The Downfall.

265 5 5
                                    


Chapter 1 - The Questions

They said, the truth will set you free. Pero, ano nga ba ang totoo?

Back to work na ko, pero confused pa rin ako. Confused pa rin kung ano ang katotohanan. Sobrang laki ng pinagbago ko. Parang nawalan ng buhay katawan ko. Sabi ng mga ka trabaho ko, pumayat daw ako. Maganda nga yun sabi ko sa sarili ko. Pero bat ganon? Bat ganito ako kaapektado? Diko rin nga alam e. Diko rin maisip anong dahilan. Nag kamali ba ako? Saan banda? Sa anong aspeto ako nag kamali? Bakit hindi ko mapag tanto kung saan ako nag kamali dito.

Marami akong tulala momemnts. Mga episode na para kong nabablanko. Ang galing diba? Di mo napapansin pero may mga bagay ka nalang na nagagawa. Minsan nga naiisip ko yun e. Pano ko kaya nagagawa ang isang bagay na hindi ko naman naiisip? Parang sa love, bigla mo nalang mararamdaman na mahal mo siya ng dimo namamalayan. Sabi ng iba, hindi daw kaylangan lagi may dahilan kung bakit mo mahal ang isang tao. Kasi daw, pag nawala na yung dahilan na yon, wala na rin yung pag ibig mo. Totoo kaya yon? Sa tingin mo? Ganon ba yung nangyare samin? Ganon ba siya sakin? Nawala na ba yung dahilan kung bakit niya ko pinangarap dati kaya niya ko binitawan ngayon?

Everyday kaming nag kikita, pag nakikita ko siya naalala ko yung sakit. Yung parang naka plaster na sa muka niya yung naramdan ko noon. Yung isa siyang malaking exclamation point na nag papaalala sakin ng katangahan ko. Para siyang alarm clock na walang tigil sa pag sigaw ng "Uy Kaye, oras na para masaktan ka ulit!!!!"

Pag nag lalakad ako, lagi akong nadadapa, natatapilok. Parang nuong mag kausap pa kame, bawat oras na mag ka chat kame lagi akong nadadapa, natatapilok sa mga sinasabi niya. Laging kinikilig, laging nakangiti. Kung iisipin mo parang ang babaw ko naman, oo aminado naman ako don e. Sino bang tao ang mag papadala sa mga ganon ganon lang diba, kung hindi ako lang.

Parang nagiging hobby ko na rin yung pag iyak. After ng nangyare naging super sensitive ako. Sa mga bagay. Sa mga tao. Konting salita lang maiiyak na ko. Para kong baby, napaka helpless ko. Naawa ako sa sarili ko, pero hanggang ngayon andito pa rin ako. Kung saan niya ko iniwanan. Di ako makaalis, kasi sa totoo lang diko rin alam kung saan ako pupunta.

I tried reaching out sa mga friends ko. Sinabi ko sa bestfriend kong si Meg na broken hearted ako. Sabi niya sakin bakit daw ngayon ko lang to nabanggit sakanya. Sa totoo lang, masyado kase kong private na tao. Yun ba dahilan? Or masyado kong nag enjoy sa pakiramdam na ibinigay niya sakin kaya diko nagawang ishare kahit kanino. Naging selfish ako, gusto kong sarilinin yung kasiyahan. Kasiyahan na ngayon ay kalungkutan.

Nag lalaro sa isip ko mga bagay na akala ko noon ay totoo. Pilit kong hinuhugot sa puso ko yung kasiyahan ko, pero sa bawat pag subok ko, tanging pangalan pa rin niya ang sinisigaw ng puso ko. There are certain things in life that are so hard to let go. To forget. Especially those memories that made you happy once in your life. Certain things that not only made you smile but also gave you life. First time kong maramdaman to, first time kong masaktan ng ganito. Akala ko madali lang, gaya sa movies na napapanuod ko. Pero, mali pala ko.

"I'm falling to pieces" Yan ang nagging favorite lyrics ko sa kantang lagi kong pinapakinggan. Music is a big part of me. It's my fuel through a boring 8 hour duty. May mga kanta kong dedicated ko sakanya. Mga kantang pag pinakikinggan ko naalala ko siya. Nakakadurog ng puso pag naririnig ko mga yon kase hanggang ngayon siya pa rin ang naalala ko. Alam mo yung parang nasa music video ka? Yung damang dama mo yung emotion ng kanta? Yung feeling mo bawat lyrics e patama sayo? Yung masasabi mo na "nakuha mo".


"Like the ticking of a clock two hearts beat as one
But I'll never understand the way it's done"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 22, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My definition of MUWhere stories live. Discover now