Chapter 1: This is my life. (Part 2)

9 1 0
                                    

A/N: Vote and comment naman po jan pleaseeee. :)) Btw, babae po ang author niyo ha. Kaso ang POV ko dito lalaki lang talaga, kasi wala lang. XD

--

"Pre, tara dota." Yaya sa'kin ni Rex. Isa sa mga kaibigan kong adik sa dota. Di siya ganon kadaldal sa school, pero pag tinapat mo 'to sa computer shop nako daig niya pa barker ng jeep sa sobrang ingay. -_-

"Onga, Daniel. Sama ka." Sabat naman ni Mike. Kaibigan ko din siya at adik din sa dota.

Uwian na kaya nag aaya na ang mga mokong. Pero parang di ko feel magdota ngayon. Hmm.

"Kayo nalang, tinatamad ako e." sabi ko.

"Sure ka? Tinotopak ka nanaman ba Daniel? " tanong ni Rex.

"Oo e." patamad kong sinabi.

"Tss, hayaan mo yan. Maiinggit yan bukas. Hahahaha." Asar ni Mike. Aba, bwisit to ah. Haha.

"Asa. Pag untugin ko kayo jan e. Lumayas na nga kayo." Utos ko habnag tinutulak sila papaloob ng computer shop.

"Eh bobo naman magdota neto ni Rex e." reklamo ni Mike.

"Baka ikaw bobo, di ka nga marunong magsupport e." hirit naman ni rex habang papasok na sila sa computer shop.

Napailing at napangiti nalang ako sa mga ungas na yon.

--

Naglalakad na ako pauwi, nang may nahagip ang paningin ko sa kabilang kalsada.

Damn.

Si Thleen. Siya yung pangalawang ex-girlfriend ko, kakabreak lang namin last week e.

Tinitigan ko siya ng seryoso at siguro napansin niyang tinititigan ko siya kaya napatingin siya sa'kin.

Nagtitigan kami.

At bigla siyang tumawid papalapit sa'kin.

"Daniel, pwede ba tayo mag usap?" mahinahon niyang tanong.

"Ano pa ba dapat nating pag usapan Thleen? Break na tayo diba?" umiwas ako ng tingin sa kanya. Oo, ako ngayon ang bitter kahit kasalanan ko naman talaga kung bakit siya nakipagbreak. Men's ego e.

"Alam ko." She sighed. "Pero meron dapat tayong pag usapan. Tara pumunta tayo sa bahay ngayon. Doon tayo mag usap." Dugtong niya sabay himas sa braso ko.

Napaisip muna ko saglit.

"Ugh. Sige, pero sandali lang." seryoso kong sagot. Ayoko naman talaga, pero oo, minahal ko din naman siya kahit kaunti kaya pinagbigyan ko na.

--

Nandito na kami sa bahay nila. Walang tao, naglalakad kami papunta sa kwarto niya. At hindi ko alam kung doon pa naming kailangan mag usap.

Pumasok na kami sa kwarto niya at sinara ang pinto.

At nagulat ako sa sumunod na pangyayari.

Bigla niya nalang akong hinalikan ng pwersahan habang sinusubukan tanggalin ang sinturon ng pantalon ko.

O_O

SHIT! ANO 'TO?!!

Umiwas ako sa pagkahalik niya at tinulak siya ng mahina.

"Thleen, ano ba?!" nanggigigil kong tanong.

"Hindi ba ito ang gusto mo Daniel?" tanong niya habang may kalungkutan kuno sa kanyang mga mata.

"Tangina naman! Sumama ako sayo dahil gusto mong makipag usap pero di ako sumama sayo para makipaghalikan at makipagsex!" sigaw ko sa kanya. Nanginginig na ang mga laman ko. Okay, galit na po ako. Gago talaga, kaya pala may pahimas himas pa sa braso ko kanina, di ko agad nagets yun ah. Wala naman kasi akong masamang intensyon sa kanya e.

"Dahil nauuhaw ako sayo Daniel. Gusto ko sana makipagbalikan." Sabi niya na may papunas pa daw sa luha, kunyari't papaiyak na. Bulok istilo ne'to.

"Tigilan mo ako sa mga kagaguhan mo ha. gusto mo makipagbalikan kasi gusto mo lang akong tikman. Di ako papayag dun." Sobrang galit na ako. Ginagamit lang talaga ako neto e. Tumigil muna ako and took a deep breath.

"Tandaan mo Thleen," panimula ko. "Ginagalang kita bilang isang babae kaya dapat di natin ito ginagawa dahil mga bata pa tayo, hindi pa tayo kasal at lalong hindi na tayo. Let's just forget about this, okay? Nothing happened." Dirediretso kong sinabi. Aba, kahit ganito ako may respeto pa din ako sa mga babae.

Lumabas na ako ng kwarto nang hindi hinihintay ang sagot niya at lumabas na din ako ng bahay nila and left her dumbfounded.

I don't even care. Really.

Uwi na nga ako. Nagsayang lang ako ng oras.

--

Ilang weeks din ang nakalipas nang matapos ang insidenteng yon. Di kami nag usap at nagkikibuan ni Thleen. Kailangan na mag move on. Di lang naman siya ang babae sa mundo. Am I right?

Nasa front door kami ng classroom nakatambay. Syempre kasama ko si Rex at si Mike. BFF's kami e. Hahaha. So gayyyy.

Kwentuhan lang kami ng ganito, ganyan. Free time kasi ulit. Malapit na kasi matapos ang school year na ito. Magthithird year na kami. Yes!

Napatingin nanaman ako sa babaeng papalapit sa'min. actually, di talaga papalapit sa'min, lalabas kasi yata tong babaeng to.

"Excuse!" utos ni Lian.

Dali dali kong hinarang ang kamay ko sa pinto para di siya makadaan. Bwahahaha.

Pagtripan ko nga to. >:D

Agad kong nilapit ang mukha ko sa kanya na parang hahalikan siya. Halatang nagulat at namula siya kaya mabilis siyang umiwas at bigla niya naman akong sinuntok sa braso.

Naririnig kong tawa ng tawa sina Rex at Mike.

"Ang epal mo Daniel. Tae ka talaga!" sigaw ni Lian. Haha. Pikon . :P

Tinawanan ko lang siya habang lumakad na siya papalayo.

Hay buhay. Hahahahahaha. Di ko alam kung bakit trip na trip ko si Lian. I'm such a bad boy. >:)))

--

Uwian na ulit. Di nanaman ako sumabay kela Rex at Mike. Wala talaga akong gana magdota ngayon.

Bumili muna ako sa tindahan ng softdrinks.

"Pabili po. Coke nga po."

"Oy. Daniel" may tumawag sa'kin mula sa likod.

Lumingon ako sa direksyon ng tumawag sa'kin.

Lian?

"Oh?" tanong ko.

"Libre naman diyan!" sabi niya habang nakangiti. Haha. Problema neto?

"Wala akong pera!" sagot ko naman habang nakangiti din.

"Sus, kahit coke lang oh." Nagpout siya. Balew. Sumabay na siya sa'king paglalakad.

"So, san ka pala nakatira?" panimula niya.

"Sa neverland." Sagot ko habang nakaharap sa kanya na nakapoker face.

Naningkit ang kanyang mga mata at nagets niya siguro na namimilosopo lang ako.

"Kaya pala kamukha mo si Captain hook. Kamag anak siguro kayo." She said sarcastically.

Tinawanan ko lang siya.

"Tsk, san nga?" tanong niya ulit. What a kid. Hahaha

"Basta, malayo." Sagot ko naman.

"K. fine."

"Ikaw?"

"Dun sa dead end. Dirediretso lang."

"Ahh, sa dead end ka pala nakatira kaya pala mukha kang patay." Pang aasar ko.

"Ang bwisit mo talaga." Sabi niya sabay irap sa'kin.

Di naman panget si Lian e. Sabihin nalang natin na di ako nagagandahan sa kanya. Chubby kasi siya tsaka maliit. Tas parang tomboy pa maglakad.

" Magkaiba tayo ng daanan di ba? So, dito na ako ha?" turo niya sa kabilang daanan.

"Sige. Ingat ka Lian." Sabay kindat at dumiretso na ako.

Feeling pogi ba? Oh well, pogi naman talaga ako. ;)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 23, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I can't believe it.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon