Chapter 3 (St. Magnus)

17 4 0
                                    

"Hey guys you can open your eyes now" ngingisi ngising sabi ni Keira sabay lingon sa dalawang babaeng nanginginig sa backseat

"OMGee !!! I'm still alive ! hooo !" pagbubunying tili ni Verlei na parang baliw na nakataas pa ang kamay pagtapos ng byaheng akala mo nakikipaghabulan kay kamatayan

"Shoot ! handa na kong maging driver nyo wag lang si Keira ang magdrive !" Sabi naman ni Arkray habang yakap yakap nito ang bag

Kung buhay lang ang bag nito kanina pa yun nawalan ng hininga sa sobrang higpit ng yakap ng dalaga

"Sus ! Stop Over reacting ! hindi pa naman tayo naaaksidente ! ako pa ? wala ba kayong tiwala sakin guys ? im a pro for goodness sake !" sabay irap ni Keira sa dalawa at tumingin kay Nixie na walang imik

"Are you Ok Nix ?" tanong ni Kei sa kaharap

"Kung hindi lang ako nakalipstick at hindi marumi ang sahig, kanina ko pa hinalikan ito ! Ghhaad ! Keira ! You'll be the death of me !" Seryosong sabi nito habang nakapokerface parin

napasimangot nalang si Keira at bumaba ng sasakyan at sumunod naman ang iba

Namangha naman silang apat sa Bagong tanawin na nakikita nila
Napakalawak ng Buong St. Magnus University

Ang St. Magnus University ay nahahati sa 4 naglalakihang Gates, Preschool at Elementary sa east gate, Junior at Senior High sa North gate at College sa West gate at ang pang apat ay ang pinaka malaking gate na South gate o main gate ng University na syang una mong dadaanan para makita mo ang tunnel like Main building at ang tatlo pang gate

ang south gate din ang may pinakamaraming guards since mahigpit ang security ng buong school

Pagpasok sa South gate malaking Fountain sa gitna at mga naglalakihang Birch tree naman ang madadaanan sa bawat gilid ng pathway ng school papuntang main building ang bubungad sayo

ang Main building naman ay mala ancient Europian style dahil sa mga naggagandahang pillars nito na may ibat ibang disenyo na kakikitaan ng mabubusising paggawa

nag mistulang tunnel din ito dahil tagusan ang dalawang Malahiganteng double door nito at pag tagos mo dito tsaka mo palang makikita ang 3 gate.

Ito lang din ang may Solar powered eco train na lumilibot sa buong school  at ibababa ka sa Terminal ng ibat ibang building na naayon sa kurso mo pero para lang sa mga college students yun dahil napakaraming buildings dun nanagrerepresents ng ibat ibang kurso.

Nakarinig ang apat ng isang Malamyos na tunog ng kampana bilang hudyat na meron silang natitirang 15 mins. bago magsimula ang klase kaya agad agad naman nagtungo ang apat sa Guidance Office para makuha yung schedule at malaman ang homeroom nila

"Tsk ! ang laki ng school na to Kei ! saan lupalop naman nating makikita ang Guidance office ??" Naiiritang sagot ni Verlei habang naglilibot sila sa main building, ito pa man din ang may pinaka maiksi ang pasensya sa kanilang apat, ayaw nya ng naglalakad ng matagal at naghihintay ng matagal.

"Found it !" biglang sabi ni Arkray habang kinakalikot ang tablet nyang inimbento ni Lei

Agad naman nagkumpulan ang apat at tinignan ang tablet ni Arkie na nagpapakita ng blue print ng buong St. Magnus ang may kung anu ano pang kinalikot dito

"Nandito tayo" Turo ni Arkray sa patay sinding pulang ilaw na nasa screen ng tablet.
"Nandito naman ang Guidance Office" Turo naman nya naman sa isang steady na ilaw na kulay blue.

"WOAH ! that was fast Arkiebels ! ang bilis mo namang nahack ang system ng St. Magnus at nakagawa ng bagong program !" Papuri naman ni Lei sa kanya na syang ikinaikot ng mata nung isa

Hunting YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon