Chapter 3: Bwiset

18 1 0
                                    

Kei's POV


Mabilis naman na natapos ang araw, hindi ko kinailangang masyadong gayahin si Silver Michael I'van. Napakahaba ng pangalan niya hindi ko alam kung anong itatawag ko sakanya! Samantalang sila CC at Nicx kasundong kasundo yung mga naging kapartner nila, sa katunayan nagpalitan na sila ng number at magkakatext na daw ngayon.



Mukha namang mabait si Sky at Renz, sa katunayan parang gusto ah hindi parang kakaiba si Renz? Ah ewan basta mukhang mahihirapan akong umiwas sa kanila dahil masyado silang palakaibigan lalo na si Silver.



Alas syete pa lang ng gabi humiga na ko sa kama, tinamad akong maghapunan. Wala akong kasabay eh, naghahanda na lang akong matulog. Bilang may pasok bukas eh mag-a-alarm ako kaya agad kong kinuha yung cellphone ko.



'4 messages'



Ang tanging nakakaalam ng number ko ay nanay ko, tatay ko, si CC, at Nicx. Ano yun lahat sila sabay sabay nagtext? Weird.



Tiningnan ko na lang yung inbox ko para makumpira nga kung silang apat yun. Unang tatlong text ay galing sa unregistered numbers. Wrong send? Ang panghuli ay galing kay Nicx.



From: Nicx Sorry baby! Kinulit nila ko ✌



Kaya pala may mga nagtetext, palagay ko ay si Silver yun pero bat sabi ni Nicx nila? Tsk binuksan ko na lang isa isa yung mga message.



From: 09********

Sasabay tayo maglunch bukas? :)

Hi Kei! Save mo number ko!

GM :)



GM? Good morning? Go miss? Ano ba yun? At paano ko isasave ang number niya kung di ko siya kilala. Ang feeling close! Napansin ko ding magkakaiba yung number, kaya pala 'nila' ang text ni Nicx kanina



From: 09*********

Kantahan ko kayo bukas! Minsan lang yan, magrequest na kayo dali!

Hi Kei!~ Nakuha ko kay Nicx haha

GM pipol!



Eto nanaman yung GM! Tsk hindi naman kasi ako palatext! Peste para kong tagabundok neto



From: 09*********

-GM-

Hi, ang ingay niyong dalawa.

Hello Kei, binigay sakin ni Nicx at Silver



Base sa paraan ng pakikipagtext yung huling message ay galing kay Renz, yung naunang dalawa ewan ko kung kay Silver o Sky.



Isa isa ko silang nireplyan at gaya ng hinala ko si Renz yung huling nagtext. Yung puno naman ng emoticon ay galing kay Silver Michael I'van peste! Bwiset na nga lang tawag ko sakanya haba haba ng pangalan eh. Kay Sky pala galing yung puno ng exclamation point. Tsk kinulit pa nila si Nicx



Tumunog nanaman yung cellphone! Bwiset may text nanaman ba? Pagtingin ko Bwiset yung nakalagay, tsk tinamad akong itype yung mahaba niyang pangalan



From: Bwiset

Oi Kei! Magreply ka man lang ng smiley! Sungit neto .-.


To: Bwiset

Matagal na.



Matutulog na sana ko ng biglang tumunog nanaman yung cellphone ko. Ano nanaman ba to! Inaantok na ko eh!



From: Bwiset

Dali isang smiley lang! :)


To: Bwiset

Ayoko nga makulit ka. Suntok gusto mo?



Mabilis na tumunog yung cellphone ko, what the heck! Kakasend ko lang tas may reply agad, bilis ahhh!



From: Bwiset

Ayoko nga :p bat kasi ayaw mong ngumiti?


To: Bwiset

None of your business. Mag patulog ka, pwede ba.



Namumungay na yung mga mata ko sa antok. Gustong gusto ko ng matulog pero parang sa tuwing tutunog yung cellphone ko, nagigising yung diwa ko para mag reply. Leche bakit ba 'to nangyayari sakin?



Nagpatuloy lang kami sa pagpapalitan ng walang kakwenta kwentang text. Puro pangungulit lang na ngumiti ako o kaya bakit ayaw ko pero kahit gaanon di ko mapigilang magreply at sungitan siya sa reply. Bwiset!



From: Bwiset

Bawal nga kasi ang sad dapat laging happy ^-^



A gay nung emoticon ah pero parang narinig ko na yung linya na 'yan. Sa TV? Sa Talk show? Ay ewan! Basta inaatok na ko pero di ako makatulog.



To: Bwiset

Masama ang laging masaya, nakakabaliw yun. Pwede ba, inaatok na ko. Magpatulog ka.



Tiningnan ko yung oras at leche! 12:30 na ng madaling araw! What the heck! Anong nangyari? Parang kanina lang 7:00 pa tas ngayon madaling araw na? Nakatagal ako ng halos limang oras na pakikipagpalitan ng walang kwentang text? Namaligno ata ako!




To be continued...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr. S.M.I.L.E.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon