Chapter Thirteen

17 2 0
                                    

Chapter thirteen: The girl (Zerefinah Craig)

Ches Pov

Hindi ko talaga kilala kung sino ang Unknow number na nagttext sakin.  Kahit isipin ko ng isipin  wala akong maisip, (wala nga ba? ) actually meron pala isang taong alam kong imposible na itext ako at malaman pa ang number ko.

Magulong nagkkwentuhan sila Jhus samantalang ako naman ay naguguluhan parin sa kung sino yung nagttext sakin. 

"Wag mo nang isipin kung sino yon.  Baka masaktan ka lang " sabi ni Alla, sa aming lahat siya lang talaga ang kayang basahin lahat ng iniisip ng isang tao,  wirdo siya oo pero naiintindihan niya lahat ng bagay bagay . Kahit na hindi mo sabihin sa kanya alam na niya agad. 

" Pano mo naman nasabi Alla?  Kilala mo ba yung number na yon?  " tanong ko sa kanya, habang sila rafi naman ay hindi pa kami napapansin.

" Yes? No?  Maybe?  Minsan kasi may mga bagay na kelangan mong malaman sa paraang ikaw mismo makakatuklas. " nakakapaggulong sagot niya.

"Ha?  Hindi kita maintindihan " sabi ko kay Alla. Ngumiti lamang siya at kumindat,  saka bumalik sa pakikipagkwentuham kila jhus.

Ano bang alam mo Alla?  Bakit ayaw mo pa saking sabihin?  Lalo akong naguguluhan dahil sa sinabi mo e. Bakit ayaw mo pa sakin sabihin ng diretsyo? Tinignan ko nalang si Alla habang tumatawa siya dahil sa kwento ni jhus.

Alla's POV

Masaya akong 3days lang ang suspended si Ches,  usually kasi 1week ang binibigay na suspension siguro pinagbigyan dahil bago palang siya. Nang makauwi kami sa bahay ay nalaman ko na may nagttext kay Ches alam ko na agad kung sino, hindi pa sure pero may alam na ko kung sino siya . Pero hindi ko gustong sabihin kay ches yon.  Nararamdaman kong nakatingin pa siya sakin hanggang ngayon,  kaya tumingala ako at nagpaalam na may kukunin sa kwarto ko. 

" atlast nagpakita na ulit siya sakin. Sabi na at siya lagi ang nakikita ko tuwing gabi pag lumalabas ako e.  Sino ba ang pakay niya?  Si jhus?  Kelangan kong malaman kung bakit. " isip isip ko.  Umakyat ako sa taas ng library at nakita ko syang nakatayo don sa tabi ng bintana. 

"Salamat sa pagturo sakin sa bahay na to. Maganda ang bahay at nagustuhan namin agad.  " sabi ko sa babaeng nakatayo sa tapat ng bintana medyo nagulat pa siya base sa reaction niya .

" Paano? Paano mo nalaman na nandito ako?  " tanong niya sakin

"Simple lang, malakas ang makiramdam ko at may mga bagay din na hindi ko maipapaliwanag sayo. Pero ano ba ang pakay mo? " Tanong ko sakanya. Humarap naman sya agad sa bintana at tumingin sa gawi ni jhus

" Alam mo ang weird mo. Pero thankful ako na may makakausap na ko ngayon. Sana siya din makausap ako ng ganito " sabi niya at lumungkot ang mukha nya

" Normal lang ako para saken , but it's okay kung weird ang tingin nyo lahat hahaha, kung gusto mo sya makausap pwede namang daanin sa letter diba? " sabi ko sa kanya

"Paano?  Hindi naman ako buhay na kagaya nyo? Saka pano niya ko makikita kung,  kung isa kong multo" sabi niya saakin , yes multo siya multo ang kausap ko ngayon and yes for some reason I can talk to them and touch them,  crazy right?  But I love it.  Lumapet ako sa kanya at tinap ang balikat nya

"Ako. Ako ang magsusulat ng gusto mong sabihin tutulungan kita. Alam kong iniisip rin ni jhusin kung sino ang taong nasa panaginip niya at alam kong ikaw yon. Tutulungan kita " sabi ko sa kanya at ngumiti siya saakin.

"Talaga?  Maraming salamat Alla! Maraming salamat! " natutuwang sabi niya .

"So Friends? " sabi ko sa kanya sabay abot ng kamay ko inabot naman nya yung kamay niya

"Friends! Ikaw lang ang naging kaibigan ko sa loob ng Apat na taon ko dito. " sabi niya saakin

"Wait ano bang pangalan mo? " tanong ko sa kanya

"Zerefinah Craig , yun ang alam kong pangalan ko. Although hindi ko natatandaan kung sino mga magulang ko o kung ano pa ang buhay ko dati. Tanging alam ko lang ay dito nako agad sa bahay na to at nakita ko ang picture ko na may name ko sa kwarto mo " sabi niya saakin. Nagtaka tuloy ako so ibig sabihin ang kwarto ko ang kwarto nya dati?

"Ah hahanapin ko yung picture mo na yon sa kwarto ko.  Tingin ko may nakita kong picture nung naglinis ako " sabi ko sa kanya.  Yes naglinis ako ng kwarto ko dahil ang kwarto  ko lang ang hindi ata nilinis at andoon pa ang ibang gamit na inilipat ko sa basement.

"Wag mo na hanapin, hayaan mo na " sabi niya saakin at ngumiti magsasalita na sana ko ng marinig ko ang pangalan ko na tinatawag ako.

"Mauna na muna ko. Kita tayo sa kwarto  ko mamaya.  Hinahanap na nila ko" bumaba ako at nagtungo sa kitchen

"Why? " tanong ko kay jhus

"Akala ko ba may kukunin ka?  Bakit asa library ka?  Nakita kita sa bintana " tanong niya saakin.  Patay nakita nya pala. 

"A-ah..  Oo.  May kinuha ko libro " pagdadahilan ko

"E asan ang libro na kinuha mo?  Bakit hindi mo hawak?  " tanong nya ulit sakin

"a-ano w-wala akong nakita na gusto kong basahin e" sagot ko sana lumusot yung dahilan ko.  Tinitigan niya ko at lumapit ng onti ang mukha at tumingin sa mata ko. Yumuko nalang ako

"Sige na pupunta nako sa garden " pagpapaalam ko bago pa niya mabuko.

" Usotsuki" rinig kong bulong niya. Pero hindi ako lumingon dahil alam kong nakatingin siya sakin

Ang hirap ng hindi marunong magsinungaling.  Sabi ko nalang sa isip ko at napabuntong hininga... 
******
To be continued...

Nothing Lasts Forever Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon