"Marry me, please?" Hindi ako makapaniwala na nag popropose ngayon sa harap ko si Daniel.
Nagulat nalang kasi ako kanina ng makita sa lalagyan ng coins ng pintaka nya ang isang engagement ring. May naka engrave pa doon ang pangalan at date ng kasal namin last month. At ngayon nga, nakaluhod sya sa harap ko habang nakaupo ako sa may kama.
Hindi ko alam kung bakit gusto kong maiyak. Siguro dahil nao-overwhelmed ako.
Kinibot kibot ko nalang ang mga labi ko dahil ayaw kong magsalita baka humagulgol lang ako.
Kinuha ko nalang ung singsing at ako na ang nag suot nito sa daliri ko at tumango tango.
Nagulat nalang ako ng bigla syang tumayo at daganan ako sabay siil ng halik sa mga labi ko.
Dahil hindi naman kami ganito ka -intimate kaya medyo naiilang pa ko. Hinawakan ko lang ang dibdib nya at itinulak sya ng bahagya pero mas lalo lang nyang pinag igi ang paghalik sa akin kaya wala na kong choice kundi tugunin ito.
Dahil sa pagtugon ko sa mga halik nya, bigla nalang naglakbay kung saan saang parte ng katawan ko ang mga kamay nya. Aminin ko man o hindi, gusto ko ang ginagawa nya sa akin, sa katawan ko. Hindi ko tuloy maiwasan ang ungol na umalpas sa bibig ko.
Alam ko nadadarang na kami. Ayokong itigil namin to. Mag asawa na rin naman kami kaya kahit na ibigay ko ang virginity ko sa kanya, hindi na big deal sa akin to.
"What are you doing?!" Naibulalas ko ng bigla syang tumigil at tumayo. Tiningnan lang nya ko saglit sabay labas ng kwarto ko. Narinig ko nalang na bumukas sara ang kwarto nya.
Tulala lang ako sa nangyari. Alam ko lasing pa sya pero hindi ko alam na kaya pa nyang kontrolin ang sarili nya. Gustuhin ko mang sugurin sya at mag demand na ituloy ang naumpisahan nya, dumeretso nalang ako sa banyo at naligo para isalba pa ang natitirang pride ko.
Sobrang nanghihimutok ako sa ginawa nya. Hindi ko tuloy malaman kung iiyak pa ko o mag papasalamat nalang dahil alam kong hindi pa talaga ako ready kahit gaano man kasarap ang pinaparamdam nya sa akin.
**
"Hey!" Mahina lang ang boses nya pero nagulantang pa rin ako dahil sa lalim ng iniisip ko. Mahigit isang linggo na ang nakaraan simula nung mangyari ang insindente pero hindi pa rin ako maka get over. Katulad ngayon, dahil may break ako ng isat kalahating oras at nagpapalipas ng oras dito sa field, kaya tulala na naman ako.
"David! Long time no see! Musta na?!" Napangiti ako dahil sa tanang buhay ko ngayon lang ako binati at nilapitan ni David kahit na anong pag papapansin ang gawin ko noon.
"Ok lang. I won't beat around the bush, nag away ba kayo ni Daniel?" Hindi na nga nagpaligoy pa. Grabe pala tong lalaking to, walang pakundangan.
Ikinibit balikat ko lang ang tanong nya at tumingin ulit sa mga nag pa practice sa field.
"Oo o hindi lang ang sagot di mo pa masagot. Hindi na nga kita pinahirapan sa tanong ko." Maooffend na sana ako sa sinabi nya kung hindi ko lang nakita na ngiting ngiti sya at may himig na biro ang boses nya.
Napangiti nalang ako. Hindi naman ganito si David kaya nakakapagtaka ang mga kinikilos nya. Tinitigan ko sya ng matagal kaya napatitig na rin sya sa akin. Pinaninkitan ko pa sya ng mga mata kaya umiwas sya ng tingin.
"May tampuhan lang. Bakit mo natanong?" Tugon ko sa kanya at tumingin na ulit sa field. Kahit gustong sumilay ng ngiti sa mga labi ko, kailangan kong pigilan para maisagawa ang plano ko.
"Napapansin ko lang kasi na lagi syang malungkot at tulala." Napatingin ulit ako sa kanya at nakita kong nakatingin na sya sa field at malalambong ang mga mata.
"Ahhh..." Yun lang ang naisagot ko. Hindi ko naman kasi alam ang isasagot sa sinabi nya. After kasi nung gabing yon, iniwasan na ko ni Daniel at hatid-sundo nako ng family driver nila. Kahit gusto kong mag commute nalang dahil nahihiya nako kay mang Ben, ayaw naman ni mang Ben baka daw mapatalsik pa sya sa trabaho.
"Tell me honestly,..." Napatingin ako sa kanya dahil sa seryoso nyang tinig. Tapos titig na titig pa sya sa akin kaya tinitigan ko na rin sya. "Do you still love me?"
I was taken back by his boldness pero hindi ko yon pinakita sa kanya. Tiningnan ko sya ng seryoso at inilapit ng husto ang mukha ko sa kanya. Halos dalawa o tatlong pulgada nalang ang lapit ng mga mukha namin. Ramdam na ramdam ko ang hininga nya na sumasapol sa mukha ko. Pero hindi ako nagpatalo sa kaba. Kailangan ko tong gawin.
"Mahal... Na.. Mahal... Kita..." Sabi ko ng dahan dahan. Nakita ko ang sakit sa mga mata nya. Kaya tumayo nako para umalis. Pero bago yon, inilapit ko muna ang bibig ko sa tenga nya para ibulong ang pangalan nya.
"Daniel."
BINABASA MO ANG
Catching You
RomanceCatching You "What!? Tutunganga ka nalang ba!? Akala ko bang Ihahatid mo ko?!" Sigaw ko sa kanya para pagtakpan ang pagkapahiya ko. Pero nagulat nalang ako ng bigla nalang syang tumawa. Ako naman ang napatanga sa kanya. Buwang na talaga ang isang to...