Peace
Papunta na sana ako sa information desk para matanong kung nakita nila yung babae ng may mahagip ang mga mata ko. Meron siyang katitigang babae. Naka Hospital gown ito, mahaba ang buhok at sobrang puti. Hindi ko alam pero parang may biglang tumusok sa puso ko nang makita iyon.
"Playboy talaga" Gusto ko na sanang umalis nang makita kong parang maghahalikannna sila.
"MARCOOOOOO!" tawag ko dito. Nabigla ata kaya natulak niya ng malakas ang babae at natumba.
Pumunta ako sa kanila at tinulungan din yung babae pero nabigla ako na ang babaeng yon pala ay yung babaeng nabangga namin ni mama.
Pinatayo namin siya at nang makatayo na ito ay tumawag na ako ng nurse para alalayan siya pabalik sa doon sa kwarto.
Tinignan ko naman ng masama itong lalakeng nasa gilid ko at aalis na din sana ng yakapin ako niya ako galing sa likod.
"Akala ko meron ng nangyaring masama sayo." Sabi nito saakin.
Dahil sa bigla ay hindi ako nakagalaw at nakaisip agad pero ng natauhan ako ay tinanggal ko ang pagkakayakap niya saakin at hinarap siya.
"Playboy ka nga talaga." Tsaka naglakad papunta dun sa kwarto kung nasaan yung babae.
Naramdaman ko naman na nakasunod lang siya saakin. "Hindi ako playboy." Pagkontra nito sa sinabi ko. "Talaga?" Sabi ko nang hindi siya tinitignan. "Oo." Sabi nito habang pumapasok kami sa elevator. Nang makapasok ay pinindot ko na kung saang floor kami pupunta. "Okay" sabi ko na lang para hindi siya magsasalita. Pero ang gago defensive.
"Hindi ka naman naniniwala ee." Sabi nito.
Hinarap ko naman siya Kasi sobrang pikon na ko. "Pinagsasabi mo oi?! Okay na nga diba?!" Galit kong sabi dito.
Yumuko naman ito at sinabing "sorry"
Hindi ko na lang siya pinansin. Wala na naman din siyang iba pang sinabi at nanahimik na lang din.
Ting!
Bumukas na ang pintoan ng elevator at lumabas na ako. Sinusundan sundan niya parin ako. Pagsasabihan ko sana pero wag na lang.
Pumunta na ako sa kwarto kung saan yung babaeng nabangga at nadatnan si doc at si mama na naguusap habang chinecheck ni doc yung babae. Lumabas na si doc kaya Pumunta nako kay mama para tanongin siya kung okay na ba yung babae.
"Ma" tawag ko sanya. "Hmmm?" Sabi niya tapos lumingon saakin. "Okay na daw po ba siya?" Tanong ko sakanya habang tinitignan yung babaeng mahimbing na natutulog. "Okay na daw siya. Akala nga niya hindi na magigising tong babae dahil sobrang daming dugo ang nawala sa kanya." Sabi nito.
"Talaga po ma?" Tumango lang ito sa tanong ko. "What a miracle" nasabi ko na lang.
Habang pinagmamasdan itong babaeng ito ay naalala ko si Marco.
"Nasan na kaya yun?" pagtatanong ko sa sarili ko.
"Sino nak?" Sabi ni mama. Narinig niya siguro ako.
"Si Marco ma. Nakabuntot lang yun siya saakin kanina ee. Nakita mo ba siyang pumasok dito kanina?" Tanong ko kay mama.
Umiling lang ito "Hindi ko siya nakita na pumasok dito kanina nak." Sabi niya sakin. "Talaga po?" At tumango lang ito.
Asan na kaya yung ugok na yun? Lumabas na ako ng kwarto para hanapin sana siya pero nakita ko siya sa mga upuan sa gilid ng kwartong natutulog.
Pinuntahan ko naman ito at gigisingin SANA kaya lang hindi ko magawa kasi sobrang himbing ng tulog niya kaya hinayaan ko na lang.
BINABASA MO ANG
She's From The Star
خيال (فانتازيا)She has everything that every girl wants to have... THE BEAUTY THE BRAINS THE BODY THE TALENT AND THE POWER But, She has this secret that she don't want to reveal. "Kinuha niya lahat saakin, at kapalit non kukunin ko din sa kanya LAHAT. Uumpisahan...