Chapter 4

24 2 1
                                    

Tinanghali na ako ng gising. Naligo atsa nagtoothbrush lang ako. Bago bumaba ay kinuha ko muna 'yong camera ko. Gagawa nalang ako ng haul today. Keri lang naman kung hindi ako nakapag vlog kahapon dahil gumawa naman ako ng morning routine. Basta ang importante ay makapagpost ako ng video everyday para sa nga viewers. Nagpromise kasi ako sa kanila na I'll do vlogs or videos daily.

Kumain lang ako at inumpisahan ng magvideo. "Hey guys its Alisa. Welcome back to my channel. I hope you're having a great day." pagsasalita ko sa harap ng camera. "So as you can tell by the title of this video, Im going to do a shopping haul video. Kasi guys kahapon ay pumunta kaming dalaw ni Megan sa mall at bumili ng mga damit na talagang nagustuhan namin. She's not here today so I'll do it all by myself." tapos may background music na 'All by myself' oh diba! So yun na nga pinakita ko sa harap ng camera ang lahat ng pinamili ko kahapon. Mayroong damit, sapatos, gamit sa kwarto at marami pang iba. Pero syempre sariling sikap namin yung perang ginamit namin para mabili lahat ng 'to. Kung magtatanong kayo kung ano ang trabaho ko, is itong youtube ang sagot ko.

My duty is to make my viewers smile every single day pero hindi ibig sabihin no'n ay nagpapaka plastic na ako sa harap ng camera. Kung ano ako off cam ay gano'n rin ako on cam. Ako kasi yung klase ng tao na hindi plastic. Kung gusto kita ay pinapakita ko talaga na gusto kita pero kung hindi naman, wala lang. Hindi kita aawayin o ano. I find fighting so childish kasi. Well, except nalang siguro kung alam mo naman na nasa tama ka. Fight for your right ganern. Kung may problema man kami ng tao na 'yon gusto harapin siya.

Huwaw! Ngayon ko lang narealize na ang layo na ng mga pinagsasabi ko.

Natapos ko ng gumawa ng video. Binalik ko yung mga bagay na pinamili ko kahapon sa kwarto ko pati na rin yung camera na ginamit ko, kinuha ko muna yung micro card ng camera bago bumaba.

En-edit ko yung video na ginawa ko ngayon dahil e-popost ko na ito. Mga apat na oras siguro at natapos ko na ang ginagawa ko. I posted it online at nagscroll ng mga videos na pwede kong panoorin. Napatigil ako dahil sa nakita kong video. What the actual fuck?! Sigurado akong sasakyan ko yung nasa thumbnail. Mayroon na itong spray paint at talagang mukhang masaya pa sila sa kanilang ginagawa. I clicked on the video and pinanood iyon.

"Whassup Victorians! If you are new to my channel, I'm Victor Hizon and this is my channel." Is this him? Lagot siya sakin.

Nagring yung phone ko kaya kinuha ko ito sa gilid ng desk ko. Dito ako nage-edit ng video. Sa computer na ito. Tinignan ko kung sino ang tumatawag.

~*Megan beshy is calling*~

Pinindot ko yung spacebar para ma-pause ito.

"Hello?" sabi ko ng sinagot ko na yung tawag.

"Nakita mo na ba yung video?!" parang natataranta siya na ano. I think alam ko na kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Yung taong may ginawa sa sasakyan ko?" gusto kong makasiguro kung ito nga ba yung tinutukoy niya.

"Yes!" pasigaw niyang sabi kaya nailayo ko sa tainga ko yung phone.

"Yes, actually pinapanood ko iyon ngayon. I'll hang up na kasi papanoorin ko pa ito. Byeee!" sabi at pinatay na yung tawag. Pinindot ko 'yong spacebar para ma-play ito. Nang matapos ko yung video ay tinignan ko naman 'yong mga comments.

'Tawang-tawa ako dito HAHAHAHA'

'Masyado naman yatang sobra yung ginawa niya'

'Thats Alisa's car dude! What are you doing?!

'Hindi niya siguro kilala kung sino ang nagmamay-ari non."

'Mah boi is a savageeee!'

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 20, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

He's The OneWhere stories live. Discover now