Chapter 1
Hi guys first time ko lang gumawa ng story. kung may mga kapangalan man ang storya na ito ay siguro nagkataon lamang po. Napagtripan ko lang gumawa ng ganto, pasensya na sa cover pulubi pa ako eh. hehehehe
____________
Ody's POV
"Hi mga ninang!, ang gaganda niyo ngayon ah san lamay? este pageant?" tanong ko sa mga kaibigan kong beckz/ninang kakagaling ko lang sa school, dahil may seminar kaming pinuntahan di naman pwede hindi pumunta dahil hindi daw pipirmahan yung clearance namin.
"Hahahaha, loka-loka ka talaga lagi ody! jan sa kabilang barangay, balita kasi namin malaki ang premyo kaya pinush na namin ang pagsali" sabi ng kaibigan kong becks habang nagmemake up. sa umaga siya si japet sa gabi ay jopay. Nag beso-beso muna kami kasi ayaw nila ng mano nag mumukha daw silang mamasang kasi diba pag ninang or ninong everytime na makikita mo sila nag mamano ka so kanila beso.
"Alam mo naman kailangan ng pag gatas para sa boylet!" sabi ni melvin aka mel
tumango na lang ako kahit di ko gets yung sinabi ni melody pang gatas? wala namang gatas yung mga lalaki. Maka punta na nga lng sa kusina tomjons na akes.
"Junakis!!!!!! anjan ka na pala!!" si pudra habang may hawak na sandok at plato mukhang kakatapos lang niya magluto ng ulam.
"Ay hindi wala pa akes dites konsensya ko lang toh!" with aksyon pa at umupo na sa harap ng lamesa.
"Ikaw talaga anak, halika kumain ka na dito sabayan mo ko" (gay accent) nag kiss muna ako kay pudra sa pisngi.
Ako nga pala ang dyosang magkukwento sa inyo ng aking suppeer sayang buhay, no problem ganda lang!
Bakla ang pudra ko siya si Caesar nagtataka kayo kung bakit? Sabi kasi niya sakin when I was 8 years old wow english! ehem ito na, nung 8 pa lang ako nakajuntis si pudra siyempre babae ang nabuntis niya, and then nung nalaman un ng babaeng nabuntis niya ayaw daw ituloy dahil bata pa daw siya 20 nun si pudra at si mudra ko naman ay 17 siya si melody, gusto ni pudra ituloy yun kasi kasalanan daw sa diyos pag hindi tinuloy yun kahit medyo naalinlangan si pudra nun pinush pa din niya bubuhayin na lang daw nia yung bata mag-isa. Kaya ayaw daw ituloy dahil bata pa nga daw si mudra at nag aaral pa silang parehas silang college nun, kaya daw nabuntis si mudra kasi ang pudra ko ay hindi pa nag lalad-lad ng kanyang kautauhan tapos siyempre ang mga kaibigan niya pa nun ay puro boylet para umawra siya dahil siya daw ang muse ng grupo nila tapos nagkaroon ng pustahan at ang napagtripan nga nila ang aking mother earth kasi dalagang pilipina mahinhin daw at maganda katulad ko. Pero ung mahinhin hindi ko masasabi hehehe, ayun nga ang napagtripan naman nila ang pudra ko dahil nga daw wala pang nagiging nobya dahil nobyo ang bet niya. Nung una ayaw niya dahil hindi daw sila talo sa isip isip nia. After ng pangungulit ayun napapayag siya 1 month niya daw niligawan halos masuka-suka daw si pudra habang nanliligaw pero tinitiis niya lang daw kasi nanunuod sa kanya ang kaibigan niya habang nanliligaw siya. tapos nagkaroon ng party sa kaibigan ni pudra tapos ni-invite niya ang aking mudra eh si mudra ayun nadedevelope na pogi kasi si pudra kung naging straight na lalaki, nagkalasingan pinipilit nila si mudra na uminom isang beses lang naman daw iinom pagtapos wala na. hanggang sa gabing gabi na hindi nakauwi si mudra nun at medyo hilo na siya kaya nakitulog sila sa kaibigan nila at nagyari na nga ang dapat mangyari at nabuo na nga si Odyssey Note Di-makulangan ng ganda Hehehe yung last 2 words di kasali 18 na ko.
"Kamusta ang school Note?" Tawag sakin ni pudra, note ang tawag niya sakin para unique daw dami alam ni pudra di ko din alam bakit ganyan yung pangalan ko.
"Ayun laging pinagkakaguluhan ang aking kagandahan hehehe okay lang po popsy" sabi ko sabay subo ng sinigang na bangus bet na bet ko toh pag si popsy ang nagluluto. 2nd year college na ako hindi ako scholar di naman ako katalinuhan eh, okay lang naman kay popsy kahit di ako scholar mas gusto pa nga daw niya na sa kanya lahat yung perang panggastos sa school, para dama niya daw ang pagiging magulang niya. Kumbaga scholar ako ni caesar hehehe.
"Ganern ba?, Magbihis ka pagtapos mo kumain sasamahan natin ang mga kabaklaan sa pageant later!!!!" tili niya grabe talaga to ang oa lagi infairness lagi siyang supportive sa mga kabaklaan dito samin may parlor kasi kami na nagdudugtong sa bahay yung mga kabaklaan ay tauhan niya sa parlor kailangan daw ng support, friendship niya din kasi tapos mga ninang ko din sila dalawa silang sumali yung iba kasi may mga ibang raket after ng parlor, lam na bubuking sila charot.
"Sige po popsy!" sabi ko at nagmadli ng kumain.
Nagbihis na ako at ginawa ang routine nag half bath, toothbrush, nagbihis lang ako ng denim na shorts at t-shirts na medyo malaki, nagpolbo at nag lip tint lang.
"Junakiiiissss!!!" makatili naman toh si pudra
"PO!!!!!! wait lang ito na baba na!!" sigaw ko. Habang kinukuha ang 1 lace white na slipper ko.
"Halika na baka malate tayo halina mga kabaklaan!!" sabi niya habang hinahanda ang mga gamit at ilalagay sa owner na sasakyan namin, nabili niya iyon ng second hand medyo bago pa yun nagipit kasi yung kapit-bahay namin kaya binenta samin.
"Grabe naman kayo pudra kayo ba lalaban sa pageant hah!?" pano naman kasi yung make up niya tinalo yung mga contestant na sasali kulang na lang ang mag gown.
"Hindi noh siyempre baka may mga boylet dun baka makadagit ako." paliwanag niya skaity talaga toh.
____
"Hayyy! nakakapagod mag cheer sa inyo mga baklaaa! naubos ata ang kagandahan ko dun!" si pudra habang nag papaypay, nagpalit na siya ngayon ng white sleeveless at denim short, kabalitaran ko siya dahil hindi ako nag ii-sleeveless.
"Pero okay lang winner naman kayo kanina taray ng mga sagutan niyo bonggang bongga, talagang pinaghandaan niyo." pahabol pa niya
Nag cecelebrate kami ng pagkapanalo ni ninang jopay ang ganda kasi ng ninang ko kanina tinalo pa ang kagandahan ko. Maputi kasi siya at yung katawan niya talagang pambabae. pogi talaga to pag naging lalaki. Ang daming papaiyaking babae kaso sabi niya lalaki daw ang papaiyakin niya.
Nagluto si pudra ng carbonara my favorite, fried chicken, pork chop, nag order kami ng cake, tas bumili sila ng alak para sa kanila. Ang dami nilang hinanda kasi naka 2nd place si ninang mel kaya bongga talaga.
Ang ingay na dito sa bahay kasi ang dami nila nag kakantahan sila dito. Naka upo lang ako sa isang gilid habang kagat-kagat ko ang straw ng chuckie. tahimik na pinapanuod sila, masakit pa kasi yung tiyan ko. mamaya bibirit na ako.
"Bakla alam mo ba ang pogi pla nung judge na nagtanong sakin ang yummy! niya waaaaa!" sabi ni ninang mel
"waaaaaa"
"oo nga napansin ko yun" tilian nila.
"kyaaaaaaah"
hindi ako maka relate sa kanila kahit naman siguro nakita ko yun wala pa din tatalo sa myloves ko si Lando Montenegro. Moreno, malaki ang katawan, medyo kulot ang buhok niya pero may mapupungay na mata ang curly yung pilikmata niya kaya gusto ko yun sa isang lalaki ang ilong niya manly ang pagkakahubog bagay sa mukha niya at ang jawline oh bongga. at ang ganda ng labi niya ang sarap halik-halikan. Ito nanaman ako sa imagination.
"sana magawi siya dito ay nako ikukul----" naputol ang sasabihin ni ate nikka (gay) ng may kumatok.
tok tok tok
"Ako na po ang magbubukas" presinta ko habang hawak hawak pa din yung chuckie.
Pagbukas ko ng pinto.
"Bakit po ano pong kailangan niyo?" tanong ko. Infairness ang pogi ni kuya.
"Dito ba nakatira yung nanalo kanina sa pageant si mel barado?" tanong niya.
"Hindi kasi siya nakatira dito pero and--" naputol ang sasabihin ko nung biglang sumulpot si pudra. May pagka ninja din pala toh si pudra nakakagulat nasa gilid ko kaagad.
"kyaaaaaaaaaahhhhh mga bakla andito yung pinag uusapan niyo kanina guess who" napapikit ako, halos mabingi ako sa tili ni pudra.
"Ano ba yan popsy makatili naman babasagin mo ata ang precious eardrum ng dyosa mong anak!" bulyaw ko sa kanya.
Nakita kong ngumiti yung lalaking nasa pintuan. Ang bango naman nito, pero wala pa ding tatalo kay lando myloves hihihihi.
"Sino baklaaaaaaa si judge ba yan!" si ninang mel with matching hawak sa magkabiliang pinsngi nya. Halatang hindi mapakali.
"Oo baklaaaaaaaa ito na siya." sabay hila ni pudra kay sino ba toh?
"Jam Aries Guano" nabasa niya ba yung nasa utak ko? eh?