PTB - 3: Stolen Smile

57.9K 1.5K 1.3K
                                    


A/N: THANK YOU NG SOBRA SA MGA READERS NA MATIYAGANG NAGHINTAY PARA SA UD NA ITO! I LABYOW! SORRY KUNG SOBRANG NATAGALAN BAGO AKO MAKAPAG UD SA STORY NA ITO!


Don't forget to VOTE and post your COMMENTS about the story. You can FOLLOW ME if you want to! :)


Till next time...!


FB PAGE: MOONLIGHTPURPLE'S STORIES


=======================================


(Paige's P.O.V)


Five palang ng madaling araw pero gising na ako at tinutungo ang banyo para maligo. Kailangan kong maghanda ng maaga kasi maaga ring pumapasok sa kanyang opisina si Stiles at ako ang kanyang secret convoy. Kasi naman, kahit siya na ang big boss ng Mondragon Industries napaka-punctual pa rin niya sa pagpasok sa kanyang imperyo. Masyado siyang huwarang boss. Tuloy, ako itong naaagrabyado. Antok na antok pa kaya ako! Kinailangan ko pa talaga ng isang matinding willpower para hindi ako bumigay sa pang-aakit ng aking kama.


Napapahikab pa rin ako habang isa-isa kong tinatanggal ang saplot ko sa katawan. Hindi pa rin gising sina dads at mams nang matapos akong maligo. Bumalik ulit ako sa aking kwarto at nagpalit ng damit. Hashtag, OOTD.


"O anak, aalis ka na?" Nagtatakang tanong sa akin ni dads paglabas ko sa aking kwarto. Saktong papalabas na rin pala siya sa kwarto nila ni mams.


"Opo dads."


Tinignan naman ni dads ang suot niyang relo at kumunot ang kanyang noo. "Ang aga pa naman a," aniya nang angatan ulit niya ako ng tingin.


Paano ba 'to? "E di ba nga dads, may kasabihang better late than never tsaka early worm catches the bird." Teka... tama ba ang mga 'yun? Ah, ewan! Ang importante, andun 'yung point.


Kakaiba naman ang pagkakatingin sa akin ni dads, 'yun bang 'anak-ko-ba-talaga-ang-isang-'to' kind of look. Mukhang may mali nga dun sa mga kasabihang sinabi ko. Pero kung meron man, hindi na nagtangka si dads na itama o magkomento pa tungkol dun. "O siya, kumain ka naman ba?" Tanong na lamang niya.


"Ah e... dads, sa office na lang po ako kakain."


Kumunot ulit ang noo ni dads sa narinig niya. "Ano? Hindi ka pa kumakain tapos papasok ka na sa trabaho?" aniya. "Hindi. Kumain ka muna. Maghintay ka saglit at ipaghahanda kita ng almusal."


Mabilis kong hinawakan ang kamay ni dads para pigilan siya nang tutunguhin na sana niya ang kusina. "Dads, huwag na. Kailangan ko na kasi talagang umalis kasi baka maipit ako sa traffic. Alam niyo naman, hati ang opinyon ng mga Pilipino pagdating sa forever sa larangan ng pag-ibig. Pero sa forever sa traffic, nagkakaisa silang lahat na meron nga. Promise po, kakain talaga ako sa office."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 06, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Protect The Billionaire [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon