The Beginning.

657 10 2
                                    

Alright. Where do I begin to tell my story? Actually, there is no right time to start. So the answer to that question is indefinite. I know that is so redundant, right? But, where do you actually begin? That was my question too.

Rewind from 16 months ago...

Just a bit of a background about me.

My name is Kaye. 25 years old. Not so skinny, not so fat. In short, chubby lang. I work in an office as an Admin Assistant. Single and very much ready to mingle. And so i thought. Di ako mahiyain, pero di rin naman overly out going. I can say I am in between. I don't go out to party, I actually prefer late nights in my bed watching crappy romcom movies and reading books. That was my life before everything happened. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, dko namalayan na nag simula na pala. Let alone, na natapos na pala. Ano ba tong tinutukoy ko?

11:30 pm...

My friends forced me to go out that night, since I am a self proclaimed grandma, umuwi ako ng maaga. I was waiting for taxi few blocks away from the bar. Napatingin ako sa right side ko ng may maamoy akong napaka bango. Sa lakas ng hangin, para kong niyayakap ng amoy nya. Then there he was, standing 5 steps away from me. Looking at his phone standing like a boss.

Nung una, siyempre sbi ko "Uy ang bango naman nya" didn't think much of it. Hangang sa tumingin sya sakin. Like eye to eye. Have you ever had that feeling na para kang nasimento sa kinatatayuan mo? Yung gusto mong mag react pero wala kang mailabas? Yung tipong para kang nag sleep paralysis? That is how i felt. He was a glorious looking fella. Di sya masyadong gwapo, oo aminado ko doon. Pero yung appeal nya? Diko kinaya.

Dahil doon, naunahan nya ko sa taxi. Di siya gentleman my gahd. Total turn off.

Few days past, nag kita ulit kame. Saan? Well. Sa building namin. Nag kasabay kame sa elevator. Nakilala ko siya sa amoy niya. And now na maliwanag na, mas nakita ko gaano siya ka attractive. Looking back, akala ko meant to be. Akala ko yung tipong tinadhana talaga kame na mag kita ulit. Pero may mga bagay pala talaga na kung iisipin mo, hindi naman yung gusto mo yung reason kung bakit nangyare yun. May ibang reason kung bakit nangyayare yung mga bagay bagay. Pero in the end, ganon pa rin naman itatanong mo e. Bakit?

So ayun na nga. Ilang beses pa kaming nag kita. Nag kasalubong. Nakasabay sa elevator, sa hagdaan. Siguro instinct ko nalang yung reaction ko na i approach siya. Out of curiosity. Therefore, i did. I said "Hi!" pero di siya sumagot. Feeling ko parang pabulong ko lang nasabe yun or baka imagination ko lang na nag salita ako pero hindi naman. Ganon naman minsan diba? Akala mo nasabi mo pero hindi pala.

Fast forward ng konte. Mas madalas ko na siyang nakikita. Mas madalas na naamoy. Then, it happened. One of my colleagues noticed na I was looking at him. So ayun.

Colleague: Gwapo nya no?

Me: Ha? Sino?

Colleague: Yun oh, si Gino.

"Gino pala name niya.. Bagay sakanya pangalan niya"

Me: Ahh, oo nga e. Ambango pa.

Gahd, bat sinabi mo yun? Stupid.

Colleague: Lika papakilala kita.

Me: Nako, wag na. Nakakahiya.

Then tinawag siya ni colleague. At dun na nag simula ang lahat. Diko alam kung saan ako naging tanga. Dun ba sa pag iisip na meron ibig sabihin yung pag kikita namin ng paulit ulit? Or dun sa pag bibigay ng interest sakanya? Minsan naiisip ko na baka meron lesson kung bakit. Kung bakit ko siya nakilala. Pero diko ma pin point kung ano. Parang sa teleserye di ba? May rason sa lahat ng bagay. Feeling ko nga asa koreanovela ko. Kase, naniwala ako sa magic na akala ko totoo.

Nalaman ko na dun rin pala sa building na yon siya nag tatrabaho. Nalaman niya email address ko at lagi kame nag uusap doon. Nothing personal pero may laman. Ramdam ko yon. Hanggang sa nag exchange na kame ng cellephone numbers. Although, di kame nag uusap doon. Inadd ko siya sa FB. Finollow niya ko sa instagram. Dun. Dun kame sa instagram nag uusap.

Una sobrang simple lang. Ako pa nga unang nag message. Pero okay lang. Kase, diko na mapigilan. Sobrang okay kame sa mga chats and pag uusap namin. Nag ssmile kame sa isa't isa pag nag kikita. Nag Hi and Hello pag nag kakachance mag usap.

Yung mga simpleng usapan namin nauwi na sa malalim na conversation. Marame na rin akong alam sakanya. Ganon rin siya sakin. Sabi niya sakin, pangarap daw niya ko. Ikaw? Anong mararamdan mo sa statement na yan? May kilig diba? Parang nasa ulap ako nun sinabe niya yan. Diko alam kung san parte ng katawan ko ako kinilig. Pero ramdam ko yung kuryente. Pag bad day siya anjan ako para icomfort siya. Sa work. Sa buhay. Anjan ako para saknya. Again, sabi niya pangarap niya daw ako. Sobra kong kilig pag sinasabe niya yun sakin sa chat namin. Feeling ko ang ganda ko na talaga.

Tinanong ko siya, kung gusto niya ko. Sabi niya matagal na daw pero nahihiya siyang sabihin. Sabi niya, single daw siya. Ganon rin naman ako. Pero sabi rin niya, di naman daw siya nag hahanap pa ng girlfriend sa ngayon. Pero gusto niya ko. Ayos diba? Oo. Sakin ayos lang yon. Masaya ko e. Lumipas ang ilang buwan, marami nang nakakapansin. Marami nang nakakapuna. Una, ang saya e. Kinikilig ako kapag tinitease kame sa isa't isa. Diba dun naman yun nag uumpisa? Siyempre kunware nahihiya ako saknya. Pero deep inside, gustong gusto ko. Kase alam ko gusto ko siya and gusto rin niya ko. Sinabe niya na sakin e diba? Sa chat.

Lagi ako nag sesend ng picture ng kama ko sakanya. Kase sabi ko 'to ang pinaka masayang lugar para sakin. Sagot niya? Pangarap kong mahiga jan kasama ka. OH MY GOD. Nalaglag puso ko doon. Para kong nakuryenteng pusa sa sobrang kilig. Diko inakalang maririnig ko yun sakanya. Ayy, correction. Mababasa pala.

Lumpisan marami pang buwan, naaliw na talaga ko sakanya. I felt a strong connection with him. I felt that we were the same person. Same perspective, same ideas and same opinion. Di ba ganon naman lagi? Parang nagiging isa nalang kayo. Parang mag kapareho na kayo ng takbo ng utak. Ang saya. Yan lagi kong sinasabe sa sarili ko. May oras kung anong oras siya mag memessage sakin sa Instagram. At pag dumating na oras na yon. Tumitigil na mundo ko. Sakanya nalang ako naka focus. Siya nalang kausap ko. Nakalimutan ko nan gang manuod ng movie gaya ng lagi kong gingawa noon. Hilig ko yun di ba?

Sabi niya, gusto niya daw mag travel. Siyempre, gusto ko rin. Sino ba naman hindi. Sabi niya, mag travel daw kame. Para magawa namin gusto namin. Mag yakapan. Mag kiss. Maligo ng sabay. Yung malayo, yung kami lang dalawa mag kilala. Yung walang iniisip na ibang tao o trabaho. Nag kasundo kame sa dream destination namin. Sabi ko sisimulan ko na mag ipon para sa pag alis namin. Ganon rind aw siya. Haaay, ang sarap di ba? It felt like a dream. Parang sobrang perfect namin. Yun ang problema satin minsan. Sumaya lang tayo more than usual, akala natin perfect na. Pero minsan, there's more to that.

I don't know kung paano ko tatapusin tong una parte ng storya ko. Pero alam ko, dito nag simula ang lahat. Kung anong nag pabago sakin at sa pananaw ko. Diko rin alam kung pano ko sisimulan yung kasunod na kabanata.

.........

My definition of MUWhere stories live. Discover now