Chapter 20 (The Legendary Race)

7 1 0
                                    

Keira's POV

"OutCasts Ready ?" nakakabinging busina at malakas na ugong ng motor ang maririnig sa buong SubUrbs ang ginawa ng mga naghamon na hindi bababa sa dalawanpu

Outcasts ang tawag ng mga tagaSubUrbs sa mga challengers na naghahamon sa mga legends at nung nalaman nila ang rule ngayong gabi ay nadagdagan ang mga Outcast na gusto kaming pataubin

bukod kasi Black&Red ang rule ngayon syempre kailangang mauna kami sa finish line ..

"Legends are you ready ?" pinaugong naman ni Apollo ang motor na sinasakyan namin habang ako ay nagthumbs up

napagpasyahan naming dalawa na sya ang blindman habang ako ang Guardian or in other words sya yung nakapiring at magdadrive samantalang ako yung tagasabi ng way nya at tagatapos ng kalaban

we will do the race outside the SubUrbs dahil bukod sa maraming pwedeng madamay sa karera mamaya, isa ito sa mga previledges ng Legends.. ang mamili kung saan gaganapin ang race twing may RED rule at isa pa naniniwala naman ako dito kay Apollo na alam nya ang ginagawa nya at kabisado nya na ang pasikot sikot sa buong Downtown unlike some of the OutCast

hirap kaya magdrive ng nakapiring !

i look at the monitor that indicates the countdown

3...

niready ko na ang mga shurikens at karayom na nasa compartment ng damit ko pati narin ang portable katana ko na nakasabit sa likod ko

bawal kasi gumamit ng baril at kahit na anong explosives na maglilikha ng ingay para hindi kami habulin ng pulis

2...

Binuksan na ang gate palabas ng SubUrbs at naghihiyawan na ang mga tao ngunit inagaw ni Apollo ang atensyon ko

"Do you trust me ?" tanong nya sakin habang nakapiring

i tapped his shoulders lightly as a response

I chuckled in delight that made him stiff "Ang tanong... Do you trust me?" sabi ko sa kanya na ikinangiti nya and he nodded

1...

I grip my Right hand into his shoulders

yung kamay at bibig ko ang magsisilbing guide nya.. Pagtinwist ko ang kamay ko pakanan ibig sabihin kumanan sya and same with left

*EEEEEEEEEENNNNNGGGGGKKKKK*

pinaharurot na ni Apollo ang motor palabas ng SubUrb habang nasa likod namin ang mga Outcast

nakalayo kami agad ng ilang metro  ni Apollo dahil karamihan sa mga Outcast ay nangangapa pa at yung iba ay sumemplang na

Tsk ! weak !

"Turn left in 3" sabi ko sa kanya

we need a technique to eliminate all the OutCast.. kung lagi kaming nasa harapan mas prone kami as target, hindi naman ako pwedeng bumaliktad ng upo patalikod sa kanya dahil ako ang mata ni Apollo ngayon..

dahan dahan kong tinwist ang right shoulder ni Apollo at dahil doon dahan dahan din syang nagturn ng walang problema

Ang plano ko ay umikot muli para mauna yung ibang outcast at mabawasan ang kalaban

"Left at 3 again"

like what happened earlier he also do the same

as far as I observe and base on his breathings mukha namang hindi sya kinakabahan sa race ngayon, swabeng swabe ang takbo at liko ng moyor na sinasakyan namin ngayon and that made me grin on the inside

I would love to have a race with Apollo the next time that I will set my foot in the DSU !

maya maya pa ay nakita ko na ang mga Outcast sa harapan namin kaya dali dali ko na silang pinaulanan ng shurikens ko

*Shrrriieeeekkk*
*Craasssshhhhhh*

"What was that ?" Apollo asked

i just tapped his shoulder "Ohhh I just brought down Six outcast in one blow" I heard him chuckled "Wow ! I will definitely love to see the action but unlucky me, Im the blind man"

I smiled "Yeah! you're missing all the Fun"

*Brroooooooom*

"Hey Apollo hold still ok ? There's three opponents already catching up, I want you to drive smoothly, lower down your head and drive Straight" Mabilis at klaro kong sabi sa kanya kaya napatango nalang ito

agad kong sinet-up ang portable Katana ko at iwinasiwas sa right side namin

agad namang napahiyaw sa sakit ang Blindman ng matamaan ko, Rinig ko naman ang pagkatumba ng Guide nyang basag ang bungo at ang pagkatumba ng sinasakyan nila..
balak kasing hampasin ng Guide nya ang likod ko gamit ang baseball bat

napabend naman ako patalikod ng may isang nagtapon ng kutsilyo sa left side namin, buti nalang at hindi nahagip si Apollo, at ng nakita nyang hindi sya nagtagumpay, binalak nyang hatawin si Apollo ng tubo na gawa sa bakal kaya dali dali akong tumayo sa upuan ng motor at buong pwersang syang sinipa kaya naiuntog nya ang ulo nya sa Blindman na ikinasemplang nila

gumewang ng kauti ang motor na sinasakyan namin ni Apollo dahil sa bigla kong pagtayo at pagsipa sa kalaban kaya agad akong umayos ng pwesto ngunit this time tinalikuran ko na sya dahil mahigit sa sampo na ang nasa likuran namin

mahigpit kong inipit ang mga hita ko sa katawan ng motor ni Apollo tsaka isa isang pinaulanan ang mga kalaban ng shurikens

"YUKO!" Sigaw ko kay Apollo ng mapansing kong pinaulanan kami ng shurikens ng kalaban

agad kong inilabas ang katana ko at iwanasiwas iyon upang hindi na ito makaabot samin

muntik na kaming sumemplang ng mabunggo kami sa likod ng isang Blindman Outcast na nawalan ng Guide dahil bumagsak ito ng tamaas ko ng shuriken sa leeg

agad kong tinisukan ang noo nya ng karayom at tinabig pakaliwa kaya agad agad itong tumumba

ng mapansin kong tumba na ang lahat agad akong bumalik sa dati kong pwesto ng biglang nanlaki ang mata ko

may nakahinto na isang dumptruck sa harapan namin at ilang metro nalang ang layo nito samin !

agad kong kinabig ang manubela na hawak ni Apollo at iniliko ito ngunit huli na ng mapansin kong nasa isang intersection kamo at may isang Truck na kasalukuyang tumatawid sa harap namin

sa sobrang taranta ko kinabig ko ulet ang manubela ng pakaliwa at paatras sabay preno ngunit dahil sa bilis ng takbo namin, hindi kinaya ng sinasakyan nami ang makahinto kaya dali dali kong niyakap si Apollo nagpatihulog kami sa daan

kitang kita ko kung paano nagslide at lumusot ang motor sa ilalim ng truck ng Tubig at hindi man lang ito natamaan ng malaking sasakyan kaya natawa nalang ako

Looks like we've won !

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 13, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hunting YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon