PTB - 1: The Sassy Elite Agent

72.8K 1.6K 408
                                    



A/N: I know guys... FINALLY MY UD NA! HAHAHAHA! Anyways... THANK YOU VERY MUCH sa mga READERS na matiyagang naghintay talaga para sa UD na ito! Sorry rin kung natagalan. LABYOW GUYS!


Don't forget to VOTE and post your COMMENTS about the story. You can FOLLOW ME if you want to!


'Till next time!


==================================


(Paige's P.O.V)


"MAMAYS! HELLOOOOOOOOOOOW!" Malakas at masiglang bati ko pagpasok na pagpasok ko sa Princess Salon.


"Oh haluuuuuu Prinsesa!" Sabay-sabay ding bati sa akin ng aking mga ninong slash ninang na rin. Sila ang mga beautician dito sa salon na pagmamay-ari ng mga magulang ko. "Naligaw ka ata sa kaharian naming mga diyosa?" tanong sa akin ni mamay Rochelle na ang tunay na pangalan ay Rowel. Pero dahil hindi raw bagay ang pangalang Rowel sa kagaya niyang diyosa e naisipan niyang baguhin yun at pinalitan nga niya ng Rochelle.


"Magpapaayos sana ako. May dadaluhan kasi akong party," sagot ko. Kaya ko namang ayusan ang sarili ko pero mas gusto kong nagpapaayos sa mga mamay ko.


"Ai bongga! Werlalu ba yang party na gogorahan mo inaanak?" tanong naman sa akin ni mamay Bonnie. Ang tunay niyang pangalan? Boris. Pero dahil loyal member na siya ng X-Men, hindi na niya ginagamit yun. Subukan mo lang na tawagin siya sa pangalang yun, kalmot sa buong katawan ang aabutin mo.


"Diyan lang," kibit-balikat na sagot ko. "Wala ata si mamay Ailah?" tanong ko para ibahin ang topic. Related kasi sa trabaho ko yung dadaluhan kong party kaya naman bawal akong magbigay ng detalye tungkol doon, kahit pa sabihing ang pamilya ko o itong mga mamay ko ang nagtatanong. Isa pa, walang kaalam-alam ang parents ko sa totoong trabaho ko. At hindi nila pwedeng malaman dahil parte yun sa kontratang pinirmahan ko nang pumasok ako bilang isang agent ng Steel Institute. Isa iyong private law enforcement agency na nag-recruit sa akin pagkatapos kong grumaduate ng Criminology. Though kahit isang private agency ang Steel Institute, may koneksyon pa rin naman sila sa Gobyerno kahit papaano.


Anyways, dahil nga hindi ko pwedeng sabihin sa pamilya ko ang pagiging agent ko sa Steel Institute, ang alam nila e hindi ko ipinagpatuloy ang pangarap kong maging alagad ng batas at pumasok na lamang ako bilang isang empleyado sa isang kompanya. Mas maganda na ring wala silang alam para hindi na sila mag-alala pa.


"Naku, wag mo ng hanapin yung baklang yun Prinsesa. Haggard ang lola mo kaya kasalukuyan pa ring nagbeau-beauty rest. Rumampa kasi kagabi diyan sa kabilang kanto kasama yung boylet niya," ani mamay Rochelle habang sinisimulan ng ayusin ang buhok ko.


"Aah..." tatangu-tangong usal ko na lamang. Nang may makita akong isang magazine na nakapatong malapit sa akin, inabot ko yun. LGM's Top Bachelors of the Country, iyon ang nakalagay sa cover page nung magazine. Bachelors huh? Dala ng kuryosidad ko sa topic nitong magazine at sa kung sino ang mga kasama sa listahan ng Top Bachelors ng bansa, binuklat ko iyon at sinimulang basahin.

Protect The Billionaire [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon