"Matalik na kaibigan"

2.1K 18 1
                                    

Ako'y may matalik na kaibigan

Isa't-isa'y aming iningatan

San man magpunta kami'y laging magkasama

Hindi naghihiwalay saan man magpunta

Araw-araw mag kasama may pasok man o wala

Sa aming pagmumukha hindi nag sasawa

Komportable sa piling ng isa't-isa

mga ugali ay alam na

Ngunit dumating ang araw ng ako'y kanyang iwan

Iniwasan ng walang dahilan

Naglaho lahat ng pinagsamahan

At nag iwasan na parang hindi magkakilanlan

Salamat sa maykapal

Dahil ikaw ay nakilala

Kahit sa maikling panahon na tayo'y nagkasama

Ating pinagsamahan hindi malilimutan

Dahil ikaw ay aking matalik na kaibigan

Mga Tula :))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon