24.Kyo Garcia

61 8 0
                                    

Miss A. : Hi guys, sa mga nagbabasa I love you all!

Max's POV

"Grandma si Kyo kasi ehh!" Ang lakas talaga ng boses ni Harry na toh!

"Grandma!" Bakas ang excitement ng boy na toh sa mukha niya, ako naman litong lito, ano magpinsan ba sila?

Napansin naman ako ni Lola kasi nga yung mukha ko ehh parang gulat na gulat ng tinawag siya ng lalake na yan na Grandma.

"Max, Ija ito nga pala si Kyo Garcia, apo ko rin. Kyo si Max pala." Magkatinginan kami ni Kyo tapos inabot niya yung kamay niya para mag shake hands kami.

Aabutin ko na sana ang kamay ko pero biglang sumingit sa gitna namin si Harry, am bastos lang!

Nakakunot na namanang noo ng tiger na toh.

Tas hinila niya na naman ako, ehh kung batukan ko na siya. Ang higpit ng pagkakahawak niya sa akin, alam kong sinusundan kami ni Kyo at sa tingin ko ehh alam rin ni Harry, tumigil kami sa isang sulok ng bahay nila.

"Love okey ka lang ba, sorry dahil nakita mo pa yung panget na ASUNGOT na yun ha, wag kang didikit dun MANYAK yung PANGET na yun ehh." Natawa naman ako kasi alam kong pinaparinggan lang niya si Kyo, kinindatan lang ako ni Harry para bang sinasabi na makisabay na lang ako.

"Oo nga ehh Ha I mean LOVE." Nilakasan ko pa talaga yung salitang love para mainis yung Kyo na yun, ahaha!

Ilang minuto ang lumipas at ganun pa rin ang nagyayare, kung ano anong masama ang sinasabi namin kaya umalis na siya.

"Nerd thank you sa pag papanggap ha, akala ko ehh mabubuking na tayo ehh." Buti na lang talaga at best actress ako sa aming lima ng The Harmonizers.

Napatingin ako sa relo ko oh my......

"Harry aalis na ako ha, may pupuntahan pa ako ehh bye!" Kahit na hundi pa siya omu oo ehh tumakbo agad ako kahit na hindi ko masyadong saulado ang bahay nila.

"Ang mga pusa nga naman oh oh." Napatingin ako kung sinong nagsasalita, si Kyo pala, Harry! Tulong ulit.

Tinalikuran ko na lang siya para bumalik kay Harry, pero hinawakan niya ako sa braso para iharap, hindi naman masakit ehh.

"Max, please sorry na po kung panget yung unang pagkakakilala mo sa akin so please let me intruduce myself." Ang lambing ng tono niya, Ill admit gwapo siya kasi magkamukha sila ni Harry.

"Hi my name is Kyo Anthony Garcia, Harry's cousin." Okey pero nacu curious lang talaga ako bat sila galit sa isat isa na nagsuntukan pa talaga sila?

Inabot niya yung kamay niya, nakakahiya naman kaya kinamayan ko na lang rin siya.

"Friends?" Tumaas yung kilay ko, kami friends ahm NEVER, ayoko ko amp presko ng dating ehh.

"Nice meeting you but I have to go, excuse me." Naglakad lang ako palayo sa kanya.

"You're going the wrong way Max." Napatingin ako sakanya.

"Looks like you could use a tour guide, a map, or a GPS?" Nagpa cute pa talaga siya sakin.

"Fine." Wala akong magagawa ehh ang lapad kaya ng bahay na toh prang mansyon nga ehh.

Hinila naman niya ako agad agad, at salamat naka alis na rin kami sa bahay este mansyon na yun.

"Thank you for showing me the way out." Napangiti lang siya at tinalikuran ako.

Tumakbo naman agad ako papuntang bahay at oh mo, nandito na pala sila, late na naman ako!

"Hoy ikaw Max ha nakapaghahalata na kami sayo!" Nabigla ako kasi nga sumigaw agad si Liam at bigalng napuno ang bahay namin ng katahimikan, nakakatakot talaga siya minsa, kaya ayokong galitin ehh.

My nerd's alter egoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon