Nagsimula sa asaran
At ‘di nagtagal tayo’y nag kainlove-ban
Masaya sa piling ng ika’y naging katipan,
Dahil matagal ng panalangin sa maykapal.
Sa araw-araw na tayo’y magkasama,
Hindi pa rin nag sasawa sa isa’t-isa,
Siguro nga dahil mahal talaga natin ang isa’t-isa.
Kahit na ako’y lagi mong pinagpapasensyahan,
Ako’y ‘di mo pa din iniiwan.
Salamat at ako’y iyong nagustuhan at niligawan,
Ang tuwa sa aking puso’t isipan ay hindi mailarawan,
Kung sakali man tayo’y maghiwalay,
Hindi kita malilimutan,
Dahil ang pinaramdam mo sa aking kasiyahan,
Ay kasiyahang walang kapantay.