Chapter 10

96 8 3
                                    

Chapter 10

***

Veron's Point of View

Mabuti na lang at nakagawa ako ng paraan para layuan ako ni Jena. Salamat na lang at sinabayan ng tadhana. Kapag sineswerte ka nga naman.

Bumalik na ako sa loob ng classroom at mabuti nalang at wala pa ang teacher namin kundi tigok na naman ako.

Nang matapos ang klase namin hinintay ko si Badz sa classroom dahil nangako siyang susunduin niya ako. Ako naman, ginanahan din kaya go with the flow ang lola niyo!

Makalipas ang ilang sandali dumating na din si Badz kasama nito si Chyll. Mayro'n pa 'tong hindi sinasabi sa'kin eh! Naku Chyll, sino ba kasi 'yang taong tinutukoy mo? Ako ba 'yan? Lol!Bakit naman siya magkakagusto sa'kin eh bestfriend lang kami tsaka bakit ko pa nga ba 'to iniisip eh may Badz naman ako ah?

"Badz, tara na! Hatid ka na namin!" Ani Badz mula sa labas ng pinto.

Hindi ko na kailangang mag-alala dahil wala na namang tao sa labas. Nagsi-uwian na. Tsaka ano naman kung Badz ang tawag niya sa'kin? Eh kung isipin wala namang malisya 'yon pakingan. Ang praning ko lang talaga paminsan minsan.

"Sige para makapagpahinga na rin ako. Kanina pa ako inaantok eh." Reklamo ko.

"Ako din, pagod nga din ako eh. Labas ka na d'yan sa room niyo para makaalis na tayo!" Anito.

"Ay grabe siya! Hindi mo man lang ba ako puntahan dito at yayain ng maayos?"

Tumawa ito.

"Sorry," Aniya at nilapitan ako habang nagpapacute. "Halika na Badz... Uwi na tayo."

"Ayan! Ito ang gusto kong gawin mo." Sabi ko habang yakap yakap niya ako mula sa likuran.

"Aray ko! Ang sakit naman ng kagat ng mga langgam dito. Hoy! Kayo d'yan next time na nga kayo maglandian! Hindi lang man kayo nahiya sa bestfriend niyo. Single po ako! 'Wag kayong painggit!" Reklamo ni Chyll habang tumatawa.

Sinabayan na rin namin ang tawa niya. Tama nga naman siya, nakakainggit naman talaga kami!

Pumunta na kami sa parking area at sumakay sa kotse ni Badz. Una nila akong hinatid bago sila umuwi.

Pagdating ko sa bahay nakita ko agad mula sa labas ang kapatid kong si Kathy na busy na naman sa phone niya.

Pumasok ako sa loob ng bahay at sinalubong ang bati ng aming mga kasambahay na naglilinis ng salas. Binati ko rin ito.

Pinuntahan ko ang pasaway kong kapatid at kinalabit ang likuran nito.

"Kathy, saan si Dad?" Tanong ko.

"Nasa office niya kuya bakit?"

"Just asking. Kumain na ba kayo?"

"Hindi pa nga eh. Bakit kuya, will you cook us some food? Yung favorite ko kuya please..." Aniya with puppy eyes.

"Yan! Dyan ka magaling. Pasalamat ka at kahit ganiyan ka, mahal parin kita. Oh siya, sige na. Palit muna ako ng damit. Tulugan mo ako ah."

"Opo! Thank you kuya! Love you po."

Sobrang mahal ko yang kapatid ko kahit minsan, este most of the time may topak. She is ready to hear me out everytime I had problems. At hindi niya sinasabi kay Daddy ang sikreto ko. But... Not my boyfriend. She will never know.

Umakyat na ako ng kuwarto at nagpalit ng damit pambahay. Bumaba naman ako agad at dumiretso sa kusina. Nadatnan ko sina Nanay Verny at Lola Tina na naghahanda para sa lulutuing hapunan.

Ako Si Gwapong BaklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon