"Mahal... Na... Mahal.... Kita.." Ang sakit isipin na ang kakambal ko pa rin ang mahal nya hanggang ngayon. Oo ngat nagpanggap ako na si David, pero hindi naman habang buhay na kailangan kong magpanggap na sya para lang marinig ko ng kusa sa mga labi nya ang mga salitang yon.
Hindi ko na napigilan na rumehistro sa mukha ko ang sakit na nararamdaman ko.
Nakita ko syang tumayo at inilapit ang bibig nya sa may tenga ko.
"Daniel." Nayanig ako sa binanggit nyang pangalan. At kahit nakaalis na sya nakatulala pa rin ako sa kawalan at naestatwa na sa kinatatayuan ko.
Ilang minuto rin ang lumipas bago ako natauhan. Pipigilan ko na sana sya para makunpirma kung tama nga ang narinig ko pero pag lingon ko wala na sya.
Hindi ko alam kung paano nya nalaman na hindi ako ang kakambal ko. Hiniram ko na nga ang jersey ni David, pati na ung paborito nitong suot na pabango ayon sa diary ni Ivory, naglagay na rin ako ng fake na nunal sa ilalim ng kaliwang mata ko pero nalaman pa rin nya.
Alam ko may klase pa sya kaya hindi ko na sya hinanap. Pumunta muna ako ng The Paramour's Palace at naligo.
Nagpalipas lang ako ng oras dito. Alam ko alas singko ang labas nya ngayon. Nang malapit ng mag time, bumalik ako ng school at hinintay sya sa labas ng kanyang classroom.
Nakasandal lang ako sa may pader at naka pamulsa ang mga kamay sa walking shorts ko para maitago ang panginginig ng mga to. Kanina pa kasi ako ninenerbyos dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko. At nahihiya rin ako sa kanya dahil sa pagpapanggap ko.
After mga two minutes nakita ko na rin syang lumabas.
"Daniel! Anong ginagawa mo dito? May problema ba?" May pagtataka ang sumilay sa mukha nya. Hindi ko alam kung bakit gulat syang makita akong sinusundo sya. Although sabay kaming umuwi dati, sa parking lot lang kami laging nagkikita.
"I'm fetching you. Halika na." Nauna na kong maglakad sa kanya dahil baka mahalata pa nya ang nerbyos na naka rehistro sa mukha ko.
"Wait lang! Nasan si mang Ben?" Alam kong pinipilit nyang umagapay sa mga hakbang ko pero nagtuluy tuloy lang ako sa parking.
Pinatunog ko ang kotse para ma unlock ito at dumeretso na sa driver side. Habang hinihintay ko syang umupo sa may tabi ko, nakahawak lang ako ng mahigpit sa manibela para mabawasan ang nginig na nararamdaman ko.
"Ang gentle dog mo talaga no?!" Reklamo nya ng buksan nya ang pinto.
"Tsk!" Yun nalang ang nasabi ko. Tang ina! Eh sa hindi ako gentleman! At ginawa pa kong aso! Kung di ko lang to mahal, natiris ko na sya na parang kuto!
Hinarap ko muna sya at tinitigan. God! She's so beautiful! So angelic! Hindi ko alam kung paano ako nakatiis ng tatlong taon. Kung tutuusin approve naman kay Bryce na maging kami.
"What?! Tititigan mo nalang ba ako?!" Ito pa ang isang naka pag pa in love sa akin. Her physical appearance contradicts her attitude. Yes! She's got attitude! Parang ang sarap mag pa under de saya sa kanya.
"I love you!" Naibulalas ko nalang bigla. I know out of the blue pero di ko na mapigilan ang nararamdaman ko.
Naibuka nalang nya ang bibig nya sa pagkabigla. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na,'close your mouth babe baka di ko mapigilan na rape-in ang mga labi mo' pero alam ko maeeskandalo sya kaya nanahimik nalang ako at pinag masdan ang bawat emosyon na dumaraan sa mga mata nya.
Tangna naman oh! Kasal na nga kamit lahat pero parang nanliligaw palang ako.
Saka di ba sinabi na nyang mahal nya ko?! Kung maka react sya ngayon parang ngayon lang naranasng magmahal.
"Tangna! Magsalita ka nga! Tutunganga ka lang ba dyan!? Nag confess na nga kot lahat ganyan lang ang reaksyon mo?! Puta! Sabi mo kanina mahal mo na ko?!" Di ko mapigilan na sabihin sa kanya.
Lalo ko lang hinigpitan ang hawak ko sa manibela at tumingin sa harapan.
Nagulat nalang ako ng bigla nalang nya kong hampasin sa braso.
"Pucha! Gawa ba sa bakal ang kamay mo?! Ang sakit non ha? Kundi lang kita mahal at kung di ka lang babae... Uuh!" Naggigigil kong sabi sa kanya.
Bigla nalang syang tumawa ng malakas. Napatunganga nalang tuloy ako sa kanya.
"Bwiset ka!" Sabi nya ng mahimasmasan na. "Nagmamahalan naman pala tayo, lika na sa bahay, gawin na natin si junior!" Shit! Bakit ba nakalimutan ko na napaka straight forward pala ng babaeng to? Sasabihin kung ano man ang nasa isip.
At dahil sa sinabi nya, bigla nalang nag atensyon yung isang junior. Putang ina! Kahit wala syang ginagawa o sinasabi napapatigas nya ko, mas lalo ngayon pa na sya mismo ang nag aya.
BINABASA MO ANG
Catching You
Roman d'amourCatching You "What!? Tutunganga ka nalang ba!? Akala ko bang Ihahatid mo ko?!" Sigaw ko sa kanya para pagtakpan ang pagkapahiya ko. Pero nagulat nalang ako ng bigla nalang syang tumawa. Ako naman ang napatanga sa kanya. Buwang na talaga ang isang to...