Chapter 7

128 10 1
                                    

Chapter 7

***

Jena's Point of View

Nakakainis naman ang baklang 'yun! Ang gwapo pa naman. I could remember the time nung naghubad siya sa harapan ko. Parang naguhuluhan ako nung time na nakatambad ang maskulado niyang katawan kung bakla ba talaga siya. Haist!

Sus! Nadisappoint lang ako nung malaman kong bakla ang crush ko. I was so insane fighting him-este her-este him-ah basta!

I feel bad because hindi ako nakahanap ng paraan para hindi malate nung enrollment, edi sana classmate kami ngayon. Napahiga nalang ako sa kama habang kinakalikot ang Facebook account ko.

Bigla kong naisip na i-add si bakla. Mas maganda siguro kung isastalk ko siya. Hihi. Binuksan ko ang kaniyang photos. Ang gwapo niya talaga. Hindi siya in a relationship sa FB niya. Iilan nga lang ang photos niya dito eh. Ewan ko rin kung iconfirm niya ako.

Sinave ko ang picture niya at ginawa kong wallpaper. Ang cute cute niya sa pic na 'to. Alam kong hindi malabo na magiging akin ka... Haha. Sobra kong piling. Ang lawak ng imagination ko.

Natawa nalang ako sa aking ginagawa. Ilang sandali lamang ay nakaidlip na ako.

***

Veron's Point of View

Nagising ako mga banda alas sais ng umaga. Pumunta ako sa banyo upang magjingle at maghilamos ng mukha.

Bumaba ako sa kusina at nakita si Nanay Verny at Lola Tina na nagluluto ng aming agahan. Sila ang aming mga katulong dito sa bahay at isa naming yaya na si yaya Nina.

Malapit na sila sa'min. Parang totoo na nga namin silang nanay at Lola. Si nanay Verny at yaya Nina ang tumayo naming nanay nang mawala si mama. Hindi nila alam ang dirty little secret ko. Hihi.

Hindi nila sinasalo ang mga labada namin, except lang kung exhausted kami. Ayaw kasi ni Dad na maging tamad kami.

"Good morning Lola, good morning too nanay." Bati ko sa kanila.

"Good morning din ijo." Tugon ni nanay Verny.

"Ano po ba ang ulam?" Tanong ko rito habang kumukuha ng tasa at nagtimpla ng kape.

"Hot dog lang at sunny side up lang ang pinaluto ng Daddy mo eh. Bakit may ipapaluto ka pa ba?" Sabi ni Lola Tina na nagluluto ng sunny side up.

"Wala na po." Sagot ko. Nang maluto na ang ulam ay tinawag ko na sina Dad at Kathy para sabay kaming kumain.

Pagkatapos kong kumain agad akong pumunta sa banyo at naligo. Nang matapos kaming maghanda, inihatid na ako ni Dad sa school at sinunod din niya si Kathy.

Habang naglalakad ako sa pathway, narinig ko ang boses ng isang babae.

"Hoy bakla!" Anito na ikinairita ko.

"Ano ba?!" Sabi ko at nilingon ito. "Pwede ba don't call me that way?! You're getting into my nerves!"

"Sorry." Aniya.

"Oh, ba't mo ako tinawag? Any problems?" Pagtataray ko rito.

"Ba't ang taray mo parin sa'kin? Akala ko ba friends na tayo? Gusto ko lang naman sumabay sayo ah." She said then pouted.

"Sorry na. I'm just not in the mood. At isa pa dahil sa tinawag mo ako na beshy ay este bakla. Alam mo naman diba na ayaw na ayaw kong tinatawag akong ganiyan lalo na kapag may crowd. Naku lagot ka sa'kin pag makarating ang tungkol sa'kin kay Daddy!" Pagbabanta ko dito.

"Sorry nga diba. Gusto ko lang kasing sumabay sayo papuntang room." Pangiti ngiting sabi nito. I could smell something fishy about her. Dinidikitan niya ba ako? Eeew!

Ako Si Gwapong BaklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon