A/N: THANK YOU sa mga readers na matiyagang naghintay sa UD na ito! LABYU GUYS!
Don't forget to VOTE and post your COMMENTS about the story. You can FOLLOW ME if you want to! :)
Till next time!
===================================
(Paige's P.O.V)
Hindi ko mapigilang mapabuntong hininga habang nakahiga sa kama ko at nakatitig sa ceiling ng kwarto ko. 11 na ng gabi pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Kaya naman nagsa-sound trip ako, baka sakaling matulungan ako ng mga hugot Tagalog love songs na makatulog. Sana lang, hindi ako d'eye bags bukas. Baka biglang hindi ako tanggapin ng magiging bago kong boss sa trabaho.
Yes oh yes! Bukas na magsisimula ang pagiging bodyguard–este secretary pala... bukas na magsisimula ang pagiging secretary ko sa kaangkan ni Adonis na pamangkin naman ni sir Roger. Walang iba kundi si Stiles Mondragon.
Lumipat ang tingin ko sa aking study table kung saan nakapatong ang isang black folder na naglalaman ng lahat ng mga mahahalagang impormasyon tungkol kay Stiles. Inalis ko yung earphones na nakasaksak sa tainga ko saka ko tinungo ang aking study table at umupo sa aking pink swivel chair. Tapos ko na actually basahin ang laman nitong folder ni Stiles, gusto ko lamang ulitin ulit.
Ayon sa impormasyong nakalagay dito, medyo marami-rami rin ang naka-relasyon niyang babae. Hindi naman lagpas 15 pero marami-rami na rin yun para sa akin. At mukhang madali siyang magsawa dahil ang pinakamatagal na naka-relasyon niya ay umabot lamang hanggang tatlong buwan.
Hmmm... bakit kaya? Siguro tamad siyang mag-isip ng ireregalo tuwing anniversaries kaya hindi niya pinapaabot kahit isang taon man lang yung relasyon niya sa isang babae. Para hindi siya ma-hassle. Who knows?
Sa sumunod na pahina, sabi rito, 13 years old palang daw si Stiles nang maghiwalay ang mga magulang niya. Ang ama niya na isang kilalang surgeon sa Medical Field, sa America na nakatira kasama ang bago nitong pamilya. Nang mag 16 lamang si Stiles saka pinakasalan ng ina niya ang kanyang step-father. May dalawa siyang half-sibling sa kanyang ama habang wala naman sa kanyang ina. Ayon pa rito, pagkatapos daw maghiwalay ng kanyang mga magulang noon, pinalitan niya ang kanyang apilyedo. Mula sa Evangelista, pinalitan niya yun ng Mondragon; ang apilyedo ng kanyang ina. Hmm, bakit kaya niya ginawa yun? Galit siya sa kanyang ama?
Next page. Tungkol naman sa mga taong malalapit kay Stiles. Mukhang hindi ganun karami ang mga taong pinapapasok niya on a personal level sa kanyang buhay. Maliban kasi sa kanyang ina at step-father, siyempre ang mga kaibigan slash kababata slash business associates din niya – namely yung mga kasama niyang na-feature sa LGM Magazine plus ang media mogul na si Christian dela Cruz – ang iba pang nasa listahan ay sina sir Roger, ang kanyang tita slash ninang na si Virgie Rosario at ang dalawang anak nito na sina Alona at Alyssa Rosario. As in sila lang. Mukhang hindi talaga Mr. Friendship itong si Stiles.
Binuklat-buklat ko pa ang ibang mga pahina. Sa huli, binalikan ko ulit yung litrato niya na nasa first page. Father-Mother of spongebob talaga! Walang mapintasan ni isang bahagi sa kanyang mukha. Kahit saang banda, perfect ang pagkakagawa! Lahat, gwapo sa kanya. Siguro nga kahit kulangot nito sa ilong, gwapo e! Hindi kaya sa isang laboratoryo ginawa ang isang 'to? O baka isang science laboratory ang matres ni Mrs. Mondragon? Kalerky!
BINABASA MO ANG
Protect The Billionaire [ON-HOLD]
ChickLit[ON-GOING] Dahil sa isang obsess stalker ni Stiles, ma-a-assign sa kanya ang sassy agent na si Paige na mag-u-undercover bilang personal secretary niya para protektahan siya. #TheBachelorsBrideSeriesBook3 ©2016 MoonLightPurple