Ipapakilala ko lang muna ang aking sarili, baka sabihin nyo kwento ako ng kwento, hindi nyo naman ako kilala. Kaya eto na:
1.) Ako si Arci Gonzaga, isang babae, halata naman diba? hahaha
2.) Ako din yung klase ng tao na kung anong mood ko ganoon din ang kulay ng buhok. Seryoso ako. Joke! Kapag may gusto akong baguhin sa sarili ko nagpapakulay ako. Ewan ko ganito lang siguro talaga basta pagtungtong ko ng college, pabago bago na hairstyle ko pati hair color.
3.) Ako rin ay musikero by heart, kung may chance nga lang siguro para makabuo ng isang banda. Go lang ako. Kapag naiimagine kong ako yung vocalista habang kumakanta ng Rock Song feeling Paramore lang. Pero Hey! Iba iba naman tayo ng gusto sa buhay.
4.) Pagdating naman sa pag-aaral, Tamad ako oo pero kapag naman determinado ka sa isang bagay at hingi ka lang ng guidance kay God magagawa mo ang kahit ano kaya tama talaga yung kasabihan na "Kapag walang tiyaga syempre wala talagang Nilaga."
5.) Ako iyong klase ng tao na kapag hindi nyo pa nakikilala aakalain niyong Boring at Masungit. Pero ang taong ito yung klase na mamahalin mo yung buong pagkatao kasi siya yun eh, walang arte, ituturing ka bilang kapatid, at sasamahan ka sa hirap at ginhawa.
6.) Base naman sa aking itsura, kayo nalang siguro ang humusga.. hehe ipopost ko na lang ang aking mahiwagang litrato at kayo na ang bahala kung pwede nang ipakain sa dragon o panakot sa pusa. Pero sabi nga I Love You Just the Way you Are.
For more info kindly call these numbers: 111-2233 / 444-5566
(Hahahahaha, sensya na wala na akong maisip comment nalang kayo kung may mga tanong pa sa nagmamagandang bida natin. :D :) "walanja ka author! akala ko pa naman bongga ang pagpapakilala mo sakin at inabot mo na ang chapter 3 bago ako makilala ng madla.. T_T huhu! tinamad ka na naman.. tsk tsk!"
Kaya nga po ako nag-iwan nang contact number di ba? haha XD "K. Palusot dot com" Hahahaha XD)
YOU ARE READING
Love for Bullet [On-Going Series]
RomanceAng kwentong ito ay mula lamang sa utak ng adik na author. Pagpasensyahan na at bago pa lang. Adik si author kay yeng kaya siya ang bida, pero ang kwento ay hindi hango sa tunay na buhay ng mga bida, ito ay kathang isip lamang.. =P =D XD