Chapter 1: Job Searching
Zea's POV
Naghikab ako. Nakaramdam ako ng antok. Wala pa akong kapahipahinga buhat kanina at saka hindi rin ako nakatulog kagabi kakahanap ng pwede pang pagtrabahuhan. Buti naman at Linggo bukas, day off namin.
Medyo maliit ang kita ko dito sa Resto kase marami kaming nagtatrabaho dito.
Gabi na rin pala. Tsk maglalakad nanaman ako, nagtitipid ako ngayon kaya ayoko masyadong gumastos.
"Goodevening Sir, welcome to Resto Leé." bati ko sa pumasok na costumer. Tumango lamang ito.
Ipinagpatuloy ko lang ang paglalampaso. Hayy pumipikit na ang mata ko. Tapos maglalakad pa ako mamaya ang layo pa ng lalakadin ko.
Hindi! Hindi! Kaya mo yan Zea! Fighting! Naglabas ako ng hangin galing sa aking dibdib at nagpatuloy sa paglampaso ng sahig.
May pumasok nanaman na lalaking costumer. I think nasa 50 na sya.
"Goodevening po sir welcome po sa Resto L-"
"Pearl?" turo nya sa akin.
"H-ha? Hindi po ako si Pearl sir baka nagkakamali lang po kayo." paliwanag ko naman sakanya.
"Ah, eh ano ba pangalan mo iha?" tanong nya sa akin.
"Zea po, Zea Leigh." tumango tango lang sya
"Magandang dalaga, pasensya ka na iha may kamukha ka kase."
"Ah. Ok lang po yon. Tuloy na po kayo." nagbow ako sa kanya saka tuluyan na syang pumasok. Ha?
Pearl? Sino yun? Ah. Nevermind. Buti pa ipagpatuloy ko nalang 'tong paglilinis ko bago pa ako mahuli ni miss menchie.
"Hoy! Ikaw!" haist! Ayan na nga ba sinasabi ko eh!
"Naglilinis ka ba o ano?! Hindi gagalaw yang pang lampaso mo para maglinis! Aba! Binabayaran ka dito no kaya magtrabaho ka ng maayos! Nakakaloka 'to! Dito importante ang bawat segundo kaya bilisan mo na jan!" aaaaisssh! Ayan nanaman sya! Tsk baklang gurang! kaya mabilis syang tumanda eh. Napapangiwi nalang ako, ang sakit sa tenga!
Hindi naman sya yung manager kung makapasigaw wagas! Jusko! Daig pa nya matandang dalaga kung makatalak.
●●●
"Oh pano ba yan Dev una na ako sayo ha?" Paalam sakin ni Danica bago sya sumakay ng taxi. matalik kong kaibigan at katrabaho si Danica.
Naglalakad na ako pauwi, alas nueve na ng gabi. May mga street light naman kaya hindi nakakatakot sa daan at tska sanay naman na ako.
"Hayy ang sakit ng balikat ko." sumakit kaka push and pull ng mop kanina hahaha. Inikot ikot ko ito para medyo mawala ang sakit.
Habang naglalakad ako hayaan nyong magkwento muna ako tungkol sa akin.
Ako si Zea Dev Leigh. 19 years old. Nandito ako sa Maynila ngayon para magtrabaho. Kahit papaano naman ay nakapag aral ako ng College. HRM ang kinuha kong kurso. Ang mga magulang ko ay nasa Probinsya. May sakit si mama sa puso, hindi makapagtrabaho si Papa kase sya ang nababantay kay mama. Kahit papaano naman rumaraket pa rin si papa, pag may ginagawang bahay tumutulong sya. Dalawa lang kaming anak nila, ako ang panganay at si Hanna ang bunso. Si Hanna naman 4th year high school sya ngayon year. Yan ang dahilan kaya napatigil ako sa pag aaral, para tulungan sa pagpapagamot si mama, pambayad sa kuryente at sa pamabaon ni Hanna. Halos ung 3/4 ng sweldo ko sa pamilya ko napupunta, ok lang naman sakin yun kase alam kong mas kailangan nila. Yung bahay naman na tinutuluyan ko ngayon ay sa tita ko. Yung asawa nung kapatid ni papa, gets? pumayag naman sya na tumuloy ako dito pero half half kami ni tita sa pambayad ng kuryente at tubig. Alam kong mahirap ang ginagawa kong ito, ako lang ang pag-asa ng pamilya kaya ginagawa ko ang best ko.
BINABASA MO ANG
Miss Duplicate
Fiksi RemajaMiss Duplicate. Nakakakita ka na ba ng taong kamukhang kamukha mo? As in kamukhang kamukha mo talaga? (exception sa mga twins✌) Well I guess hindi pa no? Hahaha Well let's see the life of Zea Dev Leigh and her unexpected problem😉