Fighting#2

46.1K 1.3K 59
                                    


"What the hell asshole! Ipinagkatiwala ko sayo ang kapatid ko akala ko kaibigan kita, anong ginawa mo sa kaniya sa tatlong araw ninyo sa isla?" Kasabay ay malakas na suntok at sipa ni Josh kay Kenneth kaya nalugmok ito sa gilid ng wall.

Ang nabigla na si Kenneth ay hindi agad nakapag react lalo pa at halos mahirapan siyang huminga sapol na sapol siya sa sobrang lakas na suntok at sipa ng kaibigan.

At bago siya tinalikuran nito ay nag iwan pa ng salita "i will kill you, kahit best friend pa kita!" Gustong niyang habulin si Josh at magpaliwanag dito pero wala na ito. Napamura siya ng maalala ang kakambal, "Kennedy! f*ck you bastard! malakas na sigaw ni Kenneth, habang nahihirapang tumayo sigurado siyang may ginawang hindi maganda ang twin brother niya sa dalaga.

Putok ang labi at may black eye na nakahiga si Kenneth, sa mahabang sofa habang kausap ang twin brother nitong si Kennedy.

"Come here! right now! dito sa condo ko!" sobrang galit niya ngayon sa kapatid at galit sa sarili kung bakit hinayaan niyang nangyari iyon. Alam niyang kayang pumatay ni Josh lalo at para sa kapatid, epecialy sa kaisa isang bunsong si Samantha Soffy.

"Anong ginawa mo kay Soffy ha?" galaiting sigaw ni Kenneth, habang papasok ng condo niya ang twin brother na pasipol sipol pa.

Dumiritso ito sa kusina niya at kumuha ng baso saka nagsalin ng whisky at isang lagok ang ginawa saka siya hinarap nito.

"Hindi ko siya aagawin sayo kung iyon ang gusto mong itanong, pero gusto kong malaman mo na paulit ulit ko siyang inangkin at pinagsawaan doon sa isla!"

"Shut up! Kennedy...!"

Ang sarap ni Samantha, alam mo ba ha? at sigurado akong hindi niya ako makakalimutan! ano masakit ba Kuya ha?"

"F*ck you bastard...!

"Masakit ba ang pag sawaan ng ibang lalaki ang babaeng pinakamamahal mo? We're even Kuya, saka malalaki ang hakbang na nilisan ni Kennedy ang condo ng kakambal.

Halos manginig sa galit si Kenneth, na binato ng nadampot na flower base ang palabas ng pinto na si Kennedy.

Nasa elevator na si Kennedy, ng pumatak ang luha, nakakainis lang dahil kahit nakaganti na siya sa twin brother niya ay hindi parin siya masaya, Bagkos ay parang naulit uli ang sakit na ginawa ng Kuya, niya sa girlfriend niya five years ago. Nasuntok ni Kennedy, ang wall ng elevator halos mayupi iyon sa lakas kailan ba siya tuluyang maging bato at manhid ang puso, five years na ang lumipas pero until now masakit na masakit parin.

Diretso sa paboritong bar si Kennedy, at doon walang humpay na uminom ilang babae ang nagtangkang lapitan siya pero mahigpit na naka bantay ang bodyguard nito na ibinigay ng may ari ng bar. Best friend nito ang owner ng bar na iyon at sa tuwing papasok siya doon para mag lasing automatically na may bodyguard na nasa malapit lang.

"Boss, may gustong lumapit sayo."

"Who? Hindi siya interesado kong babae lang yon.

"Babae, boss."

"No! Tell her na ayaw ko ng istorbo!"

"Copy boss."

Nakaramdam na siya ng pagkahilo kaya tumayo na at magpasya ng umuwi, ayaw niyang magpaka lasing dahil maaga siyang magpipinta sa susunod na araw.

Kennedy is the famous athlete player, hindi lang 'yon isa din siyang magaling na painter. Kahit maraming babae sa paligid ay wala siyang interest sa kahit na sino. Mula ng nawala sa kaniya ang kaisa isang babaeng minahal niya ay nawalan na siya ng gana sa babae. Lahat ng oras niya ay inilaan sa pagiging atleta isa pa wala pang babae ang makakaagaw ng attention niya. Subalit magmula ng makasama niya si Samantha ay nag iba ang lahat hindi man niya aminin pero kakaiba ang babaeng iyon. Hindi siya pinapa tahimik ng mga gabing dumadaan, laman ng isipan niya ang mga nangyari sa kanila sa isla. Siya ang unang lalaki sa buhay ng dalaga, at nakapagtataka lang bakit until now ay nanatili ang kainosentihan nito. Sa pagkakakilala niya sa twin brother ay walang babaeng nakakalampas sa mga kamay nito. Parang gusto na niyang maniwala na sobrang mahal na mahal si Samantha ng Kuya niya.

BOOK #3: SAMANTHA SOFFY MONTRMAYOR The Youngest ( Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon