Chapter 2 (How did my love for Bullet Start?)

7 0 0
                                    

"Hindi ko alam kung paano pero pag-gising ko talaga abot tainga yung ngiti ko, yung bang sa sobrang saya kung pwede matulog ka na lang forever?" pagkukwento ko kay Elena habang papasok kami sa gate ng Philius University papuntang room 805 kung saan gaganapin ang 1st subject ng klase. Si Nori ang kaisa-isang taong kumausap sa akin noon at ewan ko ba, dahil simula noon hindi na kami mapaghiwalay ninuman. Sobrang bait niyan at sobrang inlove din niyan kay Jack ang kanyang first love! Hahaha teka itutuloy ko na ang kwento ko.

"Basta ang naaalala ko napanaginipan kong papasok na ako sa eskwelahan at kasabay sa iisang jeep si Sir tapos pagpreno ng jeep sabay napayakap ako kay Sir, ang lambot pa nga daw niya kasi diba chubby yun tapos nagsmile lang siya sabay sabing mag-iingat daw ako. waaaaaahhhhh! Grabe yung puso ko nun Nori ramdam na ramdam ko parang gusto nang lumabas sa dibdib ko eh. Sa buong biyahe nakayakap pa rin siya sakin tapos hanggang sa pagbaba ng jeep nakahawak ang kamay niya sakin. Diba sobrang sweet?" mahaba kong kwento..

"Teka ang labo ah? Sabi mo ikaw ang yumakap tapos maya maya si sir na ung yumayakap sayo? Hahahaha ayos ng kwento mo grabe. At tsaka kailangan ba habang nagkukwento kumikinang-kinang yang mata mo kulang nalang yata maghugis puso eh." Sabay batok ba naman sakin, bait talaga neto, idol sa pagiging brutal huhu! "Pero okay lang naman yan, pansin ko nga din yung iba nating kaklaseng babae crush din sya dahil bukod sa cute, palabiro at halata naming matalino pa. Ikaw lang naman itong parang baliw na sobrang affected pa rin sa past at bitter pa rin pati nga yata mga bading nacucute-an kay Sir tapos grabe mo lang simangutan lagi? Karma yan ate! Hahahaha. XD

"Eh sa ganun po yung nangyari,
-_-
malay mo naman crush din ako kaya sya yung unang yumakap sakin hahahahhahaha. Siguro mahal na nun ako ayaw lang umamin kasi pakipot" at isa na naman pong batok mula sa aking kaibigan. 2 points aba. Tss!

"Lakas ba naman kasi ng imagination mo!
pero.. Teka teka! kailan ka pa nagkagusto kay sir?
Eh sa pagkaka-alam ko ni hindi mo nga binabati yun kapag nakakasalubong mo, walang galang na bata tsk tsk tsk
napapaghalatang walang modong bata. Hahahaha. Tapos bigla mong sasabihin na crush mo? Utot." Ngayon ako na ang bumatok sa kanya, hahahaa lakas makasabi ng walang modo aba. Huhu! it hurts!

"Basta pagkagising ko ramdam ko na, deep deep in my heart na he is The One." Sabay ngiti ulit, grabe sobrang inspired ako ngayon. hahahah

"Ewan ko nga sa'yo. Eto piso hanap ka kausap mo ha? Tsaka exam natin kay Sir Bullet bukas baka imbes na tungkol sa subject ang isagot mo puro I lab yow ilagay mo. Magrereview na ko ha? Mamya mo na lang ituloy para kang nakasinghot ng katol, grabe talaga yung ngiti dapat ganyan?."Di ko na lang pinansin, hindi nya lang alam na sobrang saya ko talaga ngayong araw dahil makakasilay na ako. Wohoooo!

"Anong sabi mo? bukas pa iyong exam?!" tanong ko kay Nori, nawala sa isip ko tuwing Monday at Wednesday lang naming sya prof huhu maghihintay pa pala ako ng isang buong maghapon bago ko pa makita ang taong nilalaman ng aking puso. T_T

"Ayan kasi puro love iyang nasa utak mo, magreview ka na lang ng may maisagot ka bukas."At dahil 9:40 pa lang naman at maaga pa naman lumapit ako sa kinauupuan niya at nakisali na rin sa pagrereview kuno daw niya.

"Tanungan tayo gusto mo? Mas gusto ko yung ganun kasi mas madali makabisa ng utak. Ano game? Ano ang Gene Therapy?" tanong ko sa kanya.

"Gene therapy is the transfer of genetic material for the purpose of treating human disease. O ikaw anu-ano ang protein pharmaceuticals from blood?" Itong si Nori simpleng matalino di mo halata pero kapag yung sa actual na tanungan na mapapabilib ka nalang din, syempre papatalo ba naman ako.

"Teka sa akin ide-define mo lang tapos ang sasagutin ko enumeration? Dugas aba tsss! The Protein Pharmaceuticals from Blood are Factor VIII, Factor IX, Albumin, Anti-thrombine, IG IV and Alpha I-PI." Namangha siya sakin eh, bigla ba naman nahimatay. Hahahaha pero joke lang at isa na naman pong batok mula sa kanya ang natanggap ko.

"Grabe ka na naman sa kayabangan. Bakit sakin lumalabas mga kalokohan mo pero kapag naman may kumausap sa iyong iba, halos ayaw mong pansinin tapos oo at hindi lang isasagot?"

"Hindi naman sa sinusupladahan ko sila o kung anuman pero kasi komportable ako sa'yo tsaka alam ko naman na kahit anong gawin ko sa harap mo wala akong maririnig na kahit ano."

"Ibig mo bang sabihin na takot ka sa rejection?"

"Siguro parang ganoon na nga, alam mo naman ang mga napagdaanan ko na diba? Sa mundong ito di mo na alam kung sino yung pwede mong pagkatiwalaan at ang hinde. Kaya dapat maingat ka rin sa mga sinasabi at kinikilos mo."

Biglang dumating ang 1st subject teacher namin sa FM4 o Financial Management 4 at automatic naman na nagsibalikan sa kanya-kanyang upuan ang mga tao.Nginitian ko nalang si Nori para sabihing okay lang ako. Umupo na si Nori sa unahan Ares kasi ang surname nya at dahil na rin alphabetical order ang seating arrangement habang ako naman pumwesto na sa bandang likuran.

Lumipas rin naman ang buong maghapon at wala namang kakaibang nangyari kundi ang making sa bagong lesson na itinuro at ang mag take down nang notes.

6:30 pm.

"Class Dismiss!" pagkasabi nito ng Prof namin sa last subject sabay na nagsi-tayuan na ang mga estudyante at handa nang magsi-uwi sa kani-kanilang tahanan. (Palalim na nang palalim mga salita ko hahahhahahha pagpasensyahan na.. =P)

Papalapit na sa akin si Nori nang biglang parang nag slow motion ang paligid kasabay ng pagtambol ng puso ko ay ang bigla nalang pagpako ng buo kong pansin sa taong dumadaan sa may corridor. Kaya pala nagwawala na naman itong puso ko makakasilay pala ako sa taong nag-gawa na yata ng bahay sa utak ko -_- ayaw umalis eh. Tss! Simula nang mapanaginipan ko sya ngayon ko lang ulit siya nakita at may isa akong napatunayan....

"Yung puso ko nahuhulog na sa'yo. May pag-asa kayang mapansin mo ang nararamdaman ko.. Lalo n kung para sa'yo isa lang naman talaga ako sa mga taong araw-araw mong nakikita pero.. bilang estudyante mo lang.."

Love for Bullet [On-Going Series]Where stories live. Discover now