Online Gaming

34 5 0
                                    

          

Author's note:

This is just a work of fiction. Although some details are true but most of the things written here are the product of author's imagination. Any resemblance to name and character of actual person, events or locales is entirely coincidental. Again, ang lahat ng nakasulat dito ay pawang gawa-gawa lamang.

At pagpasensyahan niyo narin po minsan ang grammar ko kasi hindi po ako fluent sa tagalog kaya kung may mali-mali man po sa type ko, just inform me right away. Im trying my best po para sa pagtatagalog. :)

So without further ado, enjoy reading and keep the support and love. Lovelots :*

---

Hello po! My name is Beatrice Dayne. All my friends used to call me Beat. Mahilig po akong maglaro ng online games. Counter strike, Dota, League of Legends, alam ko laruin ang lahat ng iyan.

Weee?! Yabang!

Hahaha! Alam lang naman. Hindi ko naman sinabing magaling ako sa mga larong iyan. Pero sa totoo, isa lang talaga ang larong alam na alam ko.

iDate Online Interactive Dating

Ewan ko ba, nagising na lang ako isang araw na-adik na ako sa larong iyan.

Last year kasi, wala pa kaming personal computer ng mga oras na 'yun sa bahay. Dahil wala, pupunta pa akong computer shop para lang mag research ng mga bagay-bagay para sa ika-uunlad ng ating bansa. Hahaha! Charooot! Charooot! Sa ikabubuti pala ng aking kinabukasan.

So ayon na nga, dahil sa computer shop ako gumagawa ng mga research, assignments, etc. ay nakita ko isang araw sa katabi ko ang nilalaro niya. Na curious ako bigla kung anong pangalan ng larong iyon. At dahil nga importante ang pagpunta ko sa computer shop ay hindi ko na lang muna pinansin ang bagay na iyon at inuna ko na munang taposin ang mga dapat taposin.

Hanggang isang araw, araw ng Sabado. Walang pasok, walang assignments, walang ire-research, ay napagdesisyonan kong pumunta sa computer shop hindi para  gumawa ng mga importanting bagay kundi alamin at subukan ang larong nakita ko sa katabi ko noong nakaraang araw.

Sa una nahirapan ako kasi gagawa ka pa pala ng account, etc.

So, ng matapos na lahat ng mga pag-gawa ng account, etc. ay naka log in na ako sa app ng iDate. Pinangalan at binihisan ko na ang aking kauna-unahang character.

"Secretkeeper" iyan ang napili kong ipangalan sa kanya.

Nagstart na akong maglaro. Doon ko nalaman na pwede ka din palang mag chat at dahil nga online ay ibang tao din ang kasama mo sa paglalaro ng iDate.

Syempre dahil friendly ako, naghanap ako ng pwedeng kaibigan na babae sa iDate. Hanggang sa dumami na ang mga friend request ko sa facebook dahil lang sa kaka-add nila sakin simula ng makilala ko sila sa iDate.

Nagsimula akong maglaro ng iDate. Syempre dahil beginner palang ako, nahirapan ako sa paglalaro kahit arrow up, arrow down, arrow left, arrow right and space lang ang ginagamit mo pero mahirap lalo na pagsunod-sunod ang mga keys.

Hanggang sa di nagtagal ay palagi na akong pumupunta sa computer shop after ng class at gabe na umuuwi bago maghaponan.

Doon na nagsimula ang pagiging adik ko sa iDate. Hindi ako uma-absent sa computer shop pwera na lang pag may quiz or exam sa susunod na araw at kailangan kong mag-aral. Naging suki na nga ako ni kuya taga bantay eh. Pinare-reserve niya na lagi ang pwesto ko kapag mag-aala 5 na ng hapon.

Minsan pag week-ends closing ako umuuwi. Minsan sinusundo pa nga ako ng katulong namin para lang may kasama akong umuwi. Hindi naman nagagalit parents ko kasi hindi ko naman pinapabayaan ang pag-aaral ko. Syempre inuuna ko muna ang lahat ng school works at pagkatapos na nun ay ang paglalaro ko ng iDate.

Online Gaming (One Shot)Where stories live. Discover now