Ody's POV
"Ah- eh di ko kasi memorize yung number ko pwedeng next time na lang din? hehehe" di ko talaga memorize mahina kasi ako sa memorization pag dating sa number.
"Okay" nakita kong parang lumungkot yung mukha niya
"sige ingat ka pati tong baby jeep mo ah hihihi" bumaba na ako at nag wave sa kanya.
Kinabukasan
Linggo ngayon walang pasok kya natulog pa ako ng bongga napuyat ako kagabi.
"Baby it's you, you the one I love
you the one I neeeeeed
you the only one I see
come baby it's you-uh"
Aish ito nanaman si pudra nangangarap maging singer trying hard si mama mo.
"Poppssssyyy, wag nga po kayong maingay!!" sigaw ko huhuhuhu.
"Kumain ka na dito nagluto ako!!!!"
"Ayy papa jam ba"t andito ulit kayo?"
Natulog ulit ako dahil antok pa talaga ako. Narinig kong nagsalita si pudra pero hindi ko na initindi. Ng may kumatok.
tok tok! tok!
"Note bumaba ka na!!!!" tawag ni popsy
Tok tok tok!
"Note lalamig na yung pagkain wag pinag aantay ang GRASYA" narinig kong tumawa si pudra ano bang trip nito inaantok pa ako.
tok tok tok
Aish naiinis na ako.
"ODYSSEY NOTE!!!! PAG DI KA PA BUMAB---" binuksan ko na yung pinto dahil na beastmode na si pudra ayokong nagagalit siya
"bumaba ka na" seryosong sabi niya no choice ako kaya bumaba ako kahit ang chaka ko.
Narinig kong tumawa si pudra sa likod ko. Ano bang natira nito ni pudra kanina beastmode tas ngayon tawa tawa pa.
Pupunta na sana ako sa kusina ng mahagip ko kung may pigurang tao na naka upo sa sofa kinakabahan ako kasi baka kaluluwa napahinto ako at dahan dahan lumingon, pagkalingon ko
"Hi, Good morning pfft." napahinga ako ng malalim akala ko talaga multo na, nakahanda pa naman sana ako tumakbo paakyat.
"Akala ko pa naman multo" napahawak na ako sa dibdib ko.
"I thought you are the one pfft." huh?
Nagpipigil siya ng tawa bakit ba? don't tell me? kyaaaahhh
"Pooooppppppssssssyyyyyyy!!!!" Hiyaw ko at umakyat ulit at narinig ko si Aries na tawa ng tawa.
"Pooopppsssy bakit hindi niyo sinabi na nandito pala si Aries tingnan niyo, tingnan niyo yung itsura ko ako pa yung napagkamalan na multo huhuhu" mabillis akong pumuntang banyo para malilgo.
"sabi niya kasi wag ko daw sabihin na andito siya."
"Baba na ko sumunod ka hah!" sabi ni pudra.
--------
"Bakit ka nga pla andito wala naman dito si ninang jopay at ninang mel eh, dapat dun ka sa parlor dumiretso kasi andun na sila ngayon" sabi ko habang kumakain ng almusal, pina sabay ko na din siya kumain.
"ummm, kasi hindi naman sila yung pinunta ko dito"
alangan na sabi niya. eh?
"Sino pala?" alangan naman ako eh hindi naman ako yung sumali kagabi, alangan naman din si pudra, eh di sana inawrahan na toh ni pudra.
