Kei's POV
Magulo, mainggay, maalinsangan. Ayoko sa lugar na 'to maraming tao na di ko naman kakilala pero kailangan kong pakisamahan. Lahat ng bagay sa lugar na 'to bago sakin. Classroom, corridors, classmates, teachers. Its the weird feeling of being a transfer student and I hate it!
Naputol ang pagmumuni muni ko sa babaeng humahangos papalapit sakin. Nakakatakot ang itsura niya! Para kong lalamunin!
"Kei! OMG! I miss you!" masayang bati sabay yakap ni CC; isang kaibigan ko na kasabay kong lumipat ng school. Masigla siya, halata naman eh at parang magkaibang magkaiba kami pero kasundo ko naman siya sa ibang mga bagay.
"Miss you too. Kamusta?" tanong ko naman sakanya. Buong bakasyon kaming di nagkita at minsan sa isang buwan lang kami magkausap. Naninibago pa nga ako s medyo umitim niyang kulay dahil sa pagkakababad sa araw. Samantalang ako namumutla na ata, katamad umalis ng bahay eh
"Umitim ako Kei! UMITIM! Masyado kong naenjoy ang Bataan, the beach, the sand, the sea, the air! Pero baby di kita nakalimutan! Yieee may pasalubong ako for you!" ang drama niya pero aaminin ko sweet siya. Ang dami niyang pasalubong, lahat ng matatamis na gusto ko!
Bilang pasasalamat ngumiti na lang ako ng konti at medyo pilit, hirap pa din kasi ako sa pagngiti
"Yieee baby I like that face of yours! Tuloy tuloy mo lang y—"
"Hoy! Walang para sakin?" biglang singit ni Nicx: kaibigan din namin. Sabay sabay kaming lumipat dahil simula grade 1 ata magkakaklase na kami. Nung una ako lang dapat pero ayaw humiwalay nung dalawa.
"Nicx!" masiglang sigaw ni CC, gaya ni CC ngayon ko lang din makikita si Nicx matapos ang halos tatlong buwan na bakasyon. Kinakamusta ko naman siya at gaya nga ng huli niyang sinabi ang maikli niyang buhok ay humaba na ng hanggang braso, samantalang si CC lalong umikli ang dating hanggang balikat ay nabawasan pa.
"Kei! Baby halika nga dito! May ginawa ba sayo yang baliw na yan?" pabirong tanong ni Nicx sabay yakap sakin.
Pinakabata ako sa amin magkakaibigan kaya ganyan nila ko ituring, kahit na isang taon lang naman ang tanda nila sakin at kahit na madalas mas matino pa kong kumilos sakanila.
"Nicx! Wag mo ngang sakalin si Kei ko!" bigla singit ni CC sabay hawi ng mga kamay ni Nicx na nakayap sakin.
"Kei mo?! Kailan pa aber? Baby ko si Kei noh!" sagot naman ni Nicx, eto nanaman sila nag-aaway sa walang kwentang bagay.
"Tara na nga lang sa classroom, mahuhuli pa tayo sa klase" sambit ko para matigil na ang pagtatalo nila. Agad naman nila kong pinagitnaan at sabay sabay kaming naglakad papunta sa pangatlong classroom sa third floor ng building.
Pagpasok namin ay saktong nakakita kami ng tatlong upuang magkakatabi. Bilang forth year na kami masasabi kong mature ng tingnan ang mga bago kong kaklase kumpara sa dati naming school. Ang ilan sa mga babae ay abala sa pag-aayos ng kanilang sarili, ang ilan naman ay sa pakikipagtsimisan sa paborito nilang banda at ang mga kalalakihan nasa isang tumpok at mukhang may pinag-uusapang kababalaghan. Lahat sila ay magkakakilala at magkakasundo. Hindi ako nabibilang dito.
"Guys! Andyan na si Ma'am" biglang sigaw ng isang babaeng kanina lang ay nag-aabang sa may pintuan, agad na nagsikilos ang mga kaklase ko. Umayos ng upo at inayos ang hilera ng upuan. Bilang kami naman nila CC at Nicx ay nakaayos na, di kami nagahol.
"Good morning students" bati ng isang babaeng teacher na sa tingin ko na sa mid 20's na at fresh grad pa.
"Good morning Miss Bernal" bati ng kalahati sa klase, mukhang matagal na siyang nagtuturo dito, siguro mukha lang siyang bata.
"I'm glad half of the class ay kilala ko but since marami rami ang hindi, I'll introduce myself. I'm Miss Lenny Bernal, homeroom teacher niyo ko ngayong school year at its my fifth year teaching in forth year. Pleased to meet you all." sabi niya sabay ngiti
"So lets start, ayaw ko ng traditional way ng pagpapakilala, di niyo ba na feel na nakakatamad pakinggan ang mga ganun?" sabi ulit ni Miss
"Yes Miss! At last may nakaintindi sa nafefeel ko!" sabat naman ng isang lalaki sa likod namin
"And so naka-isip ako ng bagong way para makilala niyo ang isa't isa."
"Miss ano po yun?" malakas na tanong ni CC, mukhang ok na siya sa bago naming teacher.
"Simple lang naman para siyang game. It should be by pair. Kapartner niyo ay lalaki kung babae kayo at babae naman kung lalaki kayo. Since equal naman ang dami ng boys at girls walang magiging problema. All you need to do is know the basic informations; Name, age, address, likes but the thing is, for the whole day you need to impersonate your partner. Kung paano siya kumilos, mga gusto niya at paano siya magdecide. Ang di sumunod ililibre ang buong klase sa vikings! Maliwanag?"
"Eh Miss paano naman namin makikilala lahat kung sa isang tao lang kami magkakaroon ng interaction?" tanong ko kay Miss
"I'm just giving you a different way to know each other, kayo ng bahalang magpatuloy ng pakikipagclose sa isa't isa. Gusto niyo araw arawin niyo yang impersonation na yan eh, so ipagpatuloy na natin to?" sagot ni Miss
"Yes Miss" sagot naming lahat
"Choose your partners, after two minutes kailangan lahat may kapartner na!" hudyat ni Miss, agad agad naman silang tumayo ang nilibot ang buong classroom. Umingay ang kaninang tahimik na classroom.
"By the way class, hanggat maari yung hindi niyo pa kilala ang kunin niyong partner ah." paalala ni Miss
Agad namang nakakuha ng kapartner si CC at sumunod naman si Nicx. Wala akong balak maglibot at magtanong kung pwede ko ba silang maging kapartner kaya nagstay lang ako sa upuan ko. Patapos na ang dalawang minuto at sa nakikita ko lahat ay may kapartner na maliban sakin. Akala ko ba equal ang number ng mga estudyante?
Natigil ang lahat ng biglang bumukas ang pinto. Niluwa nun ang isang nilalang na alanganing lalaki at alanganing babae. Mukha kasi siyang babae pero ang suot niyang uniporme ay slocks at polo. Crossdress?
"Sorry Miss, I'm late" agad niyang sabi
"Ok lang, sino sainyo ang wala pangkapartner?" tanong naman ni Miss
Medyo tinaas ko ang kamay ko dahil ako na lang talaga ang wala pang kapareha. Tumango si Miss at agad na pinapasok ang babae este lalaking late na kapartner ko daw.
To be continued..
![](https://img.wattpad.com/cover/1176524-288-k862674.jpg)
BINABASA MO ANG
Mr. S.M.I.L.E.
RomanceA princess, a joker, a prince, and a knight. There's no evil witch but still this fairytale is a big mess.