Chapter 2: Start of a Big Mess

99 2 3
                                    

Kei's POV



Agad na pumasok sa pinto yung lalaking kapartner ko daw, gaya ng nakakararami ngayon ko lang din nakita ang mukha niya. Clean cut ang buhok niya at maayos ito pero hindi nakataas. Nangingibabaw naman ang kulay kape niyang mata na medyo singkit at mala-pang babae niyang pilikmata. Mas matangkad din siya sakin mga 5'7 o 5'8 ang height niya. Higit sa lahat di mapagkakailang mukha siyang babae.



Agad na umingay ang klase dahil nagsimula na silang mag-usap usap. Ako naman ay naghihintay na maunang magsalita ang kapartner ko. Bilang hindi naman ako magaling sa ganitong getting-to-know-each-other. Sa kasalukuyan ay ibinababa pa niya ang kulay pink niyang bag. Sa tingin ko bakla 'to!



"Hi!" malakas niyang bati, loud enough para mapatingin sa kanya ang halos kalahati ng klase. Agad ko naman siyang sinabihan na wag masyadong lakasan ang pananalita niya, sinabihan ko din siya na ipaliliwanag ko sakanya ang mga dapat gawin.



Matapos naming magkapaliwanagan ay agad siyang natuwa at ngumiti ng nakasisilaw. Grabe kasi siyang makangiti akala mong di naabutin ng bukas!



"Ako nga pala si Silver Michael I'van L. Evangelista, 15 years old"



"Ubod naman ng haba yang pangalan mo!" agad kong nabulalas. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakakilala ng taong parang mauubusan ng pangalan kaya inangkin lahat!



Nadinig ko ang mahina niyang pagtawa. Tsk may nakakatawa ba sa sinabi ko?



"Baka daw kasi maubusan ako" bigla naman niyang sabi. Ang corny kairita

Tinitigan ko lang siya at agad na nagpakilala "Tsk, Kei Yamada, 15 years old"



"Japanese ka ba?" tanong naman niya



"Half" maikli kong tugon, mukha naman siyang matino base din sa timbre ng boses niya kumakanta siya dahil sa ang lamig nito sa tenga. Baka naman magkasundo kami kahit isang araw lang



"Paano ba kita iimpersonate?" tanong niya ulit



"Praktikal ako magdesisyon, ayaw ko din ng paligoy ligoy at higit sa lahat nahihirapan akong ngumiti" nakita ko naman ang pagtataka sa mukha niya matapos ang mga sinabi ko. Bakit may kakaiba ba dun?



"Bakit naman? Bakit nahihirapan kang ngumiti?"



"Hindi ko sasabihin, oh ikaw paano ko iimpersonate?" 



Agad siyang nagseryoso at mukhang nagiisip na siya. Paano ko nga ba gagayahin ang taong 'to? Base sa obserbasyon ko sakanya, mukha siya masiyahin at palabiro.



"Palagi lang akong nakangiti basta lagi akong masaya" tugon niya sabay ngiti ng malademonyo. Kakasabi ko lang na di ako palangiti tas biglang ganito? Niloloko ba niya ko?



"Ok! Time na para magpakilala sa harap!" biglang sabi ni Miss "Yung late kanina, siyang magsimula" dagdag pa niya



Kapag nga naman minamalas! Nakakapagsising hindi ako namili ng kapareha!



"Ako si Kei Yamada, half japanese, 15 years old" malakas na sabi niya at ngingiti sana pero siniko ko siya. Paalala yun na hindi ako masiyahing tao kaya dat ayusin niya!



"Silver Michael I'van L. Evangelista, 15 years old" sabi ko naman at uupo na sana pero siniko rin niya ko. Tsk oo nga pala! Palangiti daw siya! Tiningnan ko na lang sila CC at Nicx at ngumiti ng pilit



"Sino sunod? Volunteer guys?" agad na tanong ni Miss, nakita kong tumayo sila CC at yung kapareha niya na matangos ang ilong. Ang ganda din ng itim na itim niyang mga mata parang may ipinahihiwatig. Bumagay yung tindig niya sa pataas na ayos ng buhok niya.



Agad na nagsayaw yung dalawa sa harap, ang galing nila!



"Hi guys! Cassandra Christine Calian, CCC but you can call me CC, 15 years old" sabi nung lalaki sabay pose nung peace sign. Nakakatawa siya! Biglang nagbago ang ekspersyon ng mukha niya ng makita niyang nagtawanan ang klase!



Bago naman magsalita si CC ay pinamulsa niya yung mga kamay niya "Morning, Renz Villanueva, 15 years old" sabi niya at kumindat pa. Pinanindigan niya ang pang-gagaya



Matapos nilang dalawa ay may sumunod ng ilang mga kaklase ko, Jade, Michael, Kevin, Marion, Yuri, Kaye na kapangalan ko pero iba daw yung spelling. Ilan lang sila sa mga sumunod yung iba di ko masyadong matandaan.



"Hi guys! Nicole Carline Silva here but call me Nicx, 15 years old" pa-rap na sabi nung kapartner ni Nicx habang siya naman ay nagbe-beatbox



"And I'm Sky Jan Esteban your guitarist, 16 years old" agad na sabi ni Nicx. Malaki ang pagkakaiba ng kapareha ni Nicx sa kapareha ni CC, magulo ang ayos ng buhok nito at medyo kulay brown. Ang itim niyang mata ay expressive Kumpara kay Renz na malamlam ang mata, parang laging inaantok. Para namang sumisigaw yung adam's apple ni Sky dahil sa payat siya kaya halatang halata ito. Well defined naman ang mga labi nito at palangiti.



Sumunod pa ang ibang mga kaklase ko. Umingay tuloy lalo ang klase dahil halos lahat ay nagkapalagayan na ng loob. Close na nga agad eh! Samantalang kami naman ni Silver Michael I'van, ang haba! Di nagkikibuan pero miya't miya siyang ngumiti! Nabaliw na ata




To be continued....

Mr. S.M.I.L.E.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon