(Krystal Jung As Kristel Fuentabella)
Kristel Fuentabella's POV
“SEÑYORITA Kristel, gising na po, male-late na kayo sa klase niyo,” boses ng naririnig kong tumatawag sa akin.
Para pa akong nanaginip, eh, 'yong feeling ng akala mo panaginip lang din 'yong boses na naririnig mo. Kasambahay pala namin.
"Hmm.." 'yon nalang ang naging sagot ko dahil sa inaantok pa ako at tinatamad pa ako bumangon pero maya-maya ay pinilit ko pa rin na tignan ‘yong phone ko kung anong oras na and nah!
Nanlaki ang mata ko, male-late na kasi ako!
Agad na tinakbo ko ‘yong bathroom ko para maligo. Ni-ready naman na kasi lahat ng maid ‘yong gamit ko, ako nalang talaga ang kulang.
Pagkatapos maligo at magbihis ay bumaba na ako pero dumiretso na ako sa sasakyan ko. Anong oras na eh.
"Magbreakfast ka muna anak," ani Nanay Soling, kasambahay rin namin.
"Hindi na po Nay, sa school nalang po ako kakain,” sagot ko naman kasi nga napaka-terror pa nang professor namin for first subject. Parang bubuga ng apoy kung magalit. Well, kahit bully queen ako at may pagkamaldita, marunong naman ako gumalang sa mga nakatatanda sa akin lalo na sa mga teacher basta ba'y wag lang nila ako kakantiin.
Nagmamadali na nga akong nagtatakbo sa kahabaan ng hallway at papasok sa room ko ng biglang..
“Aray!” sigaw ko habang nakahawak sa noo ko na natamaan, napatingin ako sa bumunggo sa akin at bigla akong natigilan at natulala.
Singkit, maputi at mukhang anghel. Nasa langit na ba ako?
Nakahawak din ito sa nuo nito, mukhang siya ‘yong natamaan ko. Wait, binunggo niya kaya ako. “Hey! How dare you?! Bakit mo ako binunggo!" sigaw ko sa babaeng nasa harap ko na ngayon. Late Reaction, Kristel?! What's happening to me? Urgh!Ngunit wala itong reaksyon, nakayuko ito at mukhang may pinupulot siya sa baba. Ah, salamin.. Mukhang nalaglag pag kabangga niya sa akin, tulungan ko nga.. Wait.. Oy, tanga lang Kristel? Dapat galit ka dahil binunggo ka niya?! Ang sakit kaya!
Napulot na nito ang salamin nito at humarap sa akin. Nakita ko naman ang pagkamangha sa mukha nito. Nagandahan siguro sa akin? Yumuko naman kaagad ito. "Pasensya na Miss." 'Yon lang ang narinig ko mula rito at pumasok na ito ng room.
Napatingin na lang ako dito ng nauna na itong pumasok ng room.
So gano’n lang ‘yon?! Hindi niya ba ako nakikilala?!
Nakita ko siyang nakaupo sa may dulo at tinitigan ko lang siya ng masama pero no pansin lang ito at naka-earphone pa ito na ibinaling ang tingin sa bintana. Aba't snobera, girl!
“Hoy girl, anyare? Byernes santo ‘ang mukha mo, eh, monday palang kaya ngayon,” sabi ni Sheila, isa sa mga kaibigan ko.
"Kilala niyo ba ‘yong nerd na iyon?" Turo ko doon sa nerd na nakabungguan ko.
Umiling lang ang mga ito. “Mukhang bago at transferee,” sagot ni Gab.
Sa tingin niya nga rin bago lang ito at mukhang transferee, mukhang kailangan ko munang magpakilala sa newbie na 'to, ah.
Umupo na ako sa tabi ng mga kaibigan ko pero nakatingin pa rin ako sa anghel na ‘yon, este sa nerd na ‘yon! Yep, she's nerd! Meron siyang big eye glasses na panahon pa yata ng Lolo at Lola ko. Hay, nako! Napaka-old fashioned! Siguro kung hindi lang school uniform ang regular uniform namin ngayon, malamang super badoy pa nitong manamit.
Tamang-tama ang dating niya dahil matagal-tagal na rin no‘ng huling times kami nam-bully. Yeah, Isa ako sa mga bully ng school kabilang ang friends kong si Sheila, Irish, si Gab kasi mabait masyado at ayaw mang-bully.
BINABASA MO ANG
She's My Slave (GXG)
RomanceKristel Dane Fuentabella. Isang masungit at Campus bully. Isa sa kanyang magiging biktima nang pangbubully, si Blossom Ishimada. Ititigil niya lamang ang pangbubully niya rito sa isang kondisyon, kailangan nitong sundin lahat nang gusto niya sa loob...