Pagkatapos niyang masaktan nang dahil sa pag-ibig nayan. Itinuon na lang nya ang kanyang buong atensyon sa mas mahahalagang bagay kagaya na lamang ng pag-aaral. Matalino siya naging tamad nga lang at dahil puro kaibigan ang ina-atupag, ang kanyang EX (X) - boyfriend, pakikibagay/pag- fit in, bumaba lahat ng kanyang academic subjects sa eskwelahan. Pinagsisisihan na nya kung bakit nga ba nagpapakahirap siyang makibagay lalo na sa mga taong alam naman niyang hindi totoo ang pinakikita sa kanya. At dahil sa kagustuhan niyang magbago, wala siyang ginawa kundi ang magbasa ng mga lectures araw at gabi. Alam niyang kung magbibigay lang sya ng effort sa pag-aaral kaya niyang magkaroon ng matataas ng grado ang maibalik ang dating siya. Diba kung mag-aaral ka lang na maigi at iisipin mong kaya mo, magagawa mong makakuha ng matataas na marka? Tiwala sa Sarili at ang Pagpupursigi, ito ang mga naging sandalan niya.
Nang nakaraang semester kasi itong ating bida ay sobrang kulit na para bang nakakawala sa hawla. Walang ginawa kundi ang maging maloko. Tuwing makikita nyan ang mga kaibigan nyang tinawag niyang "Arkista" ay puro nalang sila biruan ng biruan at halos matapos ang isang buong maghapon ng ganoon na lang. kung hindi lang siguro dahil tumulong sila sa School Activities baka hindi sila nakapasa sa mga subjects. Bukod pa dito tuwing biyernes hanggang linggo (ito ang mga araw na wala siyang pasok) ay dumadalaw sa kanyang bahay ang kanyang boyfriend at wala naman gagawin kundi ang makipagharutan dito at ang mag-away na rin siguro. Hindi maganda ang kinahinatnan ng relasyon nila dahil may nalaman siya. (Sa susunod ko na ikekwento ang tungkol sa pagiging brokenhearted ng bida dahil hindi naman ito tungkol doon.) Kasunod ng hiwalayan nila ay kasabay nito ang isang malaking away na namagitan sa Arkista na nauwi din sa pagkakawatak.
Kung kaya ay nasabi na lang niya sa sarili na mabuti na rin siguro ang mga nangyari dahil ngayon, alam ko na ang mga nagawa kong mali at hindi ko na hahayaan na mangyari ulit ang mga ganito. Natutunan kong mas mahalin ang aking sarili kasama na rin ang respeto at bigyang importansya iyong mga tunay na nagmamahal talaga s'yo. At papahalagahan na nya ang susunod niyang magiging kaibigan na ituturing bilang isang tunay na kapatid at hindi na hahayaang maapektuhan nang kahit na anong problema dahil sigurado naman na may solusyon ang lahat diba? At ito naman siguro ang mahalaga.
Ngayong third year college na ako sa Philius University na kumukuha ng Business Administration, eh natapat na yata lahat ang mga kilalang terror na professors ngayong semester sa akin. Mukhang pumapabor naman sa akin ang Tadhana, dahil kung hindi siguro kami tambak ng gawain araw-araw baka hanggang ngayon umiiyak pa rin ako at iniisip kung bakit biglan na lang nagging magulo ang lahat sa isang iglap. Ang naging araw araw kong routine ay papasok ng 9:30 sa umaga (1 hour earlier dahil 10:30 pa ang simula ng klase). At sa isang buong araw imposibleng walang assignment, surprise quiz, graded recitation, biglaang projects, reportings, minor subjects na nagpapaka-major (tss! Feeling niyang mga yan eh, sikat na sila sige na, sila na talaga! haha) ang prelim exam na grabe sa hirap buti nga at medyo humihinga pa naman at oo nga pala dahil 3rd year na syempre hindi mawawala ang thesis.
"Miss Author, baka gusto nyo na akong ipakilala? Ang haba nang intro mo sa akin oh." (ay oo nga pala no! haha nakalimutan na kita akala ko ako ang na ang bida eh hahahahahaha! - Author)
"Haha adik mo!" (eto na nga ipapakilala na kita eepal epal ka diyan eh, iyon na nga sana ang balak kong isunod umeksena ka lang, ito talagang bida ko tampururut kapa.) "weh? Eh kung diko pa pang sinabi malilimot mo na, palusot! Hahaha" (tss! Oo na ikaw na lang author gusto mo? Sapak you want?) "Quiet na po ako oh.." =P)
Siya nga pala si Arci Gonzaga, at ito ang kwento kung paanong ang babaeng miski crush ay wala sa bokabularyo ay biglang nahulog ang loob kay Bullet Romero, ang kanyang professor.
CZYTASZ
Love for Bullet [On-Going Series]
RomansAng kwentong ito ay mula lamang sa utak ng adik na author. Pagpasensyahan na at bago pa lang. Adik si author kay yeng kaya siya ang bida, pero ang kwento ay hindi hango sa tunay na buhay ng mga bida, ito ay kathang isip lamang.. =P =D XD