waahh.. Grabe kailan ko ba huling nabuksan ang 'My Works' ko? HAHAHA. Sorry po sa sobrang-sobrang-sobrang tagal na update! Hirap kasi ng QuarterSem!
Maga-update na po ako kaso sobrang dalang lang. Sorry guys! ^__^v
Salamat sa mga nagbabasa pa. (Kung meron pa?) sya eto na update, gusto ko na makarating sa climax ng story kaso hindi ko alam kung pano.
CHAPTER FIVE
Aila's POV
"Aila. Anong ginagawa mo dito?"
I know the owner of that voice. Humarap ako sa nagsalita at nakita ko si...
Si Denver...
Alam niyo na kung ano ang koneksiyon namin sa isa't isa. Siya ang Ex ko.. well namin ni Ella, before kay Josh. He's 17 years old meaning college na siya. And I'm telling you he's A PLAYBOY, girl magnet, basta lapitin siya ng mga babae. Ganto ang mga type na saktan ni Ella, hanggang ngayon nga siya parin ang pinakamatagal na nakarelasyon ko according to my record book.
"A (Ey).. Kamusta ka na? May kasama ka ba? Wanna go out with me again?" denver
"Sorry Den, I'm with someone"
"Brand New or Second Hand?" denver
Yeah.. Alam niya yung Deal namin pero not exactly the Deal itself. Narinig kasi niya accidentally ang pag-uusap namin ni Ella kaya ayun BOOOOM. Alam nya na that I'm just playing games with him. Then break na agad kami, nasabi pa niya na he's really falling for me na daw but that hearing things happened kaya itinigil na niya yung nararamdaman niya and na-hurt daw sya kahit papano.
"What do you mean Second Hand Den?" pagmamaang-maangan ko.
"Come on A. Alam kong hindi ka slow, alam kong nagets mo yung sinabi ko." then he smirked at me
"Fine" sagot ko talagang kilala na niya ako "Second Hand, Parang ikaw." then I smirked back
"Ouch that hurts! Hahaha.. ...Pero alam mo A?" sabi niya while looking at me
"Maganda ka naman, mabait, Girlfriend material nga eh. Nasa iyo ang mga hinahanap ng isang lalake sa isang girl. Magkaka-boyfriend ka naman eh. Pero..."
"Ewan ko.. Hindi ko din alam sa sarili ko kung paano ako napunta sa ganitong situation" sagot ko sa kanya kahit hindi pa naman niya natatapos ang sasabihin niya. Alam ko na naman yun eh madami na ding nagtanong sa akin nun. Lagi kong sagot 'Ewan ko' 'Di ko alam' which is true hindi ko talaga alam.
"Hindi ka ba natatakot?" tanong niya
Napatingin ako sa kanya "Natatakot... Bawal akong mag-boyfriend baka mahuli ako ni mommy. Nako! hindi ko alam gagawin ko pag nalaman niya" napatawa pa ako ng mahina dun. Oo.. natatakot ako sa Mommy ko ang strict niya kasi.
"Hindi naman yun yung sinasabi ko eh." Denver
"Ha? Eh ano? May dapat pa ba akong katakutan bukod sa Mommy ko?" ako
"Yung ano... Basta! Pano kapag may mangyari na hindi mo inaasahan na mangyayari.." Denver
"Tulad ng? Tsaka ano yung anong sinasabi mo?"
"Nevermind tsaka na natin pag-usapan papabalik na yung boyfriend mo" sabi nya "Bye A.. See you around! ^_^" nag-smile muna sya bago umalis.
Nakauwi na ako at lahat iniisip ko pa din ang sinabi ni Den. Ano kaya yung ibig niyang sabihin? Haaayyysss..
"I'm home!!" Si kuya "Oh bakit dito ka nakatambay sa terrace? Iniintay mo bang makauwi ang gwapo mong kapatid?"
Tiningnan ko sya ng ganito oh --> ~_____~
Ano kaya nakain nito ang ganda ng mood nya ha. Hindi naman ganyan yan eh, Tsk sinapian na naman tong kapatid ko.
"HOY!" gulat nito sa akin.
"Ay shooot!!!" sabi ko. "Kuya naman eh, kainis to. Umalis ka na nga."
"Aalis agad? Kadadating ko lang. At saka pano ka hindi magugulat eh titig na titig ka dyan sa bulok na bou--bogen--bugain-- Aish. bulaklak!"
HAHAHA. Hindi masabi ang bougen--bugain-- -____-+ Bougainvilla. Tch.
"Huy, ano bang iniisip mo? Hindi ka namamansin!" tampu-tampohang sabi ni kuya
"Sorry Kuya! Haha. Wag ka nang magtampo." lumapit ako sa kanya at nai-hug siya.
"Ano ba kasi iniisip mo?"
"Naisip ko lang hindi na tayo nakakalabas ng tayo-tayong magkakapatid."
"Owwwss?? Yun ba talaga?"
"Huo Kuya! Gusto ko na ulit ng Overload Cookies n' Cream with crushed Oreo, nakakamiss na yun."
"Hahaha. Adik ka talaga sa ice cream."
"Tara bili tayo Kuya? Libre mo." para akong bata na gustong-gusto magpabili ng candy.
"Sige ba! Tara, nuod na din tayo ng movie. Bihis muna tayo, at kukunin ko yung pera ko."
Wow! Sinapian talaga to, ayaw pa naman nito lagi gumastos. Dati kasi si Ate yung nagbabayad sa mga binibili namin at tickets pag manunuod kami.
"Let's go bunso" tapos sumakay na kami sa kotse niya.
Habang nasa byahe kami.
"Seroyso Kuya?"
"Huh? Ano yun?'
"Ililibre mo talaga ako?'
"Oo. Bakit? Anong problema dun?'
"Hmm... May kailangan ka sakin no?'
"Sira ka ba? Porke mang lilibre may kailangan agad?'
"Hahaha. Eh kasi ngayon ka lang nanlibre eh. Nakakapagtaka... "
"Hay! Ewan ko sayo Aila. May saltok ka ata ngayon, kung ano-ano iniisip mo."
Nakarating na kami sa Mall. Una kaming pumunta sa sinehan at nanuod, siya lang naman nag-enjoy. Hindi ko naintindihan yung pinanuod niya eh. After that, ako naman ang nag-enjoy dahil kumain na kami ng Cookies n' Cream with crushed Oreo. Grabe, i love cookiess!! ^____^
SABAW -___- Next Chapter po sisimulan ko na ang drama ng pakonti-konti :D
CML :*
BINABASA MO ANG
Playing with my Bestfriend
Roman pour AdolescentsIt's always exciting to play a game with your bestfriend but not for Aila. Aila has been playing that game for a long time and it was no fun for her. What would happen when she loses the game, instead of being a CHEATER, she was the one being cheate...