Chuckie

3 0 0
                                    


Ody's POV

"Jam Aries Guano" nabasa niya ba yung nasa utak ko? eh?

Ngumiti ba? waaaaaaa! ang ganda ng ngipin niya, tinalo pa ang akin. Kung sabagay ang yummy nga talaga niya ah infairness mukhang mayaman ilan kaya abs nito?

"6" huh? 6 ang ano? omy!! 6 pack abs? nabasa niya ulit? pano? nakatingin kasi ako banda sa tiyan niya kaya, napatingin ako sa kanya ganun na lang ang ngiti niya sakin.

"B-bakit?" tanong ko.

"you staring at me" sabi niya

"Ano naman masama ba?" palusot ko sabay punta ulit sa green na sofa.

"Judge ano bang namesung niyo? kasi di ko maintindihan yung sinasabi ng host kanina sa sobranf starstruck sa inyo." tanong ni ninang mel habang may pagkilig.

"N-Namesung?" sabi niya hindi niya mabangit ng tama.

"Pangalan mo daw." sabi ko na lang.

"Call me Jam" sabi niya

"Papa Jam upo ka muna" sabi ng isang bakla di ko kilala to kaibigan ata toh nila pudra mukhang isang ubo na lang ma tetegi na toh.

"Nga pla pano niyo nalaman yung bahay namin?" tanong ni pudra. Naka upo siya ngayon sa harap ko bali may lamesa sa gitna namin, dahil dun nakalagay ang mga alak at pulutan.

"Pagtapos ng pageant sinundan ko kayo dito." paliwanag niya, at ang mga bakla more on bulungan at kinikilig.

"Beckz, ang ganda mo sinundan ka." bulong nung isang bakla kay ninang mel habang kinukurot siya,

"Hihihihihi" habang yung isa kilig na kilig.

"Ahh ganun po ba ano po ang sadya niyo dito.?" tanong ni pudra at ang lahat talaga ay nakikinig kung kanina ang ingay ngayon akala mo may nobenang nagaganap.

"Nothing, Since isa rin ako sa mga naging judge, gusto ko lang maki-join sa inyo kung okay lang. " sabi niya habang nakatingin sakin. Gusto niya ba ng chuckie na iniinom ko?

"Gusto mo?" alok ko sa kanya. Meron pa naman kami sa ref. pag mag gogrocery kasi si popsy nagpapabili talaga ako sa kanya ng madami. Nakatingin tuloy sakin lahat ng kasama sa bahay

"No" sabay iwas niya ng tingin baka nahihiya lang sya. Kya pumunta ako sa kusina para kumuha ng isa pa, ako na din nag tusok sa straw baka kasi nahihiya talaga siya at para hindi na siya tumanggi.

"Oh, baka kasi nahihiya ka kaya kumuha na lang ako. kanina ka pa kasi tingin ng tingin sakin" sabay bigay sa kanya nginitian ko na lang siya.

"T-thanks" namumula ba yung pisngi niya?

"o siya, kumain na tayo luto na yung fooooodsss" sabi ni ninang jopay, binasag niya ang katahimikan.

"Note tulungan mo muna kami dito sa kusina para maka kain at later makaka party party na tayo ho-woooh!" may tili pa sa dulo sabi ni pudra

"Sige po" sabi ko kay pudra

"wait lang kuyang pogi ah" sabi ko sa kanya at nginitian siya.

"Okay" may sakit ba toh, di maalis ang pamumula ng mukha niya.

____

"Papa jam ano poba ang pinagkakaablahan niyo ngayon?" tanong ng mga kabaklaan lahat sila papa jam na ang tawag buti hindi nagagalit toh or naiilang.

"Nag tatrabaho ako sa company ni daddy" sabi niya

Kumakain na kami ngayon.

"Ah ganun eh di ba dapat company niyo kasi papa mo din nman yung may-ari" sabi naman nung isang bakla

Exchange of heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon