Chapter 3

1 0 0
                                    


CHAPTER 3: Dead


ATHENA's POV

Mula nong insedente sa music hall, hindi na ako pinayagang bumalik pa don. Kahit anong gusto kong bumalik doon ay hindi ako makapasok dahil sa pinalitan nila ng steel ang pinto nito at pinadlock nila.

"Ang lakas ng loob mo." napahawak nalang ako sa dibdib ko ng may magsalita sa gilid ko.

"Bago ka palang pero kinalaban mo na agad ang Headmistress." napataas ang kilay ko sa sinabi nya.

"Anong ibig mong sabihinng kinalaban ko sya?" napangisi sya sa tanong ko. Nakatitig lang ako sa kanya.

"Sa ginawa mo, sigurado akong ikaw na ang susunod. Especially tonight that it's going to be full moon." iniwan nya akong nakatulala sa mga sinabi nya. Anong ibig nyang sabihin na ako ang susunod? ano naman kung full moon mamayang gabi?

Hindi ko nalang pinansin 'yong red hair na'yon at nagsimula nalang akong maglakad patungong classroom ko.

Umupo ako sa pinakadulong upuan katabi ng isang geek na babae.

Nagsimula na ang klase at walang ni isa samin ang nagsasalita, lahat kami ay nakikinig lamang sa kay Teacher Van. Pwera dito sa katabi kong panay lang ang guhit sa notebook nya.

Pinagmasdan ko lang sya. Makapal ang glasses na suot nya at mahaba din ang huhok nito, pero hindi nito natabunan ang kanyang sugat sa leeg. Naghilom na ito at nagiwan ng isang peklat. Nanuyo ang lalamunan ko ng mapagtantong bakas ng isang kutsilyo ang sugat nya sa leeg.

"Stop staring. Will you?" nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Akala ko hindi nya napansin dahil abala sya sa pagguhit.

"Anong nangyari dyan?" out of curiosity ay natanong ko 'yon. She just rolled her eyes on me.

"None of your business." okay. Just asking, geek. Binaling ko nalang sa ibang direksyon ang mata ko. Napunta ito sa labas.

Ang tahimik sa labas ngunit parang may mali.

All of a sudden.. they're all running. Lahat ng estudyante sa bawat room ay nagsitakbuhan papunta sa gymnasium. Pati ako pumunta narin don.

Lahat sila nag-iyakan na ng may makitang isang bangkay ng lalaki na nakasabit sa isang lubid. Tumutulo padin ang dugo nito patungo sa sahig. Marami sya natamong saksak sa tyan at basag din ang bungo nito. May nakasulat din na pangalan sa kanyang braso, mukhang kutsilyo din ang ginamit dito. Nake Taylor yan ang nakasulat sa kanyang braso.

"Paano nangyari 'to? Nake is dead. Paanong sya ang pumatay sa lalaking 'to?" bulong ng isang babae di kalayuan. Lahat sila ay napatakip sa kanilang mga bibig habang tinitignan ang bangkay.

"Bring that one down now!!" umalingawngaw ang galit na boses ni Cupid mula sa likod.

"I said bring it down!" nagsikilos naman ang mga gwardya at pinatulungan nilang ibaba ang bangkay. Lumapit si Cupid don sa bangkay ng may dalang lighter.

Sinindihan nya ito at tinapon don sa bangkay ng lalaki. Agad naman na nagliyab 'yong bangkay.

"No!!" may isang babaeng tumakbo papalapit sa nasusunog ng bangkay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 06, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Virginity HELLWhere stories live. Discover now