Part two of this story.
Well, as i said dun sa unang story. Diko alam paano ko sisimulan ikwento yung mga sumunod na pangyayari. Kung puwede lang ngang hinid na alahanin pa at ikwento e. Kung puwede nalang i Ctrl + Alt + Delete lahat. Gagawin ko ngayon na. Pero, reality check. There's no such thing as that in real life.
So after that vacation plans. Saving. Dieting. Plan A. Plan B. Continuous messaging sa Instagram. Sinabe niya na ang pinaka mabigat na statement sa lahat.
"I think I'm ready for a relationship, and I want it to be with you."
Bes. Nung mabasa ko to. Biglang lumipad ang puso ko. Lumipad sa ulap and nag pa duyan duyan don. Pati kaluluwa ko iniwanan ako. Bituka ko nag buhol sa sobrang kilig. Sabi ko, "this is is pancit!" . Pero, di pa rin kame. Ayos lang. Sabi ko. Masaya naman kame ng ganito. After all, who needs a label when you are happy and satisfied with your current status? Di ba? Ang sarap isipin, na ang gaan ng relationship namin. Sabi niya, baka daw di niya mabigay 100% ng oras at attention niya sakin. Sabi ko naman, okay lang. Naiintindihan ko naman. Masaya naman ako e. Masaya kame. Yan lagi kong iniisip. Araw araw pag gising ko. Lagi ko sinasabe. Masaya kame. Nakasmile pa ko. Parang pakiramdam ko nasa ulap talaga ako. Yung tahimik na ulap. Walang ulan, walang kulog, walang kidlat.
Time flew by, days past, months went by. Constant pa rin communication namin. Whatsapp. Instagram. Smiles. Hi and Hello. Consistent. And then. December 09. Yun ang araw na, parang nabura sa mundo yung "kame". Diko alam anong iisipin ko, kase yung gabe bago yun okay pa "kame". Nag tawanan pa nga e. Nagtx ako sknya. Sabi ko:
Kaye: Nag check pala ko ng ticket papuntang Bali, kung di tayo matutuloy sa Maldives dun nalang mas mura.
Gino: Ah, okay. Mahaba pa naman oras natin para mag plano. Tulog kana.
Kaye: Oo nga e, nakaka excite. :)
......
......
......
......
No reply.
10:30 pm.
11:30 pm.
12:30 pm.
Hangang sa makatulog na ko, wala pa rin siyang reply. The next day, wala siyang kahit isang message man lang. Pinabayaan ko. Kase baka busy lang siya. Baka maraming trabaho. Baka may meeting. Baka nasa labas. Baka sira ang cellphone niya. Maraming baka akong naisip. Pero inintidi ko nalang kase baka isipin niya masyado kong lovesick na sakanya.
Dalawang araw na lumipas wala pa rin. I started to get worried. Worried na baka may nangyare na saknya. Worried na baka naksidente siya. Naholdup. Nakidnap. Maraming baka akong naisip. Pero ngayon, diko alam paano ko pa iintindihin. Pano ko na sasabihin na, "okay lang, naiintindihan ko" kung hindi ko alam kung bakit bigla nalang siyang nawala.
One week na pero hindi ko pa rin nababasa mga messages niya sa cellphone ko. Stressed out na ko sa point na to. Di na ko makatulog. Di na ko makakaen. Sobrang aligaga ko na. Nakikita ko siya. Pero parang hindi niya ko nakikita. No smile. No Hi. No Hello. Babalik ako sa tanong ko sa sarili ko. Bakit? Anong dahilan? Bakit bigla nalang parang wala kaming connection?
Habang nakatitig ako sa computer ko. Naalala ko yung isang bagay na sinabi ko sakanya noon.
"Kung dumating man ang araw na marealize mong ayaw mona sa akin, iwan mo nalang ako. Wag ka nang mag paalam. Umalis ka nalang."