Kristel
Nakatitig ako ngayon sa kalangitan at mga bituin. "Mom, kung nandito ka kaya ngayon, magiging ganito kaya ako?" Kausap ko sa mga bituin na nakikita ko ngayon sa may bubungan ng harap ng bintana nang kwarto ko. Ito 'yong pinakapaborito kong lugar dito sa bahay.
Matagal ng wala si Mommy. Nine years old lang ako noon nang mamatay si Mommy dahil sa isang aksidente. Simula nga noon, nagalit ako sa mundo, lalo na sa Daddy ko na simula nang mangyari iyon kung sino-sinong babae na ang kasa-kasama at kung minsan dinadala niya pa dito sa bahay.
Nasasaktan ako para sa Mom ko eh. Para sa akin kahit patay na lang Mommy, wala siyang karapatang lokohin ang Mommy ko. Kahit pa nasusunod lahat ng gusto at luho ko ay hindi ako masaya, may pera ka nga kung wala ka namang pamilya na makakasama mo araw-araw at gagabay sa'yo katulad ng iba. Pakiramdam ko hindi normal ang buhay ko katulad ng iba, gumigising ako sa umaga ng walang dahilan, nabubuhay ako para sa wala.
Natulog ako na katabi ang picture ni Mommy, sana Mom nandito ka pa..
Blossom
Maaga naman akong nakapasok dahil maaga akong nagising ngayon, tinanggihan ko muna kasi 'yong mga ibang raket na ibinibigay ng mga kaibigan ko sa akin, noong bakasyon kasi okay pa pero ngayon hindi na pwede dahil sa oras ng pasok ko. Mabuti nga at pumayag pa 'yong fastfood chain na pinapasukan ko na bawasan yung oras ko para makapagpahinga pa naman daw ako. Pinsan ko ang nagpasok sa akin doon, kaibigan niya yata ang owner n'on. Sobrang close kami ng pinsan kong iyon, lagi akong tinutulungan kapag nangangailangan talaga ako lalo na sa school ko, siya na 'yng umako basta raw mag-aral lang ako ng mabuti.
Napag-isipan ko na rin ang gagawin ko para tigilan na ako ng malditang iyon at ng grupo niya, para lang matigil na sila at mabuhay ako ng normal sa eskwelahang iyon.
As usual, late na naman si maldita at sa tabi ko nanaman umupo, nakangiti pa na parang walang gagawing mabuti. Nasisiraan na talaga ng bait. Laging nakangiti mag-isa.
Pagkatapos ng subject na iyon ay vacant time na pero hindi muna ako lumabas ng classroom at si maldita with her friends ay ganoon din. Sinadya ko naman talaga.
Nakita ko naman sinenyasan niya ang mga kasama niya na umalis at lumapit siya sa akin kaya tumayo naman ako kaagad. "Hep-- D'yan ka lang! Wag na wag mo na akong tatakbuhan!" pabulyaw na wika niya sa akin sa pag-aakalang tatakaasan ko ulit siya.
"H-Hindi kita tatakbuhan.." sagot ko na medyo nanginginig pa. Hindi naman sa takot ako pero hindi ko maintindihan kung bakit bigla yatang kinabahan ako habang kaharap ko siya ngayon.
"So anong tawag mo sa ginawa mo no'ng isang araw? Tinakbuhan mo 'ko?! Alam mo bang hingal ko no'n, ah?!" Nyay. Mukhang gigil na siya!
"S-Sorry. I don't mean it, nagmamadali lang kasi ako no'n dahil baka maa-ate na ako sa work ko pe--"
"So, are you trying to say na male-late ka sa work mo dahil sa akin? Ganoon ba?!" Putol nito sa sasabihin ko. Galit na talaga siya.
"No! I'm sorry, please.. Sana tigilan niyo na ako." Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para hawakan pa ang kamay niya. Basta ang gusto ko lang malaman niya na sincere ako sa paghingi ng tawad sa kanya.
Bigla naman siyang nagulat sa ginawa ko at tinabig agad ang kamay ko sabay tinalikuran ako at nag-walk out?
Anyare ?
Nagulat ako dahil bigla itong nagwalk-out. Anong nangyari doon?
Nagtaka naman ako dahil hindi na ako ginugulo ni Kristel kahit noong nakasalubong ko sila kanina sa canteen, hindi nila ako pinansin. Na-convince ko na ba siya? Si bully queen? Weh?
BINABASA MO ANG
She's My Slave (GXG)
RomanceKristel Dane Fuentabella. Isang masungit at Campus bully. Isa sa kanyang magiging biktima nang pangbubully, si Blossom Ishimada. Ititigil niya lamang ang pangbubully niya rito sa isang kondisyon, kailangan nitong sundin lahat nang gusto niya sa loob...