Chapter 5 (Guidance Office)

15 4 0
                                    

Keira's POV

"WOW ! what a nice surprise ! parang kanina lang kinuha nyo yung student handbook nyo tapos ngayon andito agad kayo at nasangkot sa gulo ?" saad ni Ma'am Emz

kasalukuyan kaming nasa Guidace office dahil sa insidenteng naganap kani kanina lang

napatingin naman ako sa babaeng kung makahagulhol wagas !
"Huhuhu ! dapat ipatanggal na yang mga yan huhuhu" umiiyak na sabi ni cheska, yung babaeng tinamaan ng libro sa mukha

Sus ! halata namang umaarte ka nalang dyan!

"Kebago bago sakit agad sa ulo ! ang kakapal ng mukha nyo para magkalat sa school at mambully ng kapwa nyo studyante !" Sabi ni Mrs. Ferrer na galit na galit na nakaupo sa harap namin

Tsk ! badtrip !
nakakainit ng dugo yung mga kaklase namin ! biruin mo itunuro kami ng mga kaibigan ni cheska na kami raw yung gumawa nung prank para kay na cheska na palpak daw at dahil dun binato nalang daw ni Nixie si cheska ng libro at tinulak si Hannah kaya nasubsob and worst ! wala man lang nagsabing hindi kami ang may kasalanan !

"Alam nyo po ba Ma'am Emz, tinamaan pa ng babaeng yan sa mukha si Theon !" sabi ng isa sa alipores ni cheska habang tinuturo si Nixie

"Kita mo na ? kita mo na Ma'am Emz ? masyadong mapanakit yang mga yan eh ! walang naman kaming ginagawa sa kanya nanakit sila ! nananahimik lang kami !" sabi ni Hannah na kunwari ay papaiyak na

"They deserve a Suspension for this !" dagdag naman ni Ferrer habang si Ma'am Emz ay tahimik na nakikinig

"Ma'am mawalang galang na po, aren't you going to further investigate what really happened before you gave us a suspension ?" sabi ni Verlei

"Ano pa bang imbestigasyong ang hinahanap mo ? ang buong klase ay tumistigo laban sa inyo !" Sagot ni Ferrer

nakakawalang galang yung mga ganitong uri ng guro may kinakampihan agad hindi pa naman alam yung totoong pangyayari !
I mentally rolled my eyes upon hearing her statement

"Wag mong sabihing kami pa ang nagsisinungaling ? kami na nga nabiktima dito kami pa pinapalabas mong sinungaling ??" Galit na sabi ni Hannah

"Bakit hindi ba?" malamig na sabi ni Nixie na seryosong nakatitig sa kay Hannah na ikinatahimik ng lahat

"Abat-" pinutol ni Lei ang sasabihin ni Ferrer

"Nakasaad sa student handbook na pag napatunayan na nambully ka which is mahigpit na ipinagbabawal ng paaralang ito 1st offense is a 1 week suspension with 1 week seminar" saad ni Verlei na nakatingin kay Ma'am Emz na ikinatango nito

"Kaya nga dapat kayong isuspend !" Sabi ni cheska na nanggigigil na sa inis

"Tumistigo halos lahat sa mga kaklase natin na kayo ay nambubully hindi pa ba sapat yun para masuspend kayo !?"  sabi ni Hannah na akala mo ay aping api

napatinging naman ako kay Nixie na nakatingin sa taas at parang hindi nakikinig sa sinasabi nina Hannah

sinundan ko ng tingin ang tinititigan nya

"Sige Ma'am Emz, pag napatunayan nyong pong kami ang nagsimula ng gulo pwede nyo po kaming isuspend at hindi kami magrereklamo, pero ano namang pong kaparushan pag napatunayan nyong nagsisinungaling po yang mga yan ?" sagot ko ng may ngiting sumilay sa labi ko na syang ikinakunot noo ni Ferrer at ng grupo nina Cheska

"Well, i can give them 2 weeks community service" sabi ni Ma'am Emz

bigla naman nagkatinginan ang mga alipores ni cheska yung iba ay hindi na mapakali

"Eh pano po kung sila yung nambully samin ? masususpend din ba sila ?" tanong ko ulit na sinang ayunan ni Ma'am na mas lalo kong ikanangiti

"Hahaha, so pinapalabas nyo talagang kami pa ang nagsisinungaling at kami pa ang nambubully sa inyo ? kami may ebidensya ! kayo wala!" lakas loob na sabi ni Hannah ngunit halata na medyo nagrarattle sya samantalang si Mrs. Ferrer naman ay nakaupo lang at nakikinig.

"We have evidence and a very strong one" seryosong sabi ni Arkray na ikinaputla nila Hannah

"So where is that evidence?" takang tanong ni Ma'am Emz

Biglang nagtaas ng kamay si Nixie at may itinuro sa taas na nilingon namin lahat

Napatingin ako sa grupo nina cheska na pawang tinakasan na ng kulay at yung iba pa ay nakanganga

Hahaha ! serves you b*tches

Lahat ng classroom ay may kanya kanyang CCTV at malamang nakuhanan nito ang totoong nangyari

"Very well then !" inabot agad ni Ma'am Emz ang telephono at may dinial

"Hello, this is the guidance councilor, send me a copy of the recordings last 10:00 to 10:15 from the room 12-A ASAP" sabi nito at ibinaba ang telepono

nagkatinginan naman si Hannah at Cheska na mukhang natatakot na

after 10 minutes of waiting dumating ang isang security na may dalang USB

agad naman itong kinuha ni Ma'am Emz at isinalpak sa Laptop

kitang kita sa kuha ng CCTV kung pano binato ni Cheska ng libro si Nixie bago kami lumabas, kitang kita rin sa CCTV kung pano sinet up ng alipores ni Cheska yung timbang may tubig hanggang sa pagkakadulas ni Ferrer

"YOU ! Kayo pala may kagagawan ! simula ngayon wag na kayong papasok sa klase ko !" Nanlalaki ang mata at namumula sa galit at pagkapahiya si Ferrer

"Now that we all knew what REALLY happened, the four of you Keira can now go back to your class, and the rest, Stay we have alot to talk about." kalmadong sabi ni Ma'am

"Sis lets's go !" Yaya ko sa kanila at sabay sabay na umalis ng Guidance office

Bilang nakakatanda sa grupo, ayoko sa lahat yung inaapi kami pero tiwala naman akong kaya ng bawat isa samin na ipaglaban ang sarili nila

Lalo na ngayon, kailangan namin mag ingat pero hindi rason yun para magpaapi kami

hindi lang muna namin gagamitin ng physical na lakas namin para sa mga walang kakwenta kwentang bagay lalo na kung hindi naman related sa pag aaral or hindi naman life threatening.

Kung titignan mo nga kami para lang kaming mga mahihinang studyante,

Si Arkray mukhang nerd na maldita, Si Verlei mukhang cry baby at ubod ng daldal, si Nixie mukhang maarteng anti social at ako mukha lang akong typical na ate nilang tatlo

who would have thought na marami na kaming napatay ?

once we we're born as ordinary kids who only knew how to play and watch cartoons, pero dahil sa isang malagim na pangyayari we undergo intense trainings that change our lives

Mula sa mga batang nagtatampisaw lang  sa pool pagnagkayayaan
Naging training ground namin yun para sa physical combat na ginagawa namin sa ilalim ng pool para mahasa ang bilis at lakas ng atake namin

ang underground play area namin hinawang shooting range at kailangan lahat bull's eye at dapat isang butas lang ang makikita ni Tito Axe sa target
mas mahirap yung pinagdadaanan ni Arkray dito since pinanganak syang malabo ang mata
tinitrain sya ni tito ng walang gamit na salamin at naging obsess si Ark sa pag gamit ng baril at pana dahil doon nakagawa sya ng move gamit ang baril na sya lang ang nakakagawa

ang normal na galaw ng bala ay diretso lang pero kay Arkray nagagawa nyang balikuin ito

minsan pinapatarget din samin ni Tito ang ibat ibang prutas sa ulo, kamay pinagdikit na tuhod, pisngi at bibig namin

nag ala fruit ninja din kami ng nakapiring at hinahagisan ng kung anu anong bagay sa ere na kailangan naming hiwain sa gitna

pero kahit na sobrang hirap ng lahat ng pinagdaanan namin nagenjoy naman kami
yung mga intense na training namin ang nagsilbing laro samin at nagpatibay ng pagsasama namin

Hunting YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon