Ody's POV
Kasalukuyang naka-upo na ako at naka tungkod ang baba ko sa kamay ko. 2:30-5:00 ang oras ng subject ko Writing in the discipline ang subj. namin ngayon kahit papano may alam ako dito. Ang tagal pa. At napapaisip pa ako kung bakit ako tinanong ni papa gerald kung free ako mamaya after class ko.
"Good afternoon class!" pambungad kaagad ni Ms. Mendoza.
"Good afternoon ma'am" bati namin
At nagsimula na siyang mag discuss hanggang sa matapos ang oras niya at may pahabol siya na sasabihin.
"Class, we will have an acquiantance party for first year" kyaaaaaaaaaaaahhhh
Tilian ng mga classmates ko. Syempre ako hindi excited kasi magsusuot na naman ng dress or gown ayoko nun ang kati.
"Guys, quite. All of you are required to attend the party or else you will not received an additional points for midterm exam, And it will be on september 7, 2 weeks from now. See you on wednesday goodbye" at umalis na.
Ano pa ba ang magagawa ko eh points na lang ang nakakadagdag sa grades ko.
"Beh excited na ako sa party siguradong maraming papa dun. kyaaaaaah." Hiyawan nila
Tumungo na lang ako at matutulog, napagod yung brain cells ko. Antayin ko na lang dumating yung last subject namin.
"Good afternoon class, sorry I'm late."
"Yummy naman nito proffesor ba natin toh bakit siya dapat si ma'am zaniga yung teacher natin ngayon diba?"
"Baka absent si ma'am"
"Malamang nakikita mo ba si mam wala naman ah."
"Okay lang yun sana siya na lang yung magiging teacher natin siguradong papasok na ko sa subject na toh."
Nagising ako bigla dahil ang iingay nila sigeng bulungan ng katabi at mga classmates ko.
"Class, I will be your temporary teacher for now. Because Ms. Zaniga has an important to do. She will be absent until your first semester end." Seryosong sabi niya. Natauhan lang ako ng makita ko ang itsura ng teacher Demigod.
"Oy, Ody yan ka nanaman tulo nanaman laway mo." sabi ni mari na bongga ang alog sakin.
Pinasan ko ang parte kung saan may tumulo.
"Niloloko mo ba ako Mariposa? wala naman eh." irap ko sa kanya.
"Pano nman kasi grabe ka kung makatitig kay sir, Parang gusto mo kainin ng buo."
"Pwede ba?" ngiti kong sabi.
"Ang pilya mo talaga." sabay irap.
"Kayong dalawa sa likod. It's your turn to introduce yourself since nagdadaldalan kayo." Napagalitan pa tuloy kami ni Mr. demigod huhuhuhu
"Mr. Demigod este Mr.---" Ano ba yan nasabi ko tuloy
"Hahahahaha"
"Hahahahaha" Tawanan ng mga classmates ko. Ngumiti na lang ako sa kanya baka madala ng alindog ko.
"Quite class, I'm Phoenix Mandarin" Pakilala niya. May pag ka eng eng din toh si sir eh Dapat siya unang nagpakilala.
"So Ms.?"
"Di-makulangan sir"
"So Ms. Di makulangan Introduce yourself."
"I'm Odyssey Note Di-makulangan ng ganda hehehe, I'm 18 years of age, from Las Pinas City na naniniwala sa kasabihan Maganda man ako sa inyong paningin, maganda pa din thank you, *flying kiss*" Sabay upo kaya nagtawanan at palakpakan ang mga supportive classmates ko.