Chapter 2 : Bakit sya pa?

19 3 0
                                    

Chapter 2

"Hello Lolo, magandang hapon. Mano po. Mhmm... napakabusy mo nanaman. Kumaen ka na po ba? Nasaan si Nay? " dirediretsong tanong ko kay lolo galing ako ng eskwelahan

"Kaawaan ka apo. Alam mo naman may darating na bisita galing sa kabilang bayan kailangan ng salo salo dito. Pinaghahandaan lang apo. Inaasikaso ko ang budget na kailangan. Medyo sumasakit na nga ang ulo ko." At hinilot ni ng bahagya ni lolo ang kanyang sentido.

"Gusto nyo po tulungan ko ikaw lo? " at sinilip ko ang ginagawa ni lo medyo marami un

"Naku huwag na puntahan mo nalang ang nanay mo Nasa kusina nagluluto yata. Ako na bahala dito. Isa pa unahin mo ang takdang aralin mo. " tuloy tuloy na pahayag ni lolo

"Lo naman, kaya naman kita tulungan dyan. Big girl na kaya ako. " pangungulit ko

"Hija apo, huwag na makulit. Puntahan mo si nanay at mag-aral Karin magluto. OK? " ayaw talaga patalo ng ginoo

"Aish.... Sige na nga po lo'- " maktol ko haha nguso pa nga e

-

Natawa na lamang ang ginoo sa inasta ng kanyang apo, medyo brat talaga e. Napaka spoiled kasi masyado. Spoiled in a good way. Palibhasa nag-iisang anak, nag-iisang apo. Ngayon ay binabawasan na ng ginoo ang pagiging spoiled nito sa apo upang kung ano mang pagsubok ang dumating sa buhay ng dalaga ay makayanan niya ang lahat ng iyon. Alam kasi ng ginoo na hindi madali ang kahaharapin ng pamilya nila dahil napakagulo talaga sa mundo ng politika.

-

"Nay , mano po... nandito na ang pinakamagandang dyosa sa buong bayan. " maingay kong sabi sa aking nanay

"siyempre.. kanino ka pa ba magmamana ? siyempre sa akin diba? hahaha " sabi naman ng ginang . makuwela din ang ginang un din ang namana ni

"siyempre po. sa inyo lang at wala ng iba pa." at niyakap ko ang aking ina. " may pagkaen na po ba nay ? medyo nagugutom ako e. txaka si lolo, pinaalis ako sa office nya kaya lalo ako nagutom. nastress ako e. makikikaen ako nay. hihihi"

"hahaha.. ikaw talagang bata ka. busy lang ang lolo mo. kapag kailangan ka nya tatawagin ka naman nya e. ang husay husay kaya ng baby girl ko." sabi ni Nanay sakin.

"Love na love mo talaga ako nay. Kaya sayo ako e. " at niyakap ko siya

-

Momentum ko nanaman

Nasa kwarto na ako ngayon. Ito inaayos ko ang mga gamit ko sa school. Ganito ako palagi. Pagkagaling sa school storbohin si lolo, kakaen ng luto ni nanay at....

"Ate... Ate... Pakilabhan naman itong isa sa mga paborito Kong gamit. Pakibilisan huh? Para matuyo hanggang bukas. Gagamitin ko e. Bilis! "

At... Mag-utos.

Si ate taga laba ng gamit namin yan. Mga 24 ang edad. Nanay nya ang unang taga silbi dito samin minana nalang nya. Pinag-aral naman nila lolo kaso nahuling inuuna ang pakikipagligawan kaya ayun. Hinto muna sya. Maaasahan naman sya un lang medyo may lapitin kaya ayan hinto baka daw mabuntis agad. Anyways... Hindi chismis yun ah? Totoo yun. Syanawah! -

Masaya naman ako sa paulit ulit na ginagawa ko. Nasanay narin. Pero minsan naiisip ko paano kaya kung may kapatid ako? Kuya o ate o mas bata siguro mas masaya. May kaaway ako sa mga bagay bagay o kaya may kasama ako sa kwarto na toh nanunuod ng mga magagandang movies. Kaso.. Wala e. Ako lang talaga.

Haiiys... Malulungkot lang ako kung iisipin ko nanaman. Kaya binuksan ko nalang ang TV at nanuod ng comedy show.

-

Tok tok tok ...

"Pasok po! " sigaw ko

"Hija? "

At lumingon ako sa pinto. Si Lolo pala. Lumawak ang ngiti ko. Kailangan na ako ni Lolo. Pero cmpre kunware di ako excited.

"Yes po Lo? " formal na tanong ko pero nangingiti ako

"Deedai, apo.. Wala ka naman pasok next week diba? Bakasyon nyo na? " tanong ni lolo sakin

"Opo lo, bakit po? " medyo kunot noo na ako kasi mukhang hindi ang inaasahan ko na tulungan sya sa paper works ang pakikiusapan niya

"Maari ka bang maging muse ng anak ni Mrs. Cruze anak? Si Wilton Cruze.. "

"Wilton Cruze po? "

Sweet Ambroha (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon