"Babe, make it fast please? I'm late as it is. I'll wait for you outside." after kumatok ni Daniel sa room ko yun ang naging sunud sunod nyang sabi.
Yes! Kasal na kami! Nakatali na kami sa isa't isa.
Two weeks after ng pag uusap sa Library, ikanasal kami sa Huwes. Syempre connections! kaya di na ko nagtaka sa sobrang bilis ng mga pangyayari.
At ngayon nga, a month after, dito na ko nakatira sa condo nya. And during those times, magkahiwalay kami ng kwarto at walang nangyayari sa amin kahit na legal na Legal na kami.
Siguro nararamdaman nya na Hindi pa ko handa. And I thank him for that. Sa duration ng pagsasama namin, minsan ko palang nakita si David. Yun nung kinasal kami.
Alam ko Hindi na tama na isipin ko pa sya. Ayokong magkasala sa Mata ng batas at sa Mata ng Dyos. Pero hindi ko rin maipagkakaila na sya pa rin ang laman ng mga pangarap ko.
Oo nga't iisa ang mukhang dinadala nila ni Daniel, pero sa kaibuturan ng puso ko, si David parin ang laman nito. Hindi naman kasi sa panlabas na kaanyuan lang binabase ang lahat. Magkaiba pa rin sila ng personality, ng mga gusto at di Gusto. Malaki pa rin ang pagkakaiba nila.
Nadatnan Kong nakahalukipkip sa loob ng sasakyan si Daniel. Napaka seryoso nyang tingnan. Magkasalubong pa ang mga kilay. Di ko alam kung anong nangyayari sa kanya. Kanina lang na tawagin nya ko ang lambing lambing pa ng boses. May pa babe babe pa nga syang nalalaman. Pero ngayon mukhang wala na sa mood.
"Sorry." yun lang ang nasabi ko. Iniisip ko kasi na kaya sya galit dahil medyo natagalan ako sa pagbaba. "Hinanap ko pa kasi ung notebook ko."
Pagkasabi ko nun bigla nalang syang may inabot na notebook. Nagtataka man, inabot ko na rin yun at hindi na umimik pa. Nakita ko kasing nanggagalaiti sya sa galit.
Pagkapark nya ng sasakyan sa school, bumaba na sya at diretso ng umalis. Pagkalabas ko ng kotse, ni-lock lang nya ito ng hindi tumitingin at diretso pa rin ang lakad.
Maghapon akong tulala sa mga klase ko na pinagtaka ni Julie, ang nag iisang ka close ko sa mga kaklase ko. Dahil block section kami,kasa kasama ko sya sa lahat ng subjects.
Hindi na rin ako pinansin ni Julie. Pag ganito kasi ang mood ko, alam nyang wala syang mapapala dahil lagi akong tulala.
Pagkatapos ng last subject ko, dumeretso na ko sa parking kung nasan ang sasakyan ni Daniel. Since monday ngayon kaya pareho kami ng time na uwian.
Halos sampung minuto nakong nag pa ikot ikot sa parking pero hindi ko makita ang kotse ni Daniel. Sa dati naman sya laging nag papark kaya imposibleng nasa kabilang park ung kotse nya. Dahil pasado alas tres ng hapon, pawis na pawis at nanlalagkit na ko sa kakaikot dito. Gusto ko na ngang maiyak dahil iniisip ko na iniwan na nya ko.
Tiningnan ko ang cellphone ko baka nagtext sya o tumatawag, pero na dismaya lang ako nang makitang wala man lang ako ni isang message.
Nagpasya nalang akong lumabas ng school at nagpara ng taxi.
Pag uwi ko, nag check ulit ako ng cellphone pero wala pa rin. Nagpasya nalang akong matulog pero nag check muna ako ng facebook.
Laking gulat ko nang makita kong nag post si Bryce ng pictures nilang magbabarkada na nasa isang bar. Alas dos ang nakalagay na oras base sa post nya.
Lalo tuloy sumama ang loob ko sa nakita lalo na at may katabing babae si Daniel at dikit na dikit pa sya dun. Alam ko namang mag asawa lang kami sa papel pero di ko mapigilan na magselos! Oo! Nagseselos ako! Kahit naman sino na makasal sa isang lalaki na kamukha pa ng lalakeng matagal mo ng gusto pero may difference din sila, mas gwapo si Daniel! Manly, mabango, macho at walang dull moment pag sya ang kasama ko. Kaya hindi ko na napigilang di ma fall!
Pero sya? Wala lang! Isa syang pa fall! Malandi! Kaladkarin! Hanggang flirtations lang!
Kesa maiyak ako ng bongga, itinulog ko nalang ang sama ng loob ko. Sana pag gising ko wala na ang nararamdaman kong selos!
BINABASA MO ANG
Catching You
RomanceCatching You "What!? Tutunganga ka nalang ba!? Akala ko bang Ihahatid mo ko?!" Sigaw ko sa kanya para pagtakpan ang pagkapahiya ko. Pero nagulat nalang ako ng bigla nalang syang tumawa. Ako naman ang napatanga sa kanya. Buwang na talaga ang isang to...