Chapter 2

1 0 0
                                    


CHAPTER 2:  Demon's Instrument

ATHENA's POV

"Anong sadya mo dito Miss Erinnyes?" tanong ng isang janitor sa akin ng lapitan ko ito.

"Nasan ba dito ang music hall?" may kutob kasi akong doon ko makikita kung sino ang nagpatugtog nong musika nong isang araw e.

"Sigurado ka bang gusto mong pumunta don?" naka smirk sya sakin at masamang nakatingin sa mata ko.

"Ah..oo. May titignan lang kasi ako don."

"Hindi mo sya makikita don."  nangunot ang noo ko sa sinabi nya. Paano nya nalamang tao ang hinahanap ko don? "Pero kung gusto mo talaga, tara ituturo ko sayo kung saan." nauna na syang maglakad sakin. Sumunod nalang ako sa kanya. Habang naglalakad kami sa hallway ay lahat ng estudyante ay nakatingin lang sakin. Ang sasama ng titig nila.

"Ano bang meron sa lugar na'to at halos lahat ng tao takot? or di kaya ay mukha namang galit?" tanong ko kay mamang janitor. Pero sa isang iglap, wala na sya. Asan na 'yon?

Nasa harap ako ng isang pintuan na may nakasulat na 'MUSIC HALL' ito na siguro 'yon. Huminga muna akong malalim bago pinihit ang door knob.

Nagulantang ako sa nakita ko. Puro lawa lang ang nasa loob, ang daming kalat at tinutubuan narin ito ng mahahabang damo. Parang gubat na kung titignan.

Ginala ko ang aking paningin sa paligid at nahinto ang mata ko sa stage. May natatanging intrumento ang naka lagay doon. Isang piano na mukhang luma na at nababalot narin ito ng alikabok.

Umupo ako sa upuan sa tapat nito. Maliwanag ang spot na 'yon dahil sa sinag ng araw na nanggagaling sa isang butas sa dingding. Sinubukan kong tugtugin ang instrumento, at masasabi kong maganda at nasa kondisyon pa ito.

"Ang ganda mo naman." sabi ko don sa piano. Para akong tungek dahil kinakausap ko ang isang bagay na wala namang buhay. "Bakit kaya walang tumutugtog sayo? pwede bang ako nalang?" napapangiti ako sa pagkausap ko sa piano. Marunong naman akong magpatugtog ng piano, sa katunayan nga, ito ang paborito kong instrumento.

Nagtagal ako ng ilang oras don. Nang mapansin kong medyo dumidilim na ay napagpasyahan ko nang umuwi. Pero bago 'yon ay binalingan ko muna ng tingin ang piano.

"Babalik ako bukas. Lilinisan kita. Sa ngayon.. bye bye muna."

Naglakad na ako palapit sa pinto ng Hall. Hinawakan ko na ang door knob at akmang bubuksan na ito ng marinig kong tumugtog ang piano.

Paglingon ko ay wala namang tao.

"May tao ba dyan?" kabado kong tanong.

Virginity HELLWhere stories live. Discover now