Jhustin's POV
Tahimik kong pinagmamasdan si Alla mula sa malayo. Ang weird nya kasi ngayon. Sabihin na nating oo alam ko naman na normal sya na medjo weird pero iba talaga tong ngayon. Feeling ko may tinatago siya akin , sa amin I mean.
Tanaw ko ang pagpasok ni Alla sa kwarto niya na may dalang pagkain. "Kakain pa siya ng ganitong oras" tanong ko sa sarile ko. Nang makapasok na sya agad akong sumunod sa kanya (papunta sa pinto niya ) nikapit ko yung tenga ko sa pinto para marinig ko kung ano ginagawa niya (Hindi ako perv ah).
"Zera oh kumain ka muna " narinig kong sabi niya "Sino kausap niya? Sino si Zera? "
"Ayaw mo bang malaman kung bakit ka-------- " hindi ko narinig yung sinabi niya dahil mahina ang pagkakasabi non.
"You just remind me of Zeref----and lastly your my Friend " hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Alla dahil humihina at lumalakas ito. Pero sure ako na last na sinabi niya ay Your my Friend dahil wala na itong kasunod kundi ang giggles.
Nang wala na akong narinig mula nung pag giggle ni Alla pumunta na ko sa kwarto ko ng magulo ang isip.
Sino ba Alla ang kausap mo? Sino si Zera? Sino si Zeref? Ano ang mga naputol mong salita na hindi ko narinig? Alla pinapagulo mo utak ko. Umiikot ako sa kama habang ginugulo yung buhok ko dahil sa frustration . Hanggang sa hindi ko na namalayan at nakatulog na ko.
Nagising ako sa yugyug at kalabit ni Alla.
"Gumising ka na sabi 7am na!!! " sabi ni Alla kaya napabalikwas ako bigla at pumunta agad sa banyo.
"Oo Alla GoodMorning salamat sa paggising mo sakin kahit malalate tayo. Napakabait mo talaga alla" pilosopong parinig ni Alla alam nya na naririnig ko dahil ang lakas ng pagkakasabi niya. Binuksan ko na ang shower bago ko magsalita
"GoodMorning Alla! Napakaganda mo talaga at napakabait kaya lab na lab kita ye. Kuhaan mo naman ako ng breakfast " sabi ko Habang tumatawa at nakatapat sa shower
"Ano pa nga ba! " malakas na sabi niya . Pag katapos ko maligo ay lumabas nako ng cr ng nakatowel lang ako ng biglang bumukas ng pinto at niluwa si Alla na may dalang tray.
"Oops! Gomen. Breakfast kamo ye " sabi niya at tumuloy lang sa papasok sa kwarto ko.
"Para namang hindi ka pa sanay " sabi ko sa kanya at naglakad na papunta sa walk in closet. Malaki ang bahay kaya maraming kwarto at may mga walk in closet ang 6 na kwarto.
"Baka gusto mong isara yung pinto " sabi ni Alla kaya sinara ko na ang pinto pag tapos kong magbihis andon parin siya at nakaupo siya sa may kama ko habang inaayos yung Bag ko?
"Ano ginagawa mo? " tanong ko sa kanya
"Ano pa nga ba? Edi inaayos yung gamit mo. Nakakaasiwa kayang tignan kalat kalat sa sofa tapos pag kuha ko gulo gulo. Yung totoo Bag ba to? " sabi ni Alla. Himala ang haba ng sinabi niya?
"Ayt! Ang bad mo alla. Grabe ka mamintas! " sabi ko with matching acting pa . Binato naman niya ko unan
"Alla naman ii! Bakit mo naman ako binato " sabi ko sa kanya
"Hindi kasi bagay sayo. Oh siya ako'y aalis na kukunin ko lang yung gamit ko. " sabi ni Alla at umalis na. " Daig ko pa talaga ang may nanay pag andito si Alla " isip isip ko. Pag tapos kong kumain pumunta nako ng kusina dala yung tray at hinugasan yon "Nakapagtataka. Bakit parang wala atang tao? "
"Umalis na sila nauna na at maaga pa pasok nila " sabi ni Alla na dala na yung gamit niya at gamit ko?
"Oh? Ngayon ka lang nakakita ng taong dala yung gamit mo? aalis na tayo dalian mo tanghali na " sabi ni alla at inabot sakin yung Bag ko. "At siya pa talaga ang nagpaiwan? "

BINABASA MO ANG
Nothing Lasts Forever
Ficțiune adolescențiLove is always needed but love will always hurt you . Love is easy but unbearable pain. Forever is a word where in a lot of people believe they exist but, the truth is Nothing lasts forever. Not your promises , not the happiness, Not the sarrow...