CHAPTER 1.

11 1 0
                                    

"Sige subukan mo pang tumangi at  ibabaon ko 'tong tuluyan sayo!." inis kong wika sa babaing kaharap ko ngayon habang tinutukan siya ng patalim na palagi kong dala-dala para depensa sa mga magtangkang masama sa akin pero ngayon hindi ko ito ginamit para depensahan ang sarili ko sa babaing ito kundi binababalaan ko siyang ako ang papalit sa kanya bilang isang dancer sa isang private room na kung saan nakasalalay doon ang love life ko.

Nandoon ang taong kinababaliwan ko kasama ang mga puta niyang kaibigan at dinala pa siya dito.!

Papatayin ko talaga ang mga kaibigan nito kapag may babaing makakahawak ditong iba!

Obsessed na kung obsessed pero kung ano ang akin! Akin lang !

Tiningnan ko ito nang masama  dahil napansin kong magtatangka siyang sumigaw.

"Sige! Subukan mong sumigaw! Kapag nakita ko pang tatangkang bubuka 'yang bibig mo! Ibabaon ko 'to sa leeg mo!!" pagbanta ko ulit sa kanya habang nilalapit ang patalim sa kanya.

Nakita kong tumango ito at nanginginig ang katawan.

Sira pala ito eh!

Kanina binigyan ko ito ng malaking pera , tinangihan pa ako!.

"Umalis ka na!! " sigaw ko sa kanya at inabot ulit sa kanya ang pera.

"Mabuti naman at umalis na! Hmmn!"

Nakakainis! Pinagagalit n'ya talaga ako!!

Tumingin ako sa salamin para pagmasdan ang sarili ko.

Nakasimangot ako dahil naiinis parin ako sa impaktang iyon!!

Kaya dali-dali kong inayos  ang sarili ko.

Nakasuot ako ng Red Dress  na kitang kita ang makikinis kung balat at kita-kita din ang mabilugan kung balakang na nagpatunay na kasexyhan ko.

Pagkatapos kung makita na ang sobrang ganda ko na.

Ngumiti ako agad.

"This is it." Tuwa kong wika dahil sa wakas matutupad na din ang plano ko.

Biglang may pumasok na dalawang babae na katulad ko ring sexy ang suot pero hindi parin nila ako matatalo dahil sa ubod ko pa naman ng ganda wala na silang panama.!

Nakaramdam ako ng inis nang nasagi sa isipan ko noong tinangka ko ring suhulan ang magiging dancer sa private room na kung saan unang sinama ng kaibigan nito ang iniibig ko ay nahuli ako ng dating dahil nakapasok na sila kaya sinuguro ko ngayon na isa ako sa makakapasok.

Tinaasan ko ng kilay ang isang babaing singkit ang mata dahil nakatingin siya sa akin, akala niya huh! Uubra siya sa akin. Napansin kong kumunot ang noon niya.

Nakaramdaman ako ng kaunting kaba dahil baka napansin niya hindi ako ang isang kasama niya.

Tiningnan ko siya ng masama.

"Anong tingin-tingin mo jan!" inis kong wika.

"Parang ngayon lang kita nakita dito."

"Same bitch!" Pagtataray ko.

Nakita kong nagulat silang dalawa sa sinabi ko , lalapitan na sana niya ako nang biglang tinawag na kami.

Napangiti ako ng malawak.

Inunahan ko siyang lumabas  pero bago 'yon ay hinawi ko ang buhok ko at nataman ang mukha niya, nagulat naman ito.

Hahaha

Buti nga.!

Ito na!

Malapit na ako.

Nandito na ako sa harap ng pinto.

MAGIGING AKIN KA RINWhere stories live. Discover now