Aking napansin ang iyong tipid na ngiti
Sa sulok ng aking isip ito ang namutawi
Ang ngiting iyon ay aking itinabi
Binaon pag-uwi, ala-ala ay narindi
Araw-araw ang iyong sulyap
Langit na ang katapat
Lalo na kung ngumiti ka sinta
Mundo ko ay naliligalig na
Hayskul crush, hirap di madama
Kilig ng iyong pansinta
Kabog ng dibdib kapag kakaba-kaba
Ikaw ay aking sinasamba
Ngiti ko ay sumidhi
Dibdib ko ay humulagpos
Hininga ko ay kinapos
Nang sabihin mo sa aking “Crush kita”
Mundo ko ay sumigla
Pagtingin ko ay lumagkit na
Puso ko ay nahulog o bakit ba?
Ganito pala ang unang tibok ng pagsinta