"Andito na ako sa lobby. I'll be there in 5 minutes. Bye." binaba ko na ang cellphone ko. Natapos na ang meeting namin ng SSG. Next week na kasi ang 20th anniversary ng school namin. Monday will be our masquerade party then the rest of the week will be some school activities. Hay nako... wala pa akong date. Di rin ako makahanap bukas since may lakad raw kami.
Papunta na ako sa parking lot. Dun raw kami magkita ni kuya. Since tapos na rin siya sa classes niya, sabay na raw kaming umuwi. Gusto ko pa sanang tumambay sa mall, but oh well.
"Mi-mi loves!!" tumakbo siya sa harap ko. Her face is so haggard at humihingal pa . Anyare?
"What's wrong?" tanong ko at hinawakan ko ang braso niya.
"Si..... anooo...yung ano ..kasi ano" ngumisi siya.
"Hinga ka nga muna, importante ba yan? Susunduin na ako ni kuya-" sabay turo ko sa parking lot.
"Sina ano kasi!! umaano sila sa anooo!" hinawakan niya ang magkalibang braso ko at tumatalon ito ng parang baliw.
Tili siya ng tili. Ang ingay! Ano ng ano?
"Ella! Ano ba! Kuya is waiting for me so I have to-"
"SI VANCE AT SI DYLAN NAGLALARO SA FIELD!"
"SHEEZ!!" hinila ko siya at tumakbo na kami papuntang field.
Nang makarating na kami sa field, humanap na kami ni Ella ng maupuan sa bleachers sa baba. Maraming nanonood sakanila ngayon. Specially girls, tss. Ang gwapo naman kasi ng mga players, specially Vance. Gwapo na nga, mabait pa, talented pa. Matagal ko nang gusto si Vance, since highschool pa. Nahihiya akong kausapin siya. Ayaw ko rin siyang kausapin, baka kasi mahimatay ako. Siya ang drummer sa sikat na banda sa school. Sobrang galing niya.
Si Dylan naman ay transferee since last year. Galing kasi siya sa canada. Dun raw siya nag aral since 9 years old palang siya. Magaling siyang mag gitara at syempre siya ang guitarist sa banda nila Vance. Snob type siya kaya siya type ni Ella. Sayang, gwapo sana, snob lang.
"VAN~ Darling ko~"
"DYLAN AKO NA ANG DATE MO SA PARTY!"
"Vance sipain mo yung bola sakin!"
"Dylan! Irape mo na ako!! aah!!"
Mga gaga talaga. Tumatalon ang mga babae at winawagayway ang banner na nakalagay ' GO VANCE VICENTE!WE LOVE YOU!'. Grabe tong mga babaeng to ah!
Wala nang bakanteng upuan sa baba dahil inoccupy na ng mga gaga ang seats. Ayaw naman rin namin umupo sa taas dahil di namin makita ang kagwapuhan ni Vance, hehehe.
*PREEET
Pumito na ang referee. Break na nila.
"Excuse me." sabi ko sa babae nakatayo sa bleacher at umupo na kami malapit sa bench kung saan umuupo ang mga players.
"HOY! UPUAN KO YAN! " sigaw ng babaeng may bandana sa ulo na nakalagay 'VAUNS <3'
Napalingon ang ibang babae saamin.
"Hala! Si Mia!"
"Anak ng Torres!"
TSK. Tinaas ko ang kilay ko at humarap sakanya.
"Hoy? tsk. First of all, my name is Myrina Isabella Torres, not 'hoy'. Second, you don't own this seat. And lastly.." Tumayo ako at tinuro ang bandana sa noo niya. "Mali po yung spelling. Shame on you." Humarap na ako sa players.
BINABASA MO ANG
No Matter Where You Are
Roman pour Adolescents"We'll always be together until we grow old. I'll be here for you and you'll be here for me. Forever." "So wait for me okay?" Mia made a promise with her childhood best friend. Her best friend who left her with a promise. Then one unexpected meetin...