ko pati yung mga tinatago kong kwento nakwento ko na sa kanya.

Nagring na yung bell at syempre as usual naman, alangan na magstay ka pa dun may klase pa. Kaya nag goodbye na kami sa isa't isa ulit.



Kaz's POV

"Yes! Nakuha ko na ang mga bagay na gusto kong malaman. Ang uto uto naman nung babaeng yun. Hay naku! Bukas gagawa na ako ng move para masira siya sa lahat ng tao dito sa campus."

Naggoodbye na kami sa isa't isa at tumayo na. Dumiretso na siya sa classroom niya while ako pumunta lang naman ako sa mga katropa ko. Sasabihin ko lang naman ang naisip kong plano. Lagot siya! Humanda na siya.

"Ano Kassandra nakakuha ka na ba ng information sa Yhera na yun?" Tanong nung isa kong bessy.

"Yes of course. Ako pa ba? Madali lang kasing utuin kaya madali ko lang nakuha ang mga infos and abouts ng buhay niya." Sabi ko. Totoo namang nadalian lang ako kasi akala niya sobrang bait ko pero ang totoo lang niyan eh nagbait-baitan lang ako para masira ko siya kay Kyle.

Tama kayo. Si Kyle lang at ako ang pwedeng magsama together at alam ko yun. Walang dapat na makaagaw sa kanya sa akin. Hindi ako papayag.

Humanda na siya sa mga makikita niya bukas at sa mga susunod na araw.

Hahaha! Kawawang bata. Ang uto uto naman kasi eh.

"Ano na ang unang plano natin?" Tanong nung isa kong bessy. At ayun sinabi ko na ang mga plano ko. Simula sa una hanggang huli.

"That's a good decision Kaz. That's a move." Sabi nung isa ko pang bessy.

"Hindi ba kayo naaawa kay Yhera? Wala namang ginagawang masama sa inyo gaganyanin nyo." Hay nako! Napakakontra bida talaga nitong si Samantha Claire Reyes. Lagi na lang yang ganyan. Hindi ko alam kung kaibigan ko ba talaga siya o ano eh.

"Bakit ka ba laging kumokontra Samantha? Makisama ka na nga lang." Sabi ko sa kanya. Nakakainis kasi.

"Wala naman kasing ginagawa sa inyo yung tao. Ang bait bait nga ni Yhera eh. Hindi rin naman niya inagaw sayo si Kyle, si Kyle pa nga ang gumawa ng move para mapansin siya ni Yhera." Sabi niya naman. Nakakainis talaga tong babaeng to. Napakabait pero napakasama rin nyang magalit kaya nga napasama sa amin pero pag may mga tao kaming naaapakan na walang ginawang masama sa amin, ganyan talaga siya.

Pero kahit na ano pang sabihin niya wala akong paki. Kung ayaw niyang tumulong edi wag. May mga kasama pa naman ako, andyan pa yung dalawa kong bessy na todo support sa akin. Bahala siya sa buhay niya.

"Sorry guys. Thank you for giving a chance to be your friend pero sumosobra na kayo eh. Hindi ko kinakaya yung mga ginagawa niyo. Nasasama lang ako sa mga kagagawan niyong hindi ko sinasamahan. Nasisira lang yung maganda kong pangalan dahil sa inyo. Kaya sorry I will quit this bullshit friendship of ours. Kayo na lang diyan!" Sabi ni Samantha at tumalikod na. Ano namang paki ko? Wala rin naman siyang pakinabang kaya umalis na lang siya sa grupo namin. Napaka niya!

Kaya imbis na isipin ko ang mga bagay na yan gumawa na lang kami ng paraan para mabuo na ang plano. And yes mapapabalik rin kita sa akin Kyle. At walang makakaagaw sayo sa akin. Ako lang dapat at wala ng iba.

Sa akin ka lang Kyle. Sa akin ka lang at ang mga bagay na sa akin ay akin lang at walang ibang pwedeng umangkin.

Tomorrow will be the day Yhera Saavedra. Let's see what will happen to you. First move will be quite good and nice. But the next will be so rude.

Gagawa at gagawa ako ng paraan para mapasa akin ulit si Kyle. Hindi mo siya maaakit sa mga ginagawa mo. Walang ibang makakaagaw. Akin lang ang akin. Walang sayo Yhera. Akin lang siya.







------------------------------------

A/N: Ano kayang plano nito ni Kaz. Nakakainis siya. Kaya siguro walang tumatagal sa kanya kasi ganyan siya. Napakasama, napakamakasarili. Abangan ang mga susunod na chapter. Alamin natin ang mga gagawin niya.

I hope that you like this guys. Thank you for reading and supporting this story. Labyu guys😘😘💋

Friends with BenefitsWhere stories live. Discover now