Chapter 1: The Lone Traveller meets The Four Ability-Users

131 5 3
                                    

Chapter 1: The Lone Traveller meets The Four Ability-Users

*~

Wearing a brown cape with its hoodie on covering almost the top of my head, I was humming a lively tune as I walk along the alley. Kaidan, ito na ang pang-apat na bayan na napuntahan ko sa loob ng tatlong linggo. Well, I'm a traveller and I love travelling so what do you expect? Me staying in one place? I don't think so.

"Tigil!"

Napahinto ako sa paglalakad at napalingon sa pinanggalingan ng isang sigaw. Nakita ko ang isang matandang lalaki na hind magkanda-ugaga sa kung anong susunod na gagawin. Napatigil rin ang ilang tao na dumadaan at napapatingin sa matanda. Medyo dumami na ang taong nakapalibot kaya di ko na masyado maaninag ang nangyayari. Sumingit ako sa kumpol ng mga taong nakapalibot.

"Tulungan nyo ko! Habulin nyo ang magnanakaw na yun!" I heard the old man begged.

Napatingin ako sa itinuturo nya. I saw a man na nakasuot ng mask at tanging mata nya lang ang nakikita ko. Kita ko na napatingin sakin yung magnanakaw at kita ko kung paano manlaki ang mata nya na para bang nakakita ng nakakatakot na halimaw. Napasimangot ako. Do I look like a monster? Sa ganda kong to. Tss.

Nakarinig ako ng bulungan mula sa likod ko. Nanatili akong tahimik at nakikinig lang sa kanila habang pinagmamasdan ko ang lalaking magnanakaw na hindi manlang gumagalaw sa pwesto nya. Oh, wait. Hindi lang pala sya ang gumagalaw, almost the people na nandidito kanina ay hindi gumagalaw na tila huminto ang oras.

"Did you found him already?" I heard a guy's voice asked. I think there were three people behind me and based on their presence, they aren't just ordinary people.

Narinig ko ang kanilang mga yapak na papunta sa harapan ko. Nadanggil pa nga ko ng isa sa kanila. I held my breath for a few seconds dahil baka mapansin nila na nakakagalaw ako at nang makalampas sila ay ganun na lang ang malalim na buntong hininga na pinakawalan ko.

"Hey, that's the thief right?" I heard the girl with black hair and pink highlights stated sabay turo dun sa lalaking magnanakaw.

"Oo yun nga yun! Hulihin nyo na dali." the guy with blonde hair exclaimed.

"Right. Since ideya mo yan, gawin mo." the girl with brown hair said in a flat tone.

Marahas na napatingin yung lalaking may blonde na buhok dun sa babaeng may brown na buhok at di makapaniwalang hinarap ito.

"What?! Bakit ako?!" di makapaniwalang tanong nya habang nakaturo sa sarili.

The girl with brown hair lazily looked at him. "What? I already stopped the time. I already did my part so do your part now, Ash."

Napakurap ako ng dalawang beses at napangisi sa narinig ko. So the brown haired girl is a time manipulator, huh? Nice.

Napasimangot na lang yung lalaking may blonde na buhok na nagngangalang Ash at padabog na lumapit dun sa magnanakaw. Naintriga ako sa kung anong balak nyang gawin. I focused my gaze on him and watched him attentively. He leaned down and put both of his hands on the ground.

Lumipas ang ilang segundo, nakaramdam ako ng mahinang pagyanig mula sa kinatatayuan ko. Kita ko ang pag angat ng mapapayat na poste na syang pumalibot sa magnanakaw at nagkaroon ang parisukat na gawa sa lupa sa itaas ng nakapalibot na poste. Nagmukha tuloy itong kulungan pero gawa nga lang sa lupa. Pumalakpak ng dalawang beses yung babaeng may itim na buhok at naglakad palapit dun sa lalaking nagngangalang Ash.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 06, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Eucliwood Academy [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon