Rated: SPG. Contains explicit scene and words
July 27, Thursday, 10:45 PM
Muling tiningnan ko ang make up ko sa compact mirror na dala ko. Siniguro kong wala pang nag smudge na lipstick o eyeliner bago ko sinuot ang hawak hawak na maskara.
Nakasakay nako ngayon ng taxi at nalalapit na sa aking destinasyon. Nang i-park na ng driver ang sasakyan, binayaran ko na ito at humugot ng malalim na paghinga bago binuksan ang pinto.
Nahirapan pa kong bumaba dahil sa ikli ng suot kong damit. Literal na little black dress ang suot ko. Bukod pa sa hapit na hapit ito sa katawan ko, konting tuwad lang, makikita na ang pisngi ng aking pwet. Buti nalang naisipan kong mag suot ng g-string. Ayaw ko ding mapahiya kung sakali mang masilipan ako. In the first place, hindi naman basta bastang party ang dadaluhin ko.
Since kakasimula palang ng pasukan, may party sa The Paramour's Palace. Nag initiate sila ng mga bagong members at ngayon nila ipapakilala yung mga napili.
Grupo ito ng nag iisang pinsan ko. Sya at tatlo ng mga kaibigan nya ang nagtatag dito. Tinatawanan ko pa nga sya sa napili nilang pangalan pero ikinikibit balikat lang nya kasi raw mga freshmen palang sila nung itatag nila yon. Sa katunayan, sa condo lang ni Bryce sila nun nagkikita kita at laro laro lang sa kanila ito. Pero dahil mayayaman, sikat sa lipunan at magagandang lalake, sumikat sila sa campus at dun sila nag recruit ng mga members. Nang dumami ang mga miyembro, binili nila ang old building kung saan pina renovate nila at ngayon nga isa na itong sikat na club. Pero exclusive lang sa mga members.
Twing huwebes, katulad ngayong araw na 'to, open ito for public pero special ang araw na 'to dahil nga ipapakilala ang mga bagong miyembro at piling pili lang ang mga invited.
Kung ang ibang kababaihan ay pupunta para makiusyoso, maka hook up ng isa sa mga miyembro, ako, narito ako sa isang misyon. Pabor ang theme ng party para sa akin dahil nakamaskara kami.
First time kong makakaapak dito kung nagkataon. Muntik na ngang hindi ako matuloy dahil akala ko naiwala ko ung invitation na ipinuslit ko lang ng makita ko sa library ng mansion nila Bryce. Sa kanila muna kasi ako nakatira habang tinatapos ang college. Ayaw kasi nila mommy at daddy na mag isa ako sa condo. Pagkagraduate ko nalang daw nila ako ibibili. Yun nalang daw ang gift nila sa akin.
Nang makita ko ang invitation, dire diretso na kong pumunta sa entrance sabay lahad nito sa isa sa mga bouncers dito. Pinapasok naman nila agad ako ng walang tanong tanong.
Hindi makapaniwala ang mga mata ko sa interior design ng club. Para akong nasa isa sa mga palasyo noon sa Roma. May mga statues pang naglalakihan ng mga Roman Gods.
Sa gitna nito may dance floor at nasa side ang DJ. Sa bandang kanan nandun ang bar at sa kaliwa at nakapalibot sa dance floor ay mga mesa at upuan.
Di ko malaman kung may mga kakilala ako dahil puro disco lights lang ang nagsisilbing ilaw at sa bandang bar lang maliwanag. Kahit mga bartenders at DJ nakamaskara rin. Pero alam ko na isa sa mga bartenders ay ang pakay ko.
Naghanap ako ng bakanteng upuan at sakto namang may umalis sa harapan mismo ng pakay ko. Dali dali akong umupo bago pa ako maunahan.
"Tequila sunrise please?" Order ko agad sa KANYA nang makita kong lumingon sya sa gawi ko.
Ngayong nandirito na ko parang nagdadalawang isip pa ko kung kaya ko bang gawin ang binabalak ko.
Natatakot din ako baka makilala nalang nya kong bigla kahit na nakamaskara ako. O kaya may makakita sa akin na kakilala ko. Or worse, baka mismong pinsan kong si Bryce ang makakita sa akin at sipain ako palabas ng club.
BINABASA MO ANG
Catching You
RomanceCatching You "What!? Tutunganga ka nalang ba!? Akala ko bang Ihahatid mo ko?!" Sigaw ko sa kanya para pagtakpan ang pagkapahiya ko. Pero nagulat nalang ako ng bigla nalang syang tumawa. Ako naman ang napatanga sa kanya. Buwang na talaga ang isang to...