Chapter 1

5 0 0
                                    

"Babu remember this? Ito yung last picture natin with Adrian and this is his last birthday celebration here in Philippines." Sabi ni Heily sa'kin.

Ginagawa ko yung project ko sa management nang bigla siyang dumating at eto, kinakalikot yung mga photo album sa may drawer ko.

"Yea, his last picture with us. At yung despedidang ginawa natin for him at nag-effort pa ako ng sobra para lang magustuhan nya't maging memorable ay hindi nya sinupot."

"Ang drama babu! By the way, uuwi ka ba ng Pampanga bukas?"

Sabi naman nina Marc, si John este Adrian na mismo ang gustong pumunta ng America agad-agad dahil nagka-emergency daw pinsan niya doon. May emergency-emergency pang nalalaman, ang sabihin nila atat lang talaga umalis yun! Hmp!

Pero diba? Kahit text or call man lang sana before sya umalis. Alam naman nyang gusto kong magpaalam sakanya to remind him na wag kalimutan na makipag communicate sa akin, i mean sa'min, kahit nasa US na sya. OA na kung OA pero aminin nyo kayo rin naman, ganun ang gusto nyo for sure. Diba? DIBA?!

Well sino nga naman ba ako? For him kase I'm just his fan slash best friend. Ang manhid kase! :(

"HOY ANNA ROWELLIN LEE NAKIKINIG KA BA?!"

"HUH?"

"Hay naku! Tulala ka na naman dyan kakaisip kay Adrian!" Reklamo ni Heily.

"Anong Adrian?! Sandali nga lang, himala ata ang pagpunta mo dito? Ang pagkakaalam ko ayaw na ayaw mong pumupunta dito sa unit ko dahil katapat nito ang unit ng crush mo? At alam mo bang istorbo ka? Tapos ginugulo mo yang gamit ko!"

"FYI, EX! EX-CRUSH!" Ang bitter talaga nito. Palibhasa nagpakita ng motibo yung crush nya na may nararamdaman ito sakanya, yun pala talagang ganoon lang ito at higit sa lahat may girlfriend pa! Well, I don't care naman!

"Oo na, oo na. So ano nga ginagawa mo dito?"

"Haaays!! ULIT-ULIT TAYO! Ang sabi ko uuwi ka ba ng Pampanga bukas? Tutal long weekend naman natin at para may kasabay ako. Balita ko nga din may babalik. *smirks* "

Wala nga palang pasok bukas hanggang sa monday. May seminar ang faculty members sa Tagaytay mula bukas, which is Friday, until Monday.

"Ahh, hindi muna siguro ako uuwi. Tatapusin ko na kase itong project ko para kapag umuwi ako ng Pampanga wala na akong inaalala atsaka malapit na rin yung Finals kaya kailangan ko munang mag-focus sa studies."

"Ang sabihin mo ayaw mo lang umuwi kase hangga ngayon bitter ka p--"

"Hindi ako bitter okay?! Busy lang talaga ako ngayon at kung pwedi umalis ka na bago pa kita kaladkarin! Istorbo ka eh!"

"Hmp! Ang sama talaga! Alis na po ako Inang! Ciao babu! :D"

Haay salamat. Akala ko di na aalis yun. ANG KULIT!! Pero syempre love ko yang si Heily, bff ko yan since birth eh.

Wait. Nagpakilala na ba ako? Haha. Btw, I'm ANNA ROWELLIN LEE, 17 years old and I'm already 2nd year college in Clinton University taking Business Management and BS Tourism. Yes, 2 course ko kaya busy ako. Trip ko eh! Haha, joke lang.

Actually tourism is my choice and yung business management naman ay para sa future, sa business namin.

Sabi naman ng mga kaibigan ko, kaya DAW ako nag take ng 2 course para maging busy ako dito sa Manila at nang hindi ako makauwi sa Pampanga, to forget my past there.
WOW PAST!

Uhm? Pwedi nang dahilan yun. HAHA! Alam ko naman, naming lahat, na hindi totoo yung sinasabi nila. Mga loko-loko yun eh!

Gusto ko rin naman umuwi sa Pampanga eh, namimiss ko na silang lahat kaya lang everytime na umuuwi ako may naaalala ako. Pero kung iisipin ko ng mabuti, may memories din naman kami dito sa Manila.

Ah basta! Gagawin ko na nga lang ang dapat tapusin nang hindi ako nag rurush sa mga requirements at mag aadvance review na ako para sa finals.

----------

Hello po! Bare with me please, first time ko po mag sulat 😊✌

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You're My EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon